(13) Ang Pagbabalik ni "Friendship"

10 0 0
                                    

"Yah! Pero hindi naman kayo nag break diba?!"

Umiling lang si Seb.

"Oh eh anong iminumukmok-mukmok mo diyan? Dapat paghandaan mo ang pag-aalis niya. Alam mo-?"

"Hindi ko alam."

"Ay gagiks. Makinig ka muna kasi wag kang magpakaemo diyan hindi bagay. Mukha kang unggoy na nanakawan ng saba."

"Harsh."

"Makinig ka muna kasi. Importante 'tong sasabihin ko."

"Siguraduhin mo lang na importante yan kung hindi iiwasan ulit kita."

"Psh! Para namang ikaw yung umiiwas eh ako kaya. Epal 'to. Pero di nga importante talaga 'tong sasabihin ko. Tungkol ito sa narealize ko matapos nating mag-BQ."

"Anong BQ? Baka BBQ tsaka hindi naman tayo kumain ng barbeque ah."

"Baliw! BQ as in Bestfriend's Quarrel."

"Wushu crush mo nga ako eh."

Ayy buset bigla akong nahiya dun ah.

"Ano naman? Masama ba yun? Ang mahalaga maging loyal ka kay Angel kahit gaano pa kita ka crush!"

"Oh eh ba't ka nagagalit?"

"Kasi hindi mo ako pinapatapos! Hindi ko pa nasasabi kung ano yung narealize ko!"

"Ano ba kasi yang narealize mo ha?"

Umayos ako ng umupo at seryosong tumingin sa kanya. Hinintay ko munang sumeryoso din siya bago ako nagsalita.

"So ganito. Diba nga nag-away tayo? Well, di naman actually nag-away, naging super awkward lang tayo sa isa't-isa as in to the highest level awkwardness na ayaw ko nang maulit. Narealize ko na naging super selfish ako na puro feelings ko lang ang inintindi ko at binalewala ko yung sayo. At sobrang sorry ako dahil dun."

"Okay lang yun Mikan." ginulo-gulo niya ang buhok ko habang nakangiti siya ng simple. Pakiramdam ko tuloy mahuhulog na naman ako sa kanya PERO hindi pwede at pipilitin kong hindi.

"Narealize ko din na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo kasi hindi talaga yun para sayo. Tulad mo, para ka kay Angel."

Tumango-tango siya.

"At higit sa lahat, narealize ko na hindi mo kailangang makuha ang gusto mo para maging masaya ka. Sapat na ang maging masaya ka para sa kanya. In that way, mas maipapakita mo kung gaano siya kaimportante para sayo."

Tumango-tango ulit siya.

"Nakukuha mo ba ang point ko?"

Umiling-iling siya.

"Ay shutanginamess! Banaman yan Seb akala ko ba ikaw mas matalino sating dalawa? Akala ko nga ikaw unang mamamatay sating dalawa kasi ikaw madaming alam eh."

"Konek?"

"Well si Rizal pinatay kasi maraming alam."

"Di ako si Rizal, tsaka matagal ka talagang mamamatay kasi masamang damo ka eh. Amorseko ka. hahahahhaa!"

"Ay ang sama. Pero seryoso nga Seb, hindi mo nakuha point ko?"

Nagpoker face si Seb kaya hindi ko mahulaan kung ano sasabihin niya. Tapos biglang siyang ngumiti.

"Gets na gets ko best. Ayos din pala yung BQ natin eh. Nagmature ka ng wala sa oras."

Ako nagmature? Hindi ko alam yun ah. Pero siguro kung ang ibig sabihin ng pagiging mature ay pagiging sensitive sa nararamdaman ng iba, siguro nga nagmature na din ako. Tehee!

What Friend IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon