Chapter 8 - Confession: Calyx and His Feelings

19 0 0
                                    

CHAPTER VIII – Confession: Calyx and hisFeelings

Mayu

*Mayu’s Apartment

Time Check: 9:00 AM

Hindi ako nakapasok ngayong araw sobrang late na kasi akong nagising. Ano naman ‘yung napanaginipan ko. Binabalikan daw ako ni Josh? *napakamot sa ulo* Tetext ko muna si AJ.

*Message sent to AJ

“AJ, sorry ‘di ako nakapasok. Nalate ako ng gising. (-.-).”

*Message received from AJ

“Okay, pahinga ka lang dyan. Exhausted ka na. Kwento ka tomorrow. ^^”

Hays, may ever understanding best friend. I’m glad nandyan lagi si AJ para sakin. Wala naman akong magagawa kasi hindi ko kayang magpakita kay Calyx. Bakit ayaw niya akong malapit kay Kim? Hindi kaya nagagalit siya at iniisip niyang hindi kami bagay? Ano ba! Naguguluhan na ko. Tapos dumadagdag pa si Kim. Ang weird niya this past few days, minsan pag magkausap kami ni Calyx makikita ko na lang na masama ang tingin niya sakin hindi kaya pareho sila ng iniisip ni Calyx? Hindi kaya iniisip din ni Kim na hindi din kami bagay? Ano ba? Wala naman akong ginagawa ah. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naguluhan ng ganito. Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Kim pero si Calyx gusto ko siya pero hindi katulad ng nararamdaman ko para kay Kim. Ano na kaya ginagawa ni Kim ngayon? Siguro nasa roof top siya o kaya clinic natutulog. Hindi ko maiwasang isipin siya. Hindi ko alam kung kalian nagsimulang magustuhan ko si Kim.

*Time Check: 11:00 AM

Shocks, nakatulog na naman ako. Kailangan ko pala mag-online sabi ni tito kasi narelease daw yung story ko. Buti na lang nakakakuha ako ng allowance dahil sa pagpapasa ko ng story. May training na may allowance pa. Sana nga matuloy ako next year after graduation.

*Next Morning

Homeroom

*written on the board

Theme: Snow white Gender Bender

Snow White: Calyx Yuzon

Evil Stepmother: Kim Yuzon

Prince: Mayumi Santos

Huntsman: Lexi Franz

*Note: Don’t Erase. The assignment of main characters is based on the attendance yesterday.

Nawalan ako ng energy sa paggagawa ng script. Hindi ko alam na kaming tatlo ang main characters. Teka ‘yung note sa baba? Ibig sabihin si Kim at Calyx? Absent din sila kahapon? Bakit kaya?

*Calyx approaching Mayu’s seat

“Yumi, can we talk later. Lunch time.” Seryoso siya at kinakabahan ako.

“A-a-ahm Calyx, Kasi a-a-ano. Kailangan kong maglunch kasama si AJ ngayon.” Nakatingin lang ako sa sahig.

“Yumi, may importante akong sasabihin kung gusto mo ngayon ko na sabihin?” namula ako. Hindi pwede sige na papayag na ko.

“Okay okay Calyx. Mamaya lunch time.” Nagsmile at bumalik na siya sa upuan.

Tiningnan ko ang upuan ni Kim. Late ba siya. Biglang dumating si Mr. Marquez.

“Good morning Class, about last time. May nakalimutan akong idagdag sa last event. About sa Night ball. It’s a free time and wear formal clothes. May bonfire dance at dinner sa gabing yun it is to pay back all the hardships for the Cultural festival.”

Ang saya naman nun.

*girl’s chatting

“I heard na, napaka-magical daw ng Bonfire dance. Kasi kung sino daw ang kasayaw mo ng gabing yun may mangyayaring intimate sa inyong dalawa.”

No Exceptions, 'Di Mo Ko Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon