"M A S K A R A"
Bakit kailangan pang magtago sa likod ng maskara?
Bakit kailangan pang itago ang tunay na nadarama?
Bakit di mo ipakita ang tunay na ikaw?
Kung saan ang totoo mong nararamdaman ay nangingibabawMahirap ba talagang magpakatotoo?
O natatakot sa mapangahusgang mundo?
Abot tenga ang ngiti pag may ibang nakatanaw
Pero pagtalikod, ngiti mo'y unti-unting natutunawHalos mapunit man ang labi sa kakangiti
Hindi naman umaabot sa mata ang kinang ng ngiti sa labi
Saan ba makikita ang tunay na ikaw?
Kung saan di na magkukubli sa kulay na dilaw?Iyong makikita ko ang tunay na ngiti mo
Pati luha'y gusto kong makitang tumulo
At hindi lang sa maskara nagtatago
Kasi mas masakit kung itatago mo itoMas masakit kasi unti-unti kang babalutin nito
At patuloy mong sasaktan ang sarili mo
Ikukulong sa dilim na hindi naman dapat sa'yo
At unti-unting hindi makakaahon sa dami ng mga bagay na nasa isip mo
Kaya huwag ka ng magtagoSimulang hanapin ang liwanag na nakakubli sa kadilimang bumabalot sa'yo
Subukang magpakatotoo hindi para sa taong nakapaligid sa'yo kundi para sa sarili mo
Kasi hindi ka namin matutulungan kung hindi mo tutulungan ang sarili mo
At kung pilit mong itinatago ang nararamdaman mo sa likod ng maskarang hawak moA/N: UNA ✔
BINABASA MO ANG
Isang Tula, Isang Paksa
Puisi"Ang paksa ay nakadepende sa gustong iparating ng mga manunulat sa kanilang tagabasa. Ito rin ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan, o nilalaman ng gustong iparating sumalat sa mga tao." Tunghuyan ang mga tulang aking gawa Ito may hindi kasing-ga...