---
"S-si Jacob *sobs k-kasi." - mas lalo pa syang napahagulgol nang sinabi nya yung pangalan. Sa pagka ka-alam ko siya yung bestfriend/ boyfriend ni Jackie, mag o-one year na rin sila. Pero una pa lang may kutob na ako.
(Flashback)
"EJ! KAMI NA NI JACOB, KYAAAAAH! ANG SAYA SUPER!" Walang jo talaga to' si Jackie! Ang ingay ingay ng bunganga.
"Yung lagi pumupunta dito? Yung parang adik kasi sobrang payat?"
"Oo! Di naman sya mukhang tingting e! Hmph!"
"Wala akong sinasabing tingting, ang sabi ko payat lang, pero seryoso ka ba dun? E mukhang chicboy yun e!"
"Elaine naman! You shouldn't judge people especially the people you don't know. Judge ka ng judge! Malay mo, may ji-nudge kang tao ang sabi mo kesyo ang sama ng ugali nya pero di mo alam kaya lang sya naging masama because of her/ his tragic past." Medyo may tama sya ah.
"Ang hirap kasi sayo Jackie! Masyado kang mabait! Oo nga masama ang mag judge pero magka iba naman ang "pang ju-judge" kesa sa "reality" . Diba nung di pa kayo nakwento mo sa akin na saksakan nang pagka maharot si Jacob? Sayo mismo nanggaling yun." Napatahimik na lang sya, marahil na isip nya na tama ang sinabi ko.
(End of flashback)
"Ang tanga tanga ko kasi di ka agad ako naniwala sayo! Tuloy nasaktan ako *sobs*."
"It's not your fault tsaka mas okay na yung masaktan ka atleast, ngayon matututo ka na sa mga maling desisyon mo, God has planned for you, for us." Hahaha, ang bait ko ba? Syempre alangan sabihin ko "Yan! DI ka kasi nakinig! Tanga tanga mo kasi! Bahala ka sa buhay mo, ang landi mo!" Masyado naman pag ganun yung sinabi ko tsaka mahal ko kaya si Jackie.
---
Sunod dumating si Ciara then Ate Biancs, tapos kinuwento na ni Jackie. Ginamit lang daw sya ni Jacob para sa pagsikat, sikat kasi si Jackie sa school, dahil sa maganda, medyo mayaman, magaling sumayaw, matalino at captain ng volleyball. Ang galing no'? Samantalang ako maganda at medyo mayaman lang tsaka onting sayaw. Pero hep! Hindi naman ako ang pinag-uusapan dito kundi si Jackie, katulad lang ng lovelife nya ang mga nababasa ko sa Wattpad and ibang published books, sana lang wag nya nang makatuluyan yung lalaki yun dahil hindi naman sya deserving at tsaka para mas tragic except na lang kung may valid reason. Pero feeling ko, magkaka balikan rin sila, buset.
Nagulat kami ng nagshare rin si Ciara, inlove daw sya sa bestfriend nyang lalaki pero tinutulungan nyang magkalapit ito sa mahal nung lalaki. Si Ciara kasi ang pinakatahimik or not- ewan. Nagulat na lang sila nung nagsalita ako "Alam mo Ciara, maghanap ka na lang ng iba, marami pa jan. 'Wag mong sasabihin na kesyo marami ngang lalaki pero sya lang mahal mo, pano ka ma- iinlove kung hindi mo bubuksan ang puso mo para magmahal? Kesa naman yung para kang tanga na nasasaktan nang sobra, masokista lang? Tsaka ang mga Flores Sisters ay di bagay na umiyak dapat palagi lang nakangiti." Napatawa sila, see? I'm so great talaga! * evil laugh*
"Ikaw ha! Ano ka Love Guru?"- Ate Biancs
"Oo e, sideline ko. Joke lang! Kung ikaw kasi ang mag a-advice puro postive sinasabi mo palibhasa inspired kay Hyrelle."
"Wala namang masama sa pag sasbaing positive ah?"
"Wala nga pero minsan, mas maganda na rin yung imulat mo yung mata mo at tumingin sa negative side, hindi sa nang do-down ako pero pag nag sabi ka kasi ng positive mas mataas yung chance na aasa ka tapos anung mangyayare? Sa dulo, ikaw pa rin yung uuwing luhaan pero kung napag isipan mo yung negative side, di ka na masyadong masasaktan dahil nahanda mo na sarili mo na wag umasa at wag masyadong masktan. 'Right?"
Nagulat ako ng pumalpak silang tatlo at niyakap at ginulo ang buhok ko, sweet namin no'? Pwes mainggit kayo, joke lang!
"Dalaga na si EJ! Ang bilis nang panahon." - Jackie
"Oo nga e! May pinaghuhugutan yung mga sinasabi."- Ate Biancs, wala lang tong masabi e.
"Salamat Love Guru! Hahahaha!"- Ciara
Hayzsxct. I thought na mag e-end ang araw na to' na puro iyakan at dramahan pero nagkamali ako kahit papano na englighten ko yung mood nila. Kahit di ko nabura o naalis yung mga sakit na nararamdaman nila atleast, nabawasan ko, at sobrang saya sa feeling nun.
---
Time check: 1:22 A.M Mukhang zombie nanaman ako! Lahat jan ay mga pananaw ko lang sa buhay so wala akong magagawa kung salungat kayo sa aking pananaw. Every person is different and I can't do anything about that. Morninght. :*
BINABASA MO ANG
The Matchmaker.
HumorSi Elaine ay isang spoiled-brat, hard-headed, mapang bara at marami pang negative attitudes pero despite of her spoiled-brat figure ay isang Elaine na may malambot na puso at mapag mahal. Pero bukod sa ugali nya ay tinawag rin siyang "the matchmaker...