(12) Reconciliation

11 0 0
                                    

Mula nga ng araw nayun hindi na kami nag-usap at nagsama ni Seb. Minsan-minsan magkakasalubong kami at magngingitian pero hanggang dun lang. Minsan nag-aattempt siyang lumapit pero umiiling ako bago niya paman magawa o kaya ako na mismo ang aalis. Kailangan ko tong gawin hanggang sa makamove on na ako sa kanya. Hanggang sa ang matira na lang na pagmamahal ko sa kanya ay yung pagkakaibigan namin.

Kung ano-ano ang ginawa ko para aliwin ang sarili ko, nagbasa ng sandamakmak na libro, isinubsob ang sarili sa pa-aaral, sumama sa mga gimik ng kaklase, nagvivideoke sa WOF, sumasayaw ng Just Dance at kung anu-ano pa. Hanggang sa isang araw nakita ko si Seb na nakaupo sa isang bench sa labas malapit sa school namin. Nakapatong ang mga siko niya sa tuhod niya habang nakacriscross ang mga daliri niya at nakayuko siya. Mukhang may problema.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

“Diba sabi ko wag kayong mag-aaway ni Angel.”

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin siya sakin. Hindi siya nagulat na nandun ako.

“Anlakas talaga ng instinct mo.” Sabi niya habang kimi ang ngiti.

“Bakit anong problema?”

“Okay lang ba? Okay na ba na mag-usap tayo?”

“Hindi kita lalapitan at kakausapin kung hindi pa. Shonga ka din minsan eh no Seb.”

Ngumiti siya ng malapad tapos ay niyakap ako.

“Masaya ako na okay na ulit tayo.”

Masaya din ako. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako lubusang move on sa kanya. Pero hindi ko naman siya kayang makita na nagmumukmok nalang mag-isa sa isang sulok. Ako ang cheerleader niya. Ang number 1 fan niya at handa kong kalimutan ang kung anumang hindi ko dapat maramdaman para sa kanya para lang umokey siya. Haha nakakatawa lang. Kung makamove on naman ako para namang naging kami at nagbreak.

Ngayon ko mas narerealize kung kaano ako kaselfish. Imbes na suportahan ko siya sa kung saan siya magiging masaya eh ginawa ko pang komplikado ang buhay niya. Hays ang boba ko talaga. Puro puso puso puso! Hindi nag-iisip. Kailangan kong bumawi sa Bestfriend ko, at alam ko na kung paano.

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon