(14) Oplan Despidida

11 0 0
                                    

"Tara na!"

"Hah saan?"

"Sa tindahan ni aling Nena."

"Hah anong gagawin natin sa tindahan ni Aling Nena?"

"Bibili tayo ng mga gagamitin para sa despidida party ni Angel."

"Wow! Magpapadespidida party ka para sa kanya?"

"Kasasabi ko lang diba. At ikaw magiging sidekick ko."

"Aray naman basted na nga alalay parin."

"Sino nambasted sayo? Halika bugbugin natin. Haahahhaa!"

Ansaya. Ansaya pag-usapan yun ng hindi kami nagkakasakitan kundi dinadaan lang sa tawanan. Mas madali pala kapag ganito. Makakamove on din ako kay Seb dahil din kay Seb. Haha.

So ayun pumunta na nga kami kila aling Nena. Masaya ako na nakuha niya ang ipinupunto ko sa kanya kaya naman ngayon ay nag-eeffort si Seb para maipakita niya kay Angel na suportado niya siya at proud siya sa kanya.

Sa bahay nila Angel gaganapin ang party, kinunchaba niya lang ang mga parents nito. Buti nalang mababait at game na game din sila. Kaya pala mabait si Angel kasi pinalaki siya sa isang mabuting pamilya.

Umorder nalang kami ng Pizza at fast foods kasi hindi na kakayanin kung magluluto pa. Dinecorate din namin ng konti ang sala nila then gumawa kami ni Seb na ang nakalagay eh "GOODLUCK AND WE ARE SO PROUD OF YOU ANGEL. KAWAII!!!!!!" 

"Bakit kawaii? Diba dapat kaway?" tanong ng mama ni Angel sakin kasi ako ang sumingit nun sa tarp.

"Ah sa Japan po kasi ibig sabihin niyan cute. Eh cute naman po si Angel atsaka sa Japan siya pupunta kaya relate. Hehehe."

"Ay oo nga ano. #MedyoRelate."

"0_0!" Nagulat naman ako kay mommy humahashtag na din.

Excited ang lahat maliban nga lang kay Sebastian na halatang nangingibabaw ang kaba. Nilapitan ko siya saka pinalo sa balikat.

"Wag kang mag-alala mahal ka din nun."

"Alam ko baliw."

"Eh ba't ka diyan natetense?"

"Baka kasi di niya magustuhan 'to. Ang cheap ng mga pagkain di man lang ako nakapag-order sa sosyaling resto. Tapos yung decoration minadali din. Baka talaga di niya magustuhan."

"Tss. It's the thought that counts naman eh. Atsaka wala ka bang trust kay Angel? Naku kapag ang trust nabutas baby ang labas. Tsk tsk- Ah! Aray!" bigla niya akong binatukan.

"Tigilan mo nga ako diyan sa kakornihan at kamanyakan mong yan."

"Ito naman nagjojoke lang naman ako para marelax ka. Atsaka totoo naman yun ah. Kung kaya mong itrust si Angel sa pagpunta niya sa Japan, edi mas magtitiwala ka na magugustuhan niya 'to."

"Mikan magsulat ka na kaya ng libro. Masyado ka ng daming nalalaman ah. Papabooksign ako hah. Paselfie na din." sarcastic na pagkakaabi niya. Pero in a way bilib din naman siya sa sinabi ko.

"Andito na si Ate Angel!" narinig naming isinigaw nung batang pinsan ni Angel.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Seb ang kamay ko.

"Thank you Mikan. Ikaw talaga ang PINAKA na BEST friend ko pa."

Ngumiti ako. Overwhelmed sa mga sinabi niya. Tapos ay itinulak ko na siya papunta kay Angel.

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon