(9) Sila nang bagay -_-

28 0 0
                                    

<Mikan>

Bakit? Bakit? Sa dinami-rami ng pwede nilang pagkainan bakit diyan pa sa lugawan at pansitan na yan? Bakit diyan pa kung saan malapit sa school? Bakit diyan pa kung saan nadadaanan ko pauwi? Bakit diyan pa kung saan pwede ko silang makita? Okay lang sana kung nakita ko lang sila, pero yung makita silang magkahawak ng kamay, naka naman! Joke ba ‘to??

Sebastian!!! Akala ko ba ilang linggo mo palang nakikilala yang si Angel? Eh bakit ngayon ka holding hands mo na siya? Alam ko gwapo ka Sebastian pero my gosh di ko alam na ganyan ka pala katinik pagdating sa mga babae. Akala ko ako lang ang nabihag ng charm mo.

Hindi ko sinadyang tumigil sa kinatatayuan ko, bigla nalang akong napatitig dun sa dalawa. At kung sinuswerte ka nga naman, lumingon pa sa direksyon ko si Seb! Caught in the act tuloy ako. Tumayo sila sa kinauupuan niya at sabay na lumabas ng kainan papunta sakin.

Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga boplaks kong binti. Pistiiii!!! Palapit sila nang palapit at unti-unti kong naaaninag ang mukha nung babae. Ang kinis niya at ang puti-puti pa. Unang tingin mo palang halata mo ng anak mayaman. Akala mo mula pagkabata hindi man lang dinapuan ng lamok o nasugatan. Ang lambing rin tingnan ng mukha niya. Yung pangalan niya siya namang ikinaliteral ng mukha niya.

“Mikan. Ba’t pauwi ka palang? Kanina pa nag-uwian ah? Sabi ko sayo umuwi ka ng maaga eh. Siya nga pala Mikan ito si Angel. Angel siya si Mikan bestfriend ko.”

Bestfriend. Okay. Stuck na po ako sa lugar na yun.

“Hi Mikan. Nice to meet you. I’m Sebastian’s girlfriend. Hindi mo nasabi sakin Sebastian na may cute ka palang bestfriend.” Nakita ko ang marahan niyang pagtapik sa balikat ni Seb. Kung gano siya kahinhin kumilos at magsalita ganun naman ako kagaslaw.

Kaya lang hindi yung kilos at salita niya ang nakahuli sa atensyon ko kundi yung sinabi niyang, “I’m Sebastian’s girlfriend”. Girlfriend? Girlfriend na siya ni Sebastian? Bakit ang bilis naman? Easy to get? Maganda yun, easy to get easy to forget. Mwahahaha. Waah ang sama ko! Bakit ako nag-iisip ng ganito? Patawarin mo ko Sebastian huhuhu.

 

“Ahm hi. I'm nice to meet you too - ah shet mali. Nice to meet you yung ibig ko sabihin.” At hindi man lang pala ako nabanggit ni Seb sa kanya? Ansama mo Seb.

Pero bakit ganun? Ang ganda-ganda nilang tingnan. Bagay na bagay sila. Gwapo’t maganda. Parehong matangkad. Matured. Ang hirap hanapan ng mali ni Angel. Ano pa nga bang laban ko sa kanya? Isa lang akong hamak na bestfriend.

“Ah Seb una na ako sainyong umuwi ah. Gagawa pa kasi ako ng homeworks.” Pilit na pilit ang ngiti ko.

“Sumabay ka na kaya samin? Tutal diyan lang naman bahay ni Angel eh.”

“Naku hindi na. Isa pa nagmamadali rin ako. May ipapagawa yata sakin si mama eh tinext ako.” Sinungaling.

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Tapos ay naghiwalay na kami ng mga landas.

 

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon