Mayu
*Friday Night
Mayu’s Apartment
Time Check 11:13 PM
Shocks. Kailangan ko ng maipasa ‘yung next volume. Thanks to that Kim nagkakaroon ako ng reference sa bago kong ginagawang character. Minsan may benefit din akong nakukuha sa kanya eh. Pero kung iisipin, meron din siyang good side. One time nung binully ako nina Lexi, pinagtanggol niya ko pero hindi nga lang maganda yung way ng pagkakatanggol niya sakin sabihin ba namang “Anong ginagawa niyo sa maid ko” at nakayakap pa yung kamay niya sa leeg ko. Hmm ang ganda na sana eh ang panget lang nung linya. Tapos naalala ko nung na-clinic ako, nagabala pa siyang puntahan ako sa clinic para lang asarin. Tapos nung P.E na-sprain yung ang ankle ko, binuhat niya ko pero may libreng isang bento (packed lunch) ‘yun eh. Hays kung tama lang siguro pagkikita namin edi sana hindi ganito.
*phone ringing*
“Moshi, moshi tito”
“Moshi, moshi Mayumi. So tapos mo na ba ‘yung assignment mo? Yung second volume?”
“Yes tito, 18 chapters po yung 2nd volume.”
“Good, send mo sa e-mail ko ha. Oh paano overseas call to kaya baba ko na. Ahm Mayu, may ranking na para sa mga top writers, at good news nasa top 10 ka out of 50. Good job! Baka ‘pag nagtuloy tuloy Mayu, maging mabilis ang petisyon mo dito para naman maturuan na kita mag-drawing at hindi lang sa story ka na nakafocus mas maganda kasi na yung mismong writer ang makakapag-portray ng scenes. Ooh siya siya.”
Kyaaaaaaaaaa! Domo arigotou Kami-sama! (Thanks, God!) Yes! Pwede na ko matulog.
*tulog agad*
*Morning (Saturday)
Time check: 6:00 AM
*phone ringing*
Ang aga aga naman, baka si tito to.
*picks*
“Moshi, moshi, ohayo!” *pikit pa*
“Oy, I need you here at the house 7 sharp!” bigla akong namulat.
“WHAT? WHY?” si mr. arrogant.
“7 sharp! No Exceptions!”
Binabaan ako. Ano ba naman yan! Magic word ba ‘yun? Lagi na lang niya sinasabi yung No Exceptions No Exceptions *making face* sus!
*message received*
Yung address nila? So dun pala ko pupunta ngayon? Bakit naman? Ano problema niya nakakainis. I guess wala na naman akong choice. Ano ba ‘yan wala pa naman akong tulog simula kagabi. Hays.
*5 minutes
Before 7 AM.
*Ding Dong*
Sus, abot pa ko! Buti na lang. Pero bakit walang lumalabas, ang laki naman ng house nila.
“Saglit, saglit” response niya.
“Ahm good morning po, si Kim po?”
“Ah si master Kim po. Ka-ano ano ka po niya?”
Gosh di ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi naman pwedeng sabihin ko na personal maid niya ko. Classmate na lang.
“Layla, ako na dyan.” Sabi ng isang matandang babae.
Yes! Saved by the bell.
“Ah, good morning Hija. Ikaw ba si Mayumi?” nagulat ako kilala niya ko.
BINABASA MO ANG
No Exceptions, 'Di Mo Ko Love!
Подростковая литератураRecovering from her unfavorable first love, Mayumi Santos aka Mayu drawn herself writing romance/love stories and committing herself to be independent she decided to live alone to finish two years of her senior high with her bestfriend. Now as she w...