(4) Departure

22 0 0
                                    

Dumating na din yung araw kung kelan aalis na siya para sa camping nila. Sa school nagkita-kita yung mga sasama kaya naman nagkaron ako ng chance para magbabye sa kanya. Isang linggo lang yun pero feeling ko antagal-tagal niya ng mawawala.

“Oh mag-iingat ka dito ah. Sumabay ka muna sa mga classmates mo para may kasa-kasama ka, lalo na pag lunch break. Wag magdadiet! Para naman tumangkad-tangkad ka pa.” ginugulo-gulo nanaman niya ang buhok ko. Nakatingala ako sa kanya since di hamak na mas matangkad siya sakin.

“Kung makapagpayo ka parang ako ang aalis ah. Ikaw ang mag-iingat dun. Tulad ng sabi ng mama mo wag ka magpapatuyo ng pawis para wag ka pasmahin. Tsaka pagnagswimming kayo wag ka magb-brief lang! Isuot mo si spongebob the boxers.”

“Hush! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo mamaya may makarinig ano pa isipin. Sige na sige na aakyat na ko sa bus. Mag-iingat ka hah. Wag tatanga-tanga.”

“Opo hindi po.” Tapos kiniss ko siya sa cheek pero take note wala pong malisya yun. Kahit may gusto ako sa kanya hindi ko naman itetake advantage ang pagkakaibigan namin. Normal nalang samin yun.

Maya-maya pa umalis na din ang bus na sinasakyan nila. Diyos ko ingatan niyo po sana sila lalo na si Sebastian. Atsaka wag niyo po sanang hayaang matukso ang bestfriend ko sa kung sino mang mga babaeng makasalamuha niya dun. Salamat po.

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon