JAIL BOOTH

62 15 4
                                    

---

Hindi ako ganun ka excited dahil tuwing valentines na lang ay alam ko na ang mangyayari. BORING.

Pumasok na ako sa school. At dahil sa mga gimik ng SSG officers may iba't-ibang booths silang ginagawa. Katulad na lang ng Jail booth.

Jail booth. 'Yan lang naman yung nagpahamak sa 'kin sa crush ko dati. Kasalanan yun nina Ayla at Shane. Tsk! Wala namang nangyari hindi naman kami nakapag-usap ng maayos. Halos wala nga kaming pinag-usapan e.

"Eyrin! Excited ka na ba para mamaya?" Tanong sa 'kin ni Ayla.

Lumapit naman sa 'min si Shane. "Gusto mo bang i-jail booth ka namin ulit kay Gray?" Tanong nya sa 'kin ng may pang-aasar sa mukha.

Tsk. Antagal ko ng hindi crush yun! Kaklase namin sya. Salamat na lang dahil habang pinag-uusapan namin ito ay wala pa sya. Ang lakas pa naman ng boses nitong si Ayla, lalo pa si Shane. Tsk!

"Oy te? Ano? Sagot! Gusto mo ba?" Tanong ulit sa 'kin ni Ayla.

"Bahala na kayo jan. Magsasayang na naman kayo ng pera dahil hindi kami mag-uusap!" Sigaw ko sa kanya at dumiretso na sa upuan ko.

Magsisimula na ang unang subject ng dumating si Gray. Mabuti at hindi sya pinagalitan ng adviser namin. Pasalamat sya valentines ngayon. HAHAHAHA!

Half day lang ang may lesson ngayon at magsisimula na ang program mamayang 12:00nn.

Mabilis na umandar ang oras at 10:30am na. 1 hour amd 30 minutes na lang.

Hinahanap ko sina Ayla at Shane pero may nagsabi sa 'kin na isa sa mga classmates ko na lumabas daw para may bilhin.

Tsk! Parang alam ko na naman ang binabalak nila.

'Hindi ko na nga crush si Gray e!'

Ilang sandali pa ay bumalik na silang dalawa sa room. Mga parang tanga na sa sobrang ngiti ay parang mapupunit na ang mga labi. Tsk! Mga kamukha ni Joker!

11:30 na. Mababakante kami ng 30 minutos. Kumain muna ako at  lumapit sa 'kin sina Ayla at Shane.

"Ready ka na ba para mamaya? Ha?" Tanong sa 'kin ni Ayla.

"Tsk! Alam ko na ang binabalak nyo!" Sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Talaga bang hindi mo na sya crush?" Tanong naman sa 'kin ni Shane na mahihimigan ang pang-aasar.

Nakita ko si Gray na nakikipagharutan dun sa mga kaibigan nya. Tsk! Kabaklaan naman.

Bago ko pa maubos ang kinakain ko ay umalis na naman sina Ayla at Shane ng walang paalam.

Onti na lang ang nasa loob ng room namin. Wala na dun sina Gray at mga kaibigan nya.

11:48am na. Malapit ng magsimula.

Onti-onti ng nababawasan ang mga kaklase ko dahil lumalabas na sila.

Ayokong lumabas. Bahala sila jan. Magsasayang na naman sila ng pera. Tsk!

Naisipan kong magnap na lang habang hindi pa nabalik sina Ayla at Shane.

Biglang may kumatok sa Pinto ng room namin at sinabing---

"Eyrin Ricafuerte? Sumama ka sa  'min" sabi ng ate.

Tsk! Talaga lang!

"Ahm, magbabayad po ako. 'Wag nyo na po akong isama" sabi ko sa kaniya at sa kasama nya na nginitian pa sila.

"Pasensya dahil ang kaso mo ay walang piyansa. Dalawa ang kaso mo. Kaya, sumama ka na sa 'min." Pagkasabi nun at pinosasan na nila ako. Tsk!

Napilitan akong sumama sa kanila.

Nang dalhin nila ako sa Room ng Jail booth ay nandun na si Gray.

'Patay talaga kayo sa 'kin Ayla at Shane!'

"Hi!" Bati sa 'kin ni Gray.

"Baka isipin mong desperada na ako dahil pangalawang beses na tayong na kulong. Pwes hindi. Kung ayaw mong makipag-usap ok lang sa 'kin." Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi nya dahil masyadong maliit ang espasyo at dalawa lang ang upuan magkatabi pa.

"Kasalanan 'to nina Ayla at Shane. Wala akong kinalaman dito. Kung mah sisisihin ka. Sila dapat yon." Dagdag ko pa.

Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay nakatingin na sya sa 'kin ng may ngiting makikita sa labi.

"Anong inginingiti-ngiti mo jan? Walang dahilan para ngumiti ka at talagang nakatingin ka la sa 'kin. Pa-fall ka." Sabi ko sa kanya

"May dahilan." Sabi nya sa 'kin ng nakangiti pa rin.

"Tsk! Ano naman?" Tanong ko sa kanya ng pasinghal at hinarap sya.

"Yung busangot mo kasi e. Ngumiti ka nga. Hindi bagay sayo. Tapos isa pang dahilan. Isa pa lang yung salitang sinabi ko sayo andami mo ng sinabi sa 'kin. Masyado kang defensive. Mapaghahalataan na crush mo pa rin ako e." Sabi nya.

'Wow! Kapal ng mukha ha!'

"Hoy! Fyi, hindi na kita crush!" Sigaw ko sa mukha nya.

"Talaga ba ha?" Tanong nya sa 'kin.

"O-oo nga--!" Naputol ang pagsasalita ko ng takpan nya ang bibig ko gamit ang isang daliri.

"Shhh! 'Wag ka ngang sumigaw. Dapat crush mo pa rin ako. Dapat gusto mo 'ko! Mahalin mo 'ko!" Sya naman ang sumigaw sa 'kin at tinanggal ang nakatakip sa bibig ko.

Naramdaman kong parang namula ang pisngi ko dahil uminiti iyon.

"H-hah?"

"Hatdog!" Sigaw nya sa 'kin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng mahina.

"Dahil iyon ang dapat! At iyon ang gusto ko!" Sigaw nya ulit.

"Bakit nga kasi?" Tanong ko ng mahinahon.

"Eyrin, matagal na kitang gusto. Kaya dalawa ang kaso mo dahil ang kaibigan mo at ako ang naglatag ng kaso para sa'yo. Hindi ako papayag na hindi mo na ako gusto! Simula pa lang nung first day nung last school year, crush na kita at mas lumalim pa yun nagustuhan kita. At ngayon, mahal na kita. Kaya Eyrin, hindi ako papayag na hindi mo na ako gusto. Hindi ako papayag na hindi mo na ako crush. Mahalin mo ako bilang respeto." Sinabi nya yun ng may pagmamahal sa tinig ng boses nya.

Ikinagulat ko ang confession nya sa 'kin. Parang isang panaginip.

Sinampal ko ang sarili ko pero totoo to! Gising na gising ako!

"Eyrin. Gusto kita. Mahal kita. Kaya dapat mo akong mahalin bilang respeto."

"Gray--" naputol ang sasabihin ko...

"Respeto naman Eyrin." Ulit nya na nakahawak na sa dalawa kong pisngi.

"Gray, gusto pa rin kita. At oo. Mahal na kita." Pagkasabi ko nun ay hinalikan nya ako sa noo.
---
Hey! Hey! Hey!
Thank you po sa pag-support sa 'kin. Love y'all!

•Hope y'all enjoy!•

Real Time (One Shots)Where stories live. Discover now