CHAPTER 21

4.6K 57 3
                                    

Agad akong nagluto and prepared Jake's request. I cooked bacon and eggs and of course fried rice na isa din sa mga specialty ko. Sana magustuhan ito ni Jake, within 40 minuted natapos ka na lahat ng lutuin at nagset ako ng table. After ko magset ng table, tamang-tama na dumating din si Jake.

"Wow, Olivia! It looks so good!"
For the first time, kahit ngayon lang sabihin ni Jake ito, okay na sa akin. At least narinig ko din ang pagkamangha niya sa mga lutuin ko, sana magustuhan niya ang lasa.

"Kumain ka na Jake, bago pa lumamig. " I said shyly.

Agad naman umupo si Jake at nagsimula ng kumain. Siya lang lagi ang kumakain mag-isa. Hinihintay ko palagi ang senyas niya o kung sasabihin niya na kakain kaming dalawa ng sabay. Nakatayo lang ako dito sa kilid ng table at papunta na sana ako ng kusina ng tawagin niya ang atensyon ko.

"Sit Olivia. " Totoo ba 'tong naririnig ko?

"Ha?"

"I said sit with me and-"

Nagpigil ako ng hininga dahil hindi ko alam kung ano ang susunod sasabihin ni Jake. Ano kaya ang gusto niya ipagawa sa akin?

"........eat breakfast with me." Hindi mapigilan ng mga mata ko na lumaki. Sa pagsasama namin ni Jake, ngayon lang niya ako pinasabay ng breakfast.

"Why do you look so shocked? Sit down and eat with me, you silly. " Nakangiting pahayag ni Jake. Habang umuupo ako, sinagot ko na ang kanyang tanong.

"You've never asked or even told me before to eat breakfast with you. "

"There's always a first for everything, right?"
Tumango ako at magsisimula na sana akong kumain, pero narealize ko na wala pala akong plato o kubyertos kaya nagpaalam muna ako ni Jake na kukunin ko ang mga iyon.

"Jake, kukunin ko muna ang mga kubyertos ko. " Tumango na lang ito kasi busy sa pagkain. Baka nasarapan sa luto ko? Hehehe.

Nung nasa kusina ako, biglang sumigaw si Jake pero hindi galit na sigaw, yung meron lang iuutos na sigaw na kalma lang.

"Olivia? Don't make coffee, later lang yun. Can you get me some orange juice?"

Bumilog na naman ang mga mata ko. Matagal na hindi umiinom si Jake ng orange juice. Sa pagkakaalam ko, dahil sa mga pag-uusap namin ng mom ni Jake, hindi na daw umiinom si Jake ng orange juice pagkatapos daw namin.....maghiwalay. So after all these years, ngayon siya iinom ulit ng orange juice. Mabuti na lang meron kaming orange juice dito, hindi kinukutaw o kagaya ng juice sa pinas. Ang gusto ni Jake ay yung klaseng juice sa US. Ako nalang kasi ang umiinom ng orange juice na ganoon dahil favorite ko. Mabuti na lang at bumili ko. Baka that's the reason why he stopped drinking orange juice dahil favorite ko?

Wag assuming. Nag-a assume na naman ka. HMP!

Okay na, okay. Hindi na ako mag-assume.

Agad ko na kinuha ang mga baso namin dahil gusto ko din uminom ng orange juice. Binigay ko kaagad kay Jake ang kanyang baso at ako'y nagsimula na ding kumain.

"Thanks. " Busy pa rin siya sa pagkain.

"You're welcome. " Nagsmile ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba ang ngiti sa aking mukha.

Malapit na kaming matapos kumain ng magsalita si Jake.

"Olivia, I'm gonna be back early so I hope you'll cook dinner then."

"What time Jake?"

"Mga 5pm to 5:30 pm siguro."

"Okay. You want coffee?"

The Husband's Slaved WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon