I'm not good enough

8 4 11
                                    

aeajeyxx
---
TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD, BARE WITH IT. IF THIS STORY IS FAMILIAR TO YOU, IT'S PURE COINCIDENCE AND I DON'T PLAGIARIZE STORIES. PLAGIARISM IS A CRIME, BE A FAN.
---
"Mikee!" Tawag ko sa babaeng mahal ko.

Agad ako nitong nilingon at tumakbo papunta sa harapan ko upang yakapin ako.

"Darren, pasensya na at ngayon lang ulit tayo nakapakita." Malungkot na sabi nito sa 'kin matapos akong yakapin.

Ilang araw na rin kasi mula noong huli kaming magkita. Masyado akong busy sa pag-aaral habang sya, busy sa pag-aalaga sa lola nya na nasa hospital pati na rin ang pag-aaral.

"Saan mo gustong kumain mi amore?" Tanong ko rito.

"Kahit saan mo gusto amore" sagot nito.

Hahawakan ko pa lamang sana ang kamay ni Mikee nang biglang nagring ang cellphone nito.

"Uh, hello po ma?" Sagot nito sa kanyang telepono. "Kasama ko pa kasi si Darren ngayon ma, kakain po kami sa labas." Pagpapaliwanag nito.

Legal kami ni Mikee, both sides kaya walang problema kung lalabas man kami o igagala ko sya.

"Po?" Tinakpan nito sandali ang cellphone nya "Darren, I'm really sorry kailangan ako sa hospitak ngayon," pagpapaliwanag nya "hayaan mo, babawi ako sa'yo sa susunod." Hinalikan ako nito sa pisngi saka umalis sa harapan ko.

Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos.

Laging ganito ang senaryo sa tuwing aalis kami. Kahit noong huling gala ko sa kanya ay tinawagan rin sya ni tita Vanessa.

Naglakad na lamang ako papuntang food court, tinawagan ko na lang rin ang ibang tropa para kahit paano ay may kasama ako.

"Hoy pare!" Tawag ni Jared sa 'kin. Makailang minuto pa lamang ay nandito na sila.

"Ano na vro, kami na lang lagi ka date mo ha." Sabi naman ni Kiyo sa 'kin.

Tss. Sila kasi lagi ang malalapitan ko sa tuwing iniiwan ako ni Mikee para may asikasuhin.

Ayos lang naman 'yon, dahil para sa kanya rin naman. Naiintindihan ko naman sya.

"Retohan na ba kita Dar?" Sabi nitong si Jared saka tumawa.

"Gago bawal, may Mikee na 'ko." Pagtanggi ko rito. "Naiintindihan ko naman yung kalagayan ni Mikee. Vro, nakapag antay nga ako ng isa't kalahating taon para sagutin nya 'ko, e ngayon pa kaya?" Sambit ko at saka tumawa.

Nag-order na si Jared at Kiyo ng pagkain nila, ganun na rin ako.

"Vro, pa'no kung magkagusto sa iba o magkaro'n ng lalaki si Mikee, anong gagawin mo?" Pagbasag ni Kiyo sa katahimikan habang nakain kami.

"Tangina nito, dami-dami mong pwede itanong bakit 'yan pa?" Tanong ni Jared sa kanya na gulat na gulat pa.

Maski ako ay nagulat.

"Gago vro, 'di magagawa sa 'kin ni Mikee 'yon. Mahal na mahal ako no'n. Siraulo ka talaga." Sagot ko rito at bumalik na sya sa pagtutok sa pagkain nya.

Matapos naming kumain ay may binili muna si Kiyo sa women's store. Mukhang para iyon sa girlfriend nya.

'Teka, may girlfriend na si Kiyo?' Tanong ko sa sarili ko.

"Red, may girlfriend na ba itong si Kiyo?" Tanong ko kay Jared sa labas ng store na pinagbibilhan ni Kiyo.

"'Di ko lang alam. Ganun na nga siguro." Sagot nito. "Pero ba't kaya hindi nya sinasabi sa 'tin?" Tanong nito at saka tumawa.

Real Time (One Shots)Where stories live. Discover now