---
"Jashley! Sumama ka na kase!" Pagmamakaawa sa 'kin ni Rose na nakakapit pa sa binti ko.
"Rose ano ba? Ayoko nga e!" Pagpupumilit ko. "Umalis ka nga jan! Nahihirapan akong maglakad!" Utos ko sa kanya.
"Hindi ako aalis dito hangga't 'di ka pumapayag!" Sigaw na naman nya.
"Ano ba? Ang ingay netong babaeng to." Saway ko sa kanya.
"Waaaaaaaaah!!!! Jaaaaaaashleeeeeey! Sumama ka naaaaaa!" Mas malakas pang sigaw nya.
"Ano ba?!! Kaingay-ingay e!" Saway ko ulit sa kanya.
Nakakainis na 'tong babaeng to!
"Nandon yung cruuuuuush moooooo!" Sigaw nya pa ulit.
"Ano ba Rose! Ang ingay mo! Tsaka 'di rin naman ako isasayaw nun e."
"Suuuus! Umaasa ka pala hAh? Sumama ka naaaaaaa!" Sigaw na naman nya.
"Oo na! Oo na! Oo na! Ang ingay-ingay mong babae ka! Tumayo ka nga jan! Nakakainis ka! Akala mo kung sinong magaan! Isa pa! Sasama ako e ang pangit pangit ko!" Sigaw ko sa kanya.
"Kaya nga prom diba?Maaayusan ka! Edi gaganda ka! Malay mo mabihag mo pa ang puso ni Jason dahil sa kalalabasan ng ganda mo. Wait. Ito na! Grabe ka naman!" Pagmamaktol nya sa 'kin. "Nagpapapayat na nga ako para sa Prom tapos gaganyanin mo 'ko. Psh!" Dagdag pa nya.
"Psh! Mabibihag ko? Puso nya? Asa!" Sabi ko sa kanya.
"Basta sasama ka na ha?" Tanong nya sa 'kin.
Tinanguan ko lang sya. "Tara pasok ka" pagyaya ko sa kanya.
"Anong pagkain nyo?" Pumasok lang sya at nagdere-deretso sa kusina.
Walang hiya talaga tong babaeng to. Ang kapal!
"Akala ko ba magpapapayat ka?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Sabi mo mapayat na ako. Kaya hindi na. Hehe." Biglang bawi nya.
Psh! "Maghanap ka jan sa Ref. Kuhaan mo na rin ako." Utos ko sa kanya.
"Oh Jash. Nandito na pala kayo?" Pagkababa ni Kuya.
"Ay wala. Wala kami rito. Nasan kaya kami?" Pamimilosopo ko.
"Psh!" Singhal nya. "Oh Rose. Nandito ka pala. Hello!" Bati ni kuya sa kanya.
Kitang-kita ang pamumula sa pisngi ni Rose.
"Hoy Rose! Ang harot mo! Bilisan mo jan!" Utos ko ulit sa kanya dahil iniwan nyang nakabukas ang ref.
Lumapit na sya sa 'min.
"Hi kuya Alex! Sasama na daw po si Jashley sa Prom. Hehe." Sinabi nya yun kay kuya na medyo pabebe pa. Psh!
"Ang ingay mo talaga!" Saway ko ulit sa kanya.
---
Kinakain na namin ngayon ang inihanda ni Rose."Hindi mo nabanggit sa 'kin na marunong ka pala magluto?" Tanong ni kuya kay Rose.
"E hindi mo naman ako tinanong e. HAHAHA!" Tawa sa kanya ni Rose.
Oo nga naman. Katangahan naman nito. HAHHAHAHA!
---
Alam na nila mama at papa na sasama ako sa prom.At ngayong gabi na iyon.
"Jashley! Nandito na si Rose!" Sigaw sa 'kin ni Mommy mula sa baba.