(6) Wasak na puso (heartbroken^^)

32 0 0
                                    

<Mikan>

Last day nila ngayon dun. At malamang nasa biyahe na sila pabalik, maya-maya lang nasa bahay na nila si Seb pero hindi ko muna siya itetext para mas lalo niya pa kong mamiss, pwera na lang kung di na siya makapaghintay at puntahan niya ‘ko ngayon dito. Ahihihihi. Ano ba ‘to bakit ba’ko kinikilig ng ganito? Kasi naman miss na miss ko na si Seb eh. Kung anu-ano na tuloy ang naiimagine ko. Hay sana talaga…sana talaga narealize niya na na gusto niya rin ako.

Monday. Maaga akong pumasok sa school. Alam na kung bakit. Nagwawalaan ang mga bulate sa tiyan ko, hindi dahil sa gutom kundi dahil sa excitement. Sa wakas makikita ko na ulit ang bestfriend ko!

Dumiretso ako sa tambayan naming dalawa para dun siya hintayin. Nakatext ko na siya kaninang umaga at may sasabihin daw siya saking importante. Ano kaya yun? Ano kaya yun? Baka magtatapat na siya! Oh em! Wag muna di ako prepared! De joke.

So ayun nauna nga ako sa tambayan. Nagpapawis at nilalamig ang mga kamay ko. Pati mga paa ko napapawis narin wala paman din akong suot na medyas. Panigurado lagkit-lagkit to mamaya, buti nalang di nangangamoy ang paa ko. Ano ba yan! Kinakabahan ako at the same time naeexcite din. Para akong matatae! Pipigilan ko pipigilan ko!

Makalipas ang apat na minuto at dalawampu’t tatlong segundo, DUMATING DIN SIYA. Dumoble ata sa pagpump ng dugo ang puso ko, ambilis! Teka ano ba pinaggagawa nila dun at ganyan na kulay niya? Nakikiuso sa mga kano na mahilig magpa-tan? Hahaha. Inthefairofness bagay naman sa kanya. Mas nagmukha siyang macho…machonurin.

“Mikaaaaaaan!” nagulat ako sabiglang pagtakbo niya palapit at pagyapos sakin. Ang higpit ng yakap niya.

“Namis kita Mikan. Anubayan di ka parin tumatangkad.” Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at gaya ng dati ginulo-gulo niya nanaman ang buhok ko. Namiss ko to.

“Wow ah. Babalik ka dito para lang iparealize sakin na hindi ako katangkaran? FYI matagal ko nang narealize. Ikaw lang naman di nakakarealize.” May double meaning.

“Bakit ang bitter mo? Alam mo naman joke na totoo yun. Hindi mo ba ako namiss?”

“Siyempre namiss! Akalain ko ba namang walang signal dun sa pinuntahan mo. Ayun namiss tuloy kita.”

“Hahaha. Okay lang yun. Atleast ngayon andito na ulit ako diba? Nga pala may sasabihin ako sayong importante.”

Hooh! Inhale, exhale. Ito na yata yun.

“Ano naman yun?” syempre hindi ako magpapahalata na naeexcite at kinakabahan ako.

“Nahanap ko na. Nahanap ko na Mikan ang magpapatibok ng puso ko. Makakaalis nadin ako sa samahan ng mga NGSB.” Inalog-alog niya pa ako sa paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Ang lawak ng mga ngiti niya at nahahawa ako dun. Ansaya niya. Higit na masaya siya ngayon kesa sa mga oras na inaasar niya ako dahil sa katangahan ko.

“T-talaga? Sino?” please please banggitin mo ang pangalan ko. Please Sebastian, sabihin mo Mikan. Sabihin mo ako.

SI ANGEL. Nakilala ko siya dun sa camp. Tinatanggal niya yung mga sibuyas at bawang sa pagkain niya ng una ko siyang makita. Alam mo ba ang bait-bait niya. Babaeng-babaeng tingnan. Unang kita ko palang sa k a n y a n a g u s………” unti-unting bumagal at humina sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Seb. Angel. Sino si Angel? Bakit hindi pangalan ko ang binanggit niya?

Antanga-tanga ko talaga! Anlakas ko magpaasa sa sarili ko eh alam ko namang hindi niya ako magugustuhan. Aaaaaaaaaaaah! Gusto ko ngayong iumpog-umpog ang ulo ko sa semento pero hindi pwede nandito si Seb. Masayang-masaya siyang nagkukwento tungkol kay Angel. Angel, pangalan pa lang talo nako, siya anghel samantalang ako Mikan tunog ponkan.

Halos maghapong bukambibig ni Seb yung Angel kaya naman maghapon ding natotorture ang puso ko. At dahil bestfriend niya ako responsibilidad kong suportahan siya kung saan siya masaya. Ang hirap pala nito, minsan nga naririndi na tenga ko kaya bigla nalang akong mapapangiwi. Tapos titingnan niya ako ng masama. Siguro nga ganito rin yung naramdaman niya ng magkaboyfriend din ako at puro yun ang binabanggit ko. Pero hindi niya pa naman girlfriend yung Angel ah! Ganun na ba talaga siya ka hulog dun? Nalove at first sight ba siya kay Angel?

Ngayon ko lang nakitang ganito kadaldal si Sebastian. Malulungkot ba ako o magiging masaya nalang para sa kanya? Huhuhu ang hirap naman nito. Bakit pa kasi ako nagkagusto sa kanya at bakit pa ako nag-assume na magkakagusto rin siya sa ‘kin. Feeling ko tuloy ngayon mababaliw na ako!

Pero simula palang pala yun ng mga kabaliwan at sakit na mararamdaman ko dahil si Sebastian, si Sebastian! Nagsimula na siyang manligaw kay Angel.

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon