Sold my body for my family

10 5 17
                                    

--

"Tasha, gabing gabi ka na naman umuwi. Pwede bang umuwi ka naman sa tamang oras?" Bungad na naman sa 'kin ni nanay pagkauwing-pagkauwi pa lang.

"'Nay ilang beses ko ho bang kailangang sabihin sa inyo na para rin naman sa inyo ang ginagawa ko? Nagtatrabaho ho ako, mahirap ho bang intindihin 'yon?" Pagsasalita ko habang naglalagay ng tubig sa baso.

"Tasha, ang kuya mo lulong na naman sa bisyo at palagi na lang nasa pasugalan."

Simula nang mawala ang aming tatay ay naging ganto na lang ang buhay namin. Ang kuya ko naman, noon pa man ay sugalero na at mas lalong lumala ngayon.

Ako na lamang ang inaasahan mula nang mawala si tatay dahil wala ring trabaho si nanay at mahina na ang katawan. Ako na din ang nagpapaaral sa bunso kong kapatid na ngayon ay nasa ikalawang baitang sa elementarya.

"Hayaan nyo na lang yang anak nyo kung yan ang sagot para hindi sya manggulo dito." Sagot ko rito.

"Ayun na nga Tasha, kanina ay kamuntikan pang mabugbog yang si Andrei ng kuya mo dahil wala ng pera para sa pansugal nya." Umuubo ubong sagot ni nanay.

"Oh heto." Nag abot ako ng tatlong daan, "para yan sa magaling mong panganay. Palaguin nya 'yan. Eto naman," nag abot ako ng isang libo. "Para naman yan sa ubo mo at sa pangkain dito. Lumalala na yang ubo mo." Nag abot ako sa kanya ng tubig at ininom naman agad nya ito.

"Oh eto," nag abot ulit ako ng tatlong daan. "Para yan sa isang buwan ni Andrei. Sabihan nyo na lang ako kung kailangan nyo pa. Magpapahinga na ho muna ako."

Ako na lamang inaasahan sa aming pamilya dahil nga ay wala na ang aming ama. Hindi ko sukat akalain na ganoon na lamang kabilis ang pag kawala nya.

Hindi ko na namalayan ay napahaba na pala ang tulog ko at tanghali na naman. Oras na naman pumunta sa malaimpyerno kong trabaho.

Hindi na ako nag paalam kay ina. Wala naman syang dapat malaman kung ano ang trabaho ko.

"Oh Tasha, apaka ganda mo ngayon." Salubong sa akin ng manager ng club na pinagtatrabahuhan ko.

Oo, nagtatrabaho ako sa club. Ibinibenta ko ang katawan ko. Hinahayaan kong babuyin nila ako at ibayad sa akin ay libo. Ni kailan ma'y hindi ko pinangarap ang gantong trabaho, ngunit wala akong magagawa kundi ganto lamang, para sa pamilya ko, gagawin ko.

Tuwing hapon ay ganoon lamang ang senaryo dito sa mala impyernong lugar na ito, nagsasayaw, nang aakit, upang makabingwit ng mabibighani mong babayaran ka para sa isang gabi. Maswerte na rin kung ang mabibingwit mo ay isang gold fish. GOLD dahil mayaman.

"Whoooooh Tashaaaaaaa", sigawan ng ibang suki ko rito.

T*ngina, ita'y isalba mo 'ko rito. Hindi ko na kaya. Hindi ko na masikmura ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang bastusin ako. Ngunit, para ito sa pamilya ko, kaya ko 'to.

Papunta ako ng cr nang may humigit sa kamay ko.

"At ikaw pala si Tasha, ang dalagang maganda na halos lahat ng lalaki rito ay syang pinapantasya." May kung anong kamanyakan ang nairal sa mata nitong lalaking ito.

Binawi ko ang kamay ko rito at maglalakad na sana nang hilahin ako ulit nito. "Tasha, Tasha, Tasha, gusto kita. Pwede bang parenta?" Wala akong ibang nagawa kundi ang sumama sa lalaking ito.

^
^
^

Sa wakas ay natapos na ang pangba-baboy sa akin nito.

"Eto pera." Sinampal nya ito sa mukha ko. Sinamaan ko ito ng tingin. T*ngina tama na.

"Anong tinitingin-tingin mo jan? Isa ka lang bayaran!" Hindi na ako nakapag timpi ay sinuntok ko ito ng malakas dahilan upang makatulog ito. Dali-dali kong kinuha ang mga pera nito sa kanyang pitaka.

Tumakbo na ako at nagtungo sa kwarto para sa mga babaeng bayaran. Oo, bayaran. BAYARAN.

Nagmadali na akong umuwi sa bahay. Nakuha ko na rin naman ang gusto kong pera. Malaki-laki na ito. Pagkauwi ko ay tulog na si inay at bunso.

Pagkauwi ko sa bahay ay itinabi ko ang perang nakuha ko at inilagay ito sa lagayan ng mga pera ko. Mayroon akong isang lagayan sa aking kabinet at doon ko lahat itinatabi ang mga pera na natatanggap ko.

Nakasulat doon ay "Ina'y eto ay pera para sa kinabukasan nyo." Ayun ang inilagay ko dahil hindi ko alam kung hanggang kailan na lamang ako mabubuhay. Marami na akong naka isang gabi na malalaking personalida, may mga gang, at kung anu-ano pa, ang iba rin doon ay nakaaway ko. Hindi ko na alam. Ayoko na. Pero para sa pamilya, kaya.

"Tasha, gising na anak. Kumain ka na." Paggising sa akin ni ina. Pumunta na ako sa hapag. Matapos kong kumain ay naligo na rin ako para ulit magtrabaho.

Hinalikan ko si ina sa pisngi bago pa man umalis, ganun din ang ginawa ko kay Andrei. Ang kuya ay wala na naman dito.

Ganoon na naman ang senaryo. Laking pasalamat ko dahil walang rumenta sa akin ngayon. Maaga akong makakauwi. Makakasama ko sila Andrei at inay.

Habang naglalakad sa masikip na eskinita ay ramdam kong mayroong nakasunod sa akin.

Binilisan ko na ang lakad ko ngunit nananatili pa rin itong nakasunod.

Habang naglalakad ay nagdadasal na ako. Baka kung anong gawin sa akin nito.

Tumigil ako sandali at tumigil rin ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at magsisimula na sanang tumawag sa kaibigan ko ngunit huli na ang lahat.

Kinuha ng lalaking sumusunod sa akin ang cellphone ko at itinapon ito sa malayo.

Marami itong kasama.

Hindi lalampas sa sampu.

Sinampal ako ng lalaking nagtapon ng cellphone ko. Namukukhaan ko sya. Sya yung kahapon.

"T-tama na." Hindi nila ako pinakinggan.

"Wa-walang hiya kayo!" Sigaw ko pa.

Walang habas nila ako hinubaran.

Tinanggal ang panlabas na damit.

"Bayaran ka lang!" Sigaw ng lalaking sumampal sa akin.

Tinanggal ang aking pang-ibabang saplot.

Pilit ang pagpupumiglas ko.

Humihingi ako ng tulong ngunit walang nakakarinig sa boses ko.

Sigaw ako ng sigaw ngunit walang habas pa rin nila akong binaboy.

'itay, tulungan mo ako. Nasaan ka na?'

'inay, ayoko na'

Sigaw ko sa isipan ko.

May kung anong mahapdi ang tumusok sa dibdib ko.

At sa kung ano-anong parte ng katawan ko.

Sinasaksak nila ako.

Binababoy nila ako. Hindi ganito ang gusto ko kahit na binebenta ko ang katawan ko.

Pinapatay nila ako.

Isa lang naman ang gusto ko. Ang tumulong sa pamilya ko. Ngunit, bakit ganito ang kinahantungan ko. Tinanggalan nila ako ng karapatan na tulungan ang pamilya ko. Tinanggalan nila ako ng karapatan upang bumawi sa sarili ko. Huli na pala ang halik ko kay inay at Andrei.

Binaboy nila ako.

Pinatay nila ako.

^
^
^

Shia.

Real Time (One Shots)Where stories live. Discover now