Chapter 1 - Meeting under Unexpected Circumstances

205 0 0
                                    

CHAPTER I – Meeting under Unexpected Circumstances

Mayu

 

“Mayroon mga bagay sa mundo na nawawala o mawawala balang araw, ang masaklap hindi mo alam kung saan, kelan, ano o sino? Pero ang pinakamasakit ay hindi mo alam kung babalik pa o sadyang maglalaho na lang habang buhay.”

“Kriiiiiiiing kriiiiing kriiiiiiiing kriiiiing” – tunog ng alarm sabay hampas ng kamay sa headboard ng kama *nahulog ang alarm clock kaya tumigil*. “Oooooooouch!” *dilat na nakatingin sa kisame.* “Ano ba ‘yan as usual bad dream na naman!” sabay pikit muli. “Ano ba cliff, ‘wag dyan cliff, nakakakiliti naman eh! Sige na eto na babangon, five minutes na lang sige na fiveeeeeeeeeee minutes?” papikit-pikit akong na lingon sa alarm clock na nahulog sa sahig. “O-EM-Geeeeeeeeeeee! FIVE MINUTES na lang late na ako sa opening ceremony!”. Nagmamadaling bumangon sinuot ang salamin na nakatabingi, kinuha ang towel at sabay pasok sa banyo.

 “Sus, five minutes kulang pa ‘to sa oras ng panliligo ko, ‘di bale opening ceremony pa lang naman eh, ang napakahabang speech ng mga teachers at principal lang maririnig ko ‘dun.” Biglang natigilan habang nagsasabon. Bakit ganon? Halos dalawang taon na ang nakakalimpas bakit siya at siya parin ang napapanaginipan ko. Bakit ikaw, josh? JOSH! JOSH JOSH! D**N YOU JOSH! – biglang buhos at kanta. Paglabas galing sa banyo, “Cliff naman kasi bakit hindi mo ko ginising ng maaga? Hays.” Buntong-hininga sabay punas ng tuwalya sa buhok 

                                                                                                        *Mayumi Santos aka "Mayu"

                                                                                                          17 years old

                                                                                                           Senior High Student

Kon’nichiwa! (“hello” sa Japan), ako nga pala si “Mayu” as in Mayumi Santos. Ano ginagawa ko ngayon? Well, nagpe-prepare lang naman sa unang araw ng pagiging isang senior student. As usual late ako pero okay lang mas marami pang araw na ganito ang darating sa buhay ko. I’m 17 years old nga pala at kasalukuyang namumuhay ng mag-isa sa isang apartment complex kung saan nire-rentahan ko temporary. Actually, ayaw ko sanang mapahiwalay sa pamilya ko ng napagdesisyunan ng mga magulang ko na umuwi ng probinsya for some long business reasons. Ayaw ko kasing iwanan na lang ‘yung bestfriend ko after naming makapasok sa ideal school namin for senior high. Pero temporary lang naman after ng senior high I’ll be flying for japan to continue my dream. Isang manga artist kasi ang tito ko doon, in japanase term isa siyang “Mangaka”. Well, dream ko talaga ang pagiging isang Mangaka. Dito ko kasi masusulat at maisasabuhay ‘yung mga bagay na hindi ko nagawa kasama ‘yung taong mahal ko, DATI. Si Josh lang naman ‘yun after niya ko iwanan para sa mga ambisyon niya, hindi ko alam napaka-cruel ng mundo. Siya kasi almost 3 years ko siyang boyfriend sa kasamaang palad umalis siya at lumipat ng tirahan hindi ko na alam kung ano pa ang ibang ditalye pero ang sabi niya sakin “Sana maintindihan mo na hindi kita kayang maging priority ngayon. Kailangan ko ‘to para sa sarili ko. I’m sorry.” At ‘yun na nga ang masaklap na nangyari nung summer break namin. For me, he’s not just my boyfriend. Nandun kasi siya lagi sa tabi ko ng may mga times na hindi ako okay at times na gusto ko ng mag-give up kaya naman walang alinlangan ko siyang pinakilala sa mga magulang ko kahit super restricted pa ko magka-boyfriend. For me, Josh is my everything. Kaya tumigil talaga ang oras ko nung nawala siya sa buhay ko. Sayang napaka-ideal boyfriend niya kaya mahal na mahal ko siya at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Okay, off topic na about kay Josh.  Ang gusto ko lang ma-fill ‘yung emptiness sa puso ko kaya I want to go and fulfill my dream. *nagsasalita sa isip habang nagsusuklay ng buhok*.

No Exceptions, 'Di Mo Ko Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon