-
"Hi Love!" Tawag ko kay Hanna sa kabilang linya."Hello rin love. Miss na kita." Sabi nya rin.
"I miss you too. Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya. As usual yun naman lagi ang tinatanong ko sa kanya everytime na tinatawagan ko sya.
"Yes love. Ikaw?" Tanong nya rin sa 'kin.
"Opo, kumain na rin ako. Nasan ka love?" Tanong ko sa kanya dahil balak kong magdate kami.
"Nasa kotse. Nagda-drive. Why love?" Sabi nya ng may malambing na tono.
"Ahm.. I am planning to have a date with you. Pwede naman diba?" Tanong ko sa kanya at hindi agad sya nakasagot. "Are you busy? Pwede naman bukas na lang." Yun ang sinabi ko.
"Yes love. Kaya ako nagda-drive kase I'm going in your house. Be ready." Nagulat ako dahil kahit hindi naman ito ang first time ay naisipan nyang pumunta sa bahay.
"Why didn't you tell me love? Edi sana ako na lang ang pumunta sa inyo." Sagot ko sa kanya.
"No, it's ok. Na-miss ko ring mag-drive e. Parating na ako jan love. I love you!" Sinabi nya yun na halatang excited.
"I love you too! Ingat! Bye na." Hinintay ko lang syang sumagot at sya na ang nagbaba ng linya.
Nag-ayos lang ako ng sarili ko at hinintay sya sa sala namin.
Mayamaya'y biglang tumunog ang doorbell namin.
Si Hanna na yun.
Binuksan ko na ang pinto at hindi nga ako nagkakamali. Sya na nga yun.
Ang ganda nya ngayon. Lagi syang maganda. Pero iba ang pagkakapustura nya ngayon.
Pinatuloy ko muna sya sa loob ng bahay namin.
"Love do you want water? Maya na tayo onti umalis." Inalok ko sya.
"Sige Love." Pumayag sya at dinalhan ko sya ng tubig.
Umupo ako sa tabi nya at inayos ang buhok nya.
"Love kamusta ang pagda-drive? Ayos ba?" Tanong ko sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi dahil na-miss ko sya.
"Ok naman po Love. Na-miss ko ngang magdrive e. Ikaw kasi 'di mo 'ko pinapayagan." Pagrereklamo nya sa 'kin na piningot pa ang tenga ko.
"Love, it's for your own sake naman e. Ayoko lang mapahamak ka." Pagkatapos kong sabihin sa kanya nun ay hinalikan ko ang noo nya.
"Your so sweet. Pati ikaw na-miss ko. Hmp!" Pagkasabi nya nun ay hinalikan nya naman ang pisngi ko.
"Nyi!" Kunware pang gulat na sabi ko sa kanya.
"Oh bakit? Naninibago ka? Tara na nga. Ako magda-drive." Pagkasabi nya nun ay hinila nya na ang kamay ko.
Wala na akong nagawa kundi kunin na lang ang wallet at phone ko na nasa lamesa lang naman ng sala.
"San ba tayo pupunta love?" Tanong ko sa kanya ng paandarin ang sasakyan.
"Magde-date tayo love. For now ako naman ang magyayaya sayo kasi lagi na lang ikaw ang nagyayaya sa 'kin." Sabi nya sa 'kin ng may ngiti sa labi.
"Sa'n nga po?" Malambing ang tono ng pagkakatanong ko sa kanya.
"Sa'n ba gusto ng love ko? Ahm, do you want to go to Tagaytay?" Tanong nya sa 'kin.
"Yes love! I want to go with you!" Sagot ko sa kanya na may excited na tono.
Hinalikan ko ang pisngi nya. Nginitian nya lang ako ng pagkatamis-tamis.