- 2 -

71 4 2
                                    

Kakagising ko palang. It's a lazy Saturday morning. Haaay,

jet-lag parin ako sa nangyari kagabi sa park.

Then I felt my fingers touch my lips...

Gah! Forget about it na nga, Odrey! He's just mocking me, for sure. Di nya yun intensyon na gawin. He just wants to tease me. Pano nga ba nahantong ang lahat ng ito sa ganito?

...

Unang araw ng highschool life ko. I need to start fresh, meet new friends and manage to enter any kind of organization. This school year shall be different. Kaya mo to, Odrey.

"Hoy, Piglet. Okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka dyan." sabi ni Eian, ang super-bestfriend ko.

"H-ha? W-wala. May iniisip lang. Ikaw, Pooh? Okay ka lang ba? I mean, di ka ba kinakabahan sa first day of school natin?"

"Bakit naman ako kakabahan? Eh, nandyan ang Piglet ko to make me company."

Ayan nanaman kami. Sweet, parang mag-syota lang. Pero, di kami couple. Bestest-friend ko sya. ( Best na nga, bestest pa? Tinde. )

Sya si Eian Vanorro. Matalino, may itsura, mayaman at varsity sya ng Football.

Ganito kasi kami lagi, sweet. Tawagan nga namin Pooh at Piglet eh. Never kaming nagtawagan ng pangalan namin. Kasi, nung una kaming magkita, ayaw kong magpakilala sakanya. Kaya, tinawag nya nalang ako na Piglet kasi parang wala akong identity plus, mataba ako nun dati. Edi, tinawag ko na rin syang Pooh. Sweet noh? Pero, correction. My heart belongs to someone else.

Sya si Luke Malabrigo. Sya ang President ng SBO. Pogi, mabait, matangkad at mayaman. Although di sya katalinuhan tulad ni Eian, part parin sya ng varsity ng Football.

"Goodmorning, class."

"Goodmorning, Ms. Fuentes."

Nagising ako kakapanaginip sa fantasy nang dumating adviser namin. Well, back to reality nanaman tayo.

Sa kalagitnaan ng discussion, I found myself staring at the board, wildly dreaming. Haaay, back to fantasy nanaman tayo.

A/N: Hi guys! Sorry kung maigsi yung update ko. Babawi talaga ako sainyo, promise! Subaybayan nyo pa po sana ang mga following chapters hanggang sa huling hininga ni Odrey Lanaan. Joke, walang patayan scene dito. Well, baka sa Book 2 meron. O sya, tama na kadaldalan ko. I keep on spilling the beans. Sorry, spoiler talaga ako eh. Nasa lahi ko na yun. Thank you ulet, guys! Oo nga po pala, I dedicate this chapter to @WDSantiago HAHAHA! Hi Wenden! Ang ganda nung story mo! :) Hehehe. Daldal ko talaga eh. -_____- Well, guys. Meet Odrey Lanaan. ^_^ ( Please see the photo attached. )

Heart Of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon