Hanggang ngayon ay nandito kami sa loob ng sasakyan inabot ko ang pang taas ko dahil alam niyo na kung anong nangyari.
Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko pakiramdam ko ay para akong nanalo sa Lotto.
"Fuck! Bakit ngumingiti ka?!" Agad akong napa lingon kay Agustus.
"Hindi ako ngumingiti" inirapan ko siya at saka kinagat ang pang babang labi ko.
"Stop it Alisha! Baka Mahalikan kita!!" Agad siyang napa sabunot sa buhok niya kaya hindi ko na napigilang mapatawa.
" Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
"Hmmm.. gusto ko mag Amusement Park" Hindi pa kasi ako nakaka punta roon dahil mahal ang Entranceat saka may mas mahalagang bagay na dapat pag ka gastusan.
"Pfftt!! Tanghali palang Alisha wala pang bukas na Amusement park pero don't worry pupunta tayo dun pero bago yun mag Grocery muna tayo"
Bumaba kami ng sasakyan at nag tungo sa muli sa loob ng hawakan niya ang kamay ko hindi lang basta hawak bata kundi Holding Hands.
Agad akong napa tingin sa kanya pero diretso lang ang tingin niya.
Hindi ko alam kung kinikilig ba siya or ano muli kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. Habang namimili ay hindi ko maiwasang hindi mapa sulyap sa kamay namen na mag ka hawak dahil simula ng pumasok kami hindi na niya binitawan pa ang kamay ko.
Arkisha's POV
"Ano ba Dylan! Akin na yan!" Pilit kong inaagaw ang bote ng alak.
"Enough Arki! Tumigil ka na!"
"Sino ka para pakielaman ako?! Hindi ikaw siya! Hindi ka si Agustus kaya wala kang karapatan!" Kumunot ang noo niya.
"Agustus nanaman?! Puro ka Agustus Agustus! Can't you see? Wala siyang paki sayo! Ako ang nandito! Ako ang laging nandito para sayo Arki!"
And Bulls eye. Tama siya walang paki sakin si Agustus pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kahit konti meron.
Agad niya kong yinakap pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin. Kasalanan ko iniwan ko siya What if hindi ako umalis? What if sana siya ang pinili ko?
"Ssssshh!! Don't cry tama na Arki sinasaktan mo lang sarili mo"
"I want Him Dylan. Please tulungan mo ko. Tawagan mo siya papuntahin mo siya dito"
"Pero ipangako mo na ititigil mo na yan. Ayokong nakikita kang nasasaktan dahil kaya kong maka panakit ng iba maging masaya ka lang"
Napa ngiti ako dahil sa narinig ko.
Dahil kahit ngayon lang naramdaman kong priority ako.(A/n: oy gago Dylan wag ganun Huhu. Mukhang may Clue na ah HahahahHhha. Dont forget to VOTE and COMMENT)