---
"Ken! I love you!" Sigaw sa 'kin ni Jade."Jade! I love you too!" Sigaw ko rin sa kanya.
Lagi kaming ganto.
Tumakbo sya papunta sa 'kin at sinalubong ako ng napaka higpit na yakap na sinuklian ko rin ng mahigpit na yakap.
"Sorry 'di kita nasundo" pagpapaumanhin ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa 'kin.
Hinarap nya ako at lumuwag ang yakap nya sa 'kin.
"Ok lang. Sanay na rin naman ako e. Basta ba lagi akong pumupunta dito." Sagot nya naman sa 'kin na may ngiti sa labi.
Ang mga matatamis nyang ngiti ang nagpapangiti rin sa 'kin.
"Jade, ospital to. Mamaya makakuha ka pa ng virus dito e."
"No Ken. Malakas naman ang resistensya ko. Kaya ko 'to! Diba ikaw na rin mismo ang nagsabi sa 'kin na kaya minahal mo 'ko ng ganto dahil sa lakas at tapang ko? Sabi mo oa nga bonus na lang ang kagandahan ko." Sagot nya sa 'kin at umalis na sya sa pagkakayakap nya sa 'kin.
"Doctor Sulta. Mags-start na po ang operation nyo maya-maya lang." Biglang dumating ang assistant nurse ko para sabihin yun.
"Mga ilang minuto bago ang operation?" Tanong ko sa assistant nurse.
"30 minutes po dok" sagot nya sa 'kin.
"Okay. Susunod ako." Sabi ko sa kanya at tinanguan lang ako at umalis na.
"Mahal pa'no ba yan? May operation ka na naman. Pwede ba kitang hintayin dito sa labas?" Tanong sa 'kin ni Jade na nakangiti pa rin.
"Sorry mahal. Matagal ang operation na hahawakan ko. I gues more than 10 hours? Medyo sensitive ang parte na ooperahan namin. I'm sorry. Kung gusto mo umuwi ka na lang muna. Pupuntahan na lang kita sa bahay nyo. Anong gusto mong pasalubong?" Nakita ko kung pa'no natanggal ang ngiti sa labi nya pero pinilit nya ulit na bumalik yun at ipakitang ayos lang sa kanya.
"Sige. Hihintayin kita ha? As usual, I want donuts!" Sabi nya sa 'kin na mahihimigan ang pagiging excited.
Bago sya umalis ay niyakap ko sya ng mahigpit at iniwanan ng halik sa noo.
"Wala ka bang pang good luck kiss sa 'kin mahal?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre meron!" Pagkasabi nya nun ay hinalikan nya ako sa pisngi. "Good luck sa operation nyo!"
Pagkasabi nya nun ay umalis na sya. Bago syang tumalikod muli ay kitang kita ko na parang nahihirapan sya sa pag-ngiti.
Nakita ko ang paghulma ng salita sa labi nya "I love you"
Ginawa ko rin yun sa kanya at ang akin naman ay "I love you too" tumalikod na sya at tumakbo palabas ng ospital
Matagal ko ng gustong bumawi kay Jade. Pero dahil laging busy ay hindi ko magawa. Hindi ko rin naman magawang mag-leave dahil maraming dapat i-save na buhay, lalo na ang ooperahan namin ngayon. Sensitibo iyon dahil puso.
'Sana ho gabayan nyo 'ko sa operasyon na hawak ko'
---
Pagkalabas ko sa operating room ay naghihintay doon ang pamilya ng inoperahan namin.
"Dok kamusta ho?" Tanong sa 'kin ng nanay ng inoperahan namin.
"We're sorry ma'am. Ginawa na namin lahat. Sinubukan namin syang i-save pero masyadong sensitibo ang naging operasyon. Paumanhin ho. Ginawa ho talaga namin ang lahat" paghingi ko ng tawad sa kanila na halos mangiyak ngiyak na ako.
Iniwan ko ang pamilya ng inoperahan ko at nagtungo sa opisina ko.
Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang doktor.
Kinuha ko ang cellphone ko at dun nakita ko na maraming missed calls sa 'kin si tita Carmen. Ang mommy ni Jade.
Tinawagan ko ito.
"Hello Ken? Puntahan mo kami rito sa emergency room ng ospital nyo! Please! Nakikiusap ako!" Humuhulas, umiiyak at nagmamakaawa si Tita.
"Ano hong nangyari?" Tanong ko sa kanila na medyo nag-aalala na naging dahilan ng pagtayo ko.
"Please Ken!" Pagmamakaawa ni Tita.
Dahil sa pag-aalala ay napatakbo na ako tungo sa emergency room.
Wala akong pake kung may mabangga man ako. Wala rin akong pake sa rules ng ospital na ito na bawal tumakbo.
Nang makarating ako sa emergency room ay hinanap ko sina tita.
At doon nakita ko sila.
Nakita ko kung paanong i-revive si Jade.
Kung paanong iyak ng iyak si Tita.
Kung paanong nakikita kong nire-revive ang mahal kong babae.
Kung paanong nahihirapan sila.
"Jade! Gumising ka Jade! Hindi ako papayag! Gumising ka jan!" Sigaw ko. Wala na akong pake kung gaano pa iyon kalakas at kung gaano ako makakabulabog sa iba.
"Jade!" Sigaw ko ulit.
Nakita ko kung paanong naging straight na line ang nasa monitor na nakakabit sa kanya.
Inalog alog ko ang katawan nya at niyakap sya ng pagkahigpit-higpit."Time of death, 1:31am" pagkasabi ng doktor na yun ay dun na ako nawalan ng pag-asa. Kitang kita ko sa mukha ni tita ang pagkawala ng gana.
Kitang-kita ko kung paano takpan ng puting tela ang katawan ni Jade.
"Tita, ano hong nangyari?" Tanong ko na patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Hindi nya ba nasabi sayo?" Pagkasabi noon ni Tita ay ang naging dahilan ng pagharap ko sa kanya.
"Ano ho? Anong hindi nasabi? Tita sabihin nyo. Ano ho?" Tanong ko sa kanya.
"Matagal na syang nagpapa-check up sa ospital na ito. Hindi nya ba nasabi na may tumor sa utak nya? Napag-usapan na namin na sasabihin nya sayo iyon pero hindi pa pala nya nasasabi? Nakatakda na dapat syang operahan next month. Hindi nya na kinaya. Kanina tinatawagan kita dahil dun na sya namimilipit sa sakit." Habang ikinukwento ni Tita sa 'kin habang umiiyak sya ay parang tinanggalan ako ng lakas.
Ang babaeng mahal ko ay hindi ko akalaing magli-lihim sa 'kin.
Para nyang ipinagkait sa 'kin ang pagiging boyfriend ko sa kanya.
Jade. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Hindi mo sinabi sa 'kin na nahihirapan ka na pala.
Ngayong buong araw kong nakita ang pinakamahirap na araw.
Dalawang taong nawalan ng buhay.
Dalawang taong pinagkaitan ng mahabang buhay.
Jade sorry.
---
Her smile. That is the last.
---
Hey! Hey! Hey!
Thank you po sa pag-support sa 'kin. Love y'all!•Hope y'all enjoy!•