KINABUKASAN
*Alisha's POV*
Hindi na ko pumapasok sa Pinag tratrabauhan ko simula ng maging Boss ko si Agustus Bakit? Ang laki kaya mag pasahod ng lalaking yun isipin mo kada Buwan may 50k akong Sahod Hehe.
Pero syempre tulad ng dating kinagawian hindi alam ng Nanay ko ang totoo kong trabaho ayoko namang atakihin siya sa puso dahil sa pag aalala.
Kaya hangga't maaari nag iingat ako ayokong ako ang maging dahilan pag inatake sa puso si Nanay.
"Alam mo konti na lang mag tatampo na ko" napa tingin ako kay Agustus.
"Ano nanamang problema mo?"
"Ako ang kasama mo pero iba ang iniisip mo" seryoso ang pagkakasabi niya kaya napataas ang kilay ko.
"Ayun nga eh ikaw nanaman ang kasama ko di ka ba nauumay kahapon mag kasama tayo"
"Hindi ako mauumay lalo na sayo" kumindat pa siya dahilan ng lalong pagkainis ko na ikinatawa niya.
Andito kami ngayon sa isang Coffee Shop may Business daw kasi kaming pag uusapan pero mag dadalawang oras na kaming naka tulala seryoso? Eto na ba yung Business niya?
"Hoy Agustus ano ba talagang pag uusapan naten?" Napa himas naman siya sa baba niya na para bang nag iisip.
"May Reunion tayong pupuntahan"
"Ayoko" madiin kong sagot kahit wala pang tanong Hahahaha!
"Alisha I Need you there" matigas ang pag kakasabi niya kasing tigas ng--- Arrghh!! ERASE ERASE.
"Kelan ba yan?" Napa ngiti naman siya kahit na hindi ako nag Oo sa tanong pa lang ay halatang pumayag ako.
"Next week Family and Relatives Reunion and as my Girl kelangan ka dun" Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"T-teka lang bakit meet the Family agad? At hindi lang Family may Relatives pa masyadong mabilis di ka pa nanliligaw" natawa naman siya sa reaction ko.
"Hahahaha! Damn it Stripper kita Remember? At kasama sa trabaho mo ang mag panggap na Girlfriend kita" may kumirot sa puso ko ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
Stripper kita...
Stripper kita...
Oo nga naman bakit ba ko nag assume na mauuwi kami sa Happy Ending katulad ng mga napapanood ko sa Tv?
Stripper niya ko at Boss ko siya dapat alam ko kung saan ako lulugar at kung anong Role ko sa Buhay niya.
At ang Role ko ay ang paligayahin siya.
Ang maging Personal Stripper niya.