(7) Malungkuting kuting

31 0 0
                                    

***

"Wow bagong gupit ah!" time ko naman para gulu-guluhin ang buhok ni Seb. Bagong gupit kasi siya. Pero sa totoo lang parang ako lang naman ang nakakapansin nun kasi halos di pa aabot sa 1/8 ang pinagupit niya.

"Naman. Kailangan presentable ako mamaya pagharap kay Angel. Mamaya magpapaalam na ko kung pwede ako manligaw."

Parang ice cream na natunaw bigla ang tuwang nararamdaman ko. Akala ko isang araw niya lang iffantasize si Angel, pero hindi. Ngayon naisipan niya pang manligaw. Anong gagawin ko? Nasasaktan ako pero masaya siya. Hindi ko dapat pigilan ang sayang nararamdaman niya. Gusto ko magpakaselfish pero hanggang isip ko lang yun, hindi ko kayang gawin.

"M-manliligaw ka na? Sigurado ka ba? Diba sabi mo dapat kilalanin muna ang isang tao bago ka tuluyang mahulog sa kanila."

"Oo pero sinabi ko rin sayo Mikan na once na maramdaman mo yung kakaibang feeling nayun, alam mo na siya na nga."

Wala na akong naisagot pa.

Ang sabi niya taga San Carlo daw yung girl at pupuntahan niya daw dun. Gusto nga akong isama pero mas pinili kong wag nalang. Ayoko namang magsilbing chaperone nila no. Atsaka mas lalo lang madudurog ang puso ko kapag nakita ko si Seb kasama ang babaeng nililigawan niya. Masaya naman ako ngayon para sa kanya dahil nakikita ko pero alam niyo yun? Hindi genuine yung happiness na nararamdaman ko. May halong sakit. Ouch!

So ayun umuwi akong mag-isa. Nagpaalam naman siya sakin ng maayos subalit, datapwa't ngunit hindi ko pari maiwasang manghina. Emo-emohan sa tabi ng daan. Binibilang ang bawat sasakyan na makakasalubong. Iniismiran ang sumisitsit na mga tambay sa kanto. Pinandidilatan ang mga nakakasalubong na pusa. Nababaliw nako.

Ano kayang ginagawa ngayon ni Seb? Kumakain kaya sila ng miryenda? Tumatawa kaya siya kasama yung Angel? Ginagawa rin kaya yung mga lagi naming ginagawa? Pagnagkagirlfriend kaya siya bestfriend niya parin ako? Naiisip niya kaya ako? Haay!

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon