Chapter 14: Ball of Life

7 0 0
                                    

Mayu

*Boarding house at 10:00 AM

*Phone ringing

Hmmm. Ano ba yan ang aga aga naman.

"Aray ang sakit ng paa ko. waiiiit lang sino ba 'to? tawag ng tawag natutulog pa ang tao." Medyo pikit pikit pa ang mata ko galing sa pag-gising. Hinanap ko ang cellphone kong sobrang ingay.

"Hello, sino 'to?" sagot ko sa phone ko.

"Mayumi Santos, kanina pa ako tumatawag sayo last 2 hours na. Ano na?" Galit na sabi ni AJ sa akin. Medyo mabagal magprocess ang utak ko kasi kakagising ko lang.

"WHAT?" Napatingin ako sa orasan ko. OMG! super late na ako. 10:00 AM na. Nagmadali akong tumayo. Natumba ako dahil sa sakit. Nakalimutan kong injured nga pala ang left foot ko. Nahulog naman ang phone ko dahil sa pagkakabagsak ko at inabot kong muli para sagutin si AJ.

"Sorry AJ, natumba ako nakalimutan ko na injured pala ako." Sabi ko naman sa kanya.

"Mayumi, hindi mo ba alam na sobra kaming nag-aalala sayo. Pati si Calyx everytime in the last 2 hours nagccheck siya sakin kung tumawag ka na sa akin." Pag-aalalang sabi ni AJ.

"Sorry talaga AJ, hindi ko namalayan ang oras siguro kasi sobrang sakit ng paa ko kaya ganun." Pag-eexplain ko naman sa kanya.

"So, kamusta pakiramdam mo? dapat pupuntahan ka ni Calyx kaso hindi siya payagan ni Mr. Marquez kasi nga magsisimula na in few minutes yung game 1 ng football." Dagdag pa niya.

"AJ, mukhang di ako makakapasok today. Sobrang sakit talaga eh. Siguro magpapahinga muna ko today and hopefully tomorrow maayos na at pwede ko na ilakad yung left foot ko." Explain ko ulit sa kanya.

"And, pakisabi kay Calyx if ever na mauna mo siya makita kesa sa mabasa niya ang reply ko sa message niya na I'm fine, please don't worry." Dagdag ko pa.

"Okay okay. Ganito lang I'll drop by later after school. Wag ka ng lalabas. Dadalhan kita ng dinner. Okay?" Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko. kaya mahal na mahal ko tong si AJ eh.

"Okay po boss, salamat AJ." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Fine. Just rest and hopefully makalakad ka ng maayos tomorrow. Don't worry I tell Calyx. Bye." Binababa na ni AJ ang phone niya dahil naririnig ko na rin ang boses ng galit na galit na homeroom adviser ni AJ sa loob ng classroom.

Tiningnan ko agad ang phone ko. Gosh. 15 missed calls from Calyx and 8 missed calls from AJ. Binuksan ko agad ang messages ni Calyx sa inbox. Nireplayan ko agad yung unang message niya. Maya maya ay nagscroll pa ko umaasa na makikita kong kahit isang missed call man lang or kahit isang message mula kay Kim. Pero wala. Sumagi naman muli sa isip ko yung nangyari sa kanya kahapon at kay Lexi. Lumapit naman at naglambing si Cliff sa akin.

"Hay naku Cliff, No. maaga pa para kumain." Sabi ko sa kanya.

"Cliff bakit ganun? akala ko ba gusto ako ni Kim? Bakit isinabay niya si Lexi kahapon pauwi after pa ng confession nito sa kanya?" Inis kong pag-rarant sa kanya.

"I know I know. Fine. Kahit isang message wala ka diba? edi i-go mo na si Lexi kung siya na ngayon ang gusto mo. Buti pa si Calyx may concern sakin." Pinakain ko lang saglit si Cliff kasi tama gutom na siya kasi late na talaga. Tapos ay naramdaman ko muli ang kirot ng injury ko at natulog muna ako saglit.

Calyx

*Football field at 12 Noon

Kakatapos lang game 1 pero kahit anong gawin kong enjoy hindi ko magawa kasi iniisip ko si Yumi all throughout ng game. Buti na lang nanalo kami sa game 1 kung hindi may lecture na naman ako nito kay Mr. Marquez. Pinunasan ko lang katawan ko at nagtungo na sa changing room para magpalit ng uniform. Pagkatapos na pagkatapos kong lumabas ng shower room at nagpalit ng uniform agad ko namang kinuha ang bag ko at hinanap ang phone ko. Pag bukas ko ay hindi naman ako nabigo at nakita ko agad na may message si Yumi. Na-bombard ko ata siya ng missed calls at messages. I opened her message saying na she's okay at absent siya today. Lumabas naman ako agad ng changing room dahil pupuntahan ko si AJ. Nakasulubong ko naman si Rocky sa hallway.

No Exceptions, 'Di Mo Ko Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon