Alisha's POV
"Aaaaaaaaaaahhh!!!" Nagising akong pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin sa katawan. Ramdam ko ang pag tagaktak ng pawis sa katawan ko.
Napatingin ako sa orasan mag 11 pa lang pala ng gabi.
Agad kong kinuha ang Cellphone ko at nag message kay Agustus.
To: Agustus.
"Wag mo ko iiwan"
maya maya ay nag ring ang Cellphone ko agad ko itong sinagot ng makitang si Agustus ang tumatawag.
"H-hey Baby what's wrong?" tanong niya hindi ko mapigilang hindi mapa hikbi.
"N-naginip ako n-nakita kitang naka Handusay sa kalsada h-hindi ko kaya"
"Ssssssshh!! It's okay walang mangyayari sakin stop crying"
"Alam kong walang mangyayari sayo hindi ko lang mapigilan na hindi mag alala Please Ingatan mo ang sarili mo"
"Okay Okay sige na" napa hinto si agustus sa pag sasalita ng ilang segundo.
"Hello?" muli kong pag sasalita.
"Okay Sige na mag Sleep ka na Panaginip lang yan Okay? Good Night my everything " napa ngiti ako dahil sa huli niyang sinabi kahit di nakikita ay tumango ako.
"Good Night" After ng tawag ay bumalik na ko muli sa pag kaka tulog.
Agustus POV
After kumain ay napag desisyunan ko ng bumalik sa Bahay yung araw na akala ko ay magiging payapa ako mukhang hindi na mangyayari.
"Agustus sandali naman napaka bilis mo" napa lingon ako sa gilid ko at nakita ko si Arki na hingal na Hingal habang naka sunod sakin.
"I''m going home"
"Wag muna Please" Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako tinignan.
"May mga bagay akong dapat gawin Arkisha"
"Please Agustus k-kelangan ko lang ng kasama" Napa yuko ito at dahan dahan inalis ang pag kaka hawak sa kamay ko.
"Fine! Saan mo ba gusto pumunta?" Agad itong nag angat ng ulo at saka ngumiti ng malapad.
"Parang gusto ko mag punta sa Sagrada Familia" napa tigil ako dahil sa sinabi niya at lahat ng alaala ay bumalik saakin.
"Agustus Tignan mo!" napa ngiti si Agustus habang pinag mamasdan si Arkisha na masyang kinukuhaan ng litrato ang Sagrada Familia. sikat na Tourist attraction ang Sagrada Familia sa Barcelona.
"Alam mo ba pag pumupunta ka sa simbahan at first time mo dun dapat mag wish ka" ipinikit ni Arkisha ang mata niya.
"Hiling ko na ang babaeng kasama ko ngayon dito ay ang babaeng makaka sama ko dito habang suot ang Puting gown, Mag lalakad sa aisle at makaka palitan ko ng I do" napa dilat ng mata si Arkisha ng marinig ang sinabi ni Agustus.
"Arki please stay with me, stay with me forever" napa luha si Arkisha ng lumihod si Agustus sa harapan niya at mag labas ng singsing.
"Yes! Yes Agustus" masayang isinuot ni agustus ang singsing sa daliri ni Arkisha bago ito yinakap.
"Arkisha Please! Don't leave me" Yinakap ni Agustus si Arkisha na ngayon ay umiiyak.
"I'm so sorry Agustus h-hindi ko kaya"
"FUCK! ANO BANG HINDI MO KAYA ARKI?!"
"H-hindi kita kayang piliin" rumehistro ang lungkot at sakit sa mukha ni Agustus.
"Willing ako hintayin ka Arki 5 Years 10 years 100 years just please! Don't leave me" lumapit si Arkisha kay Agustus at mabilis itong hinalikan sa labi kinuha neto ang kamay ni Agustus.
"I'm sorry" mabilis na tumalikod si Arkisha at nag lakad palabas.
Binuksan ni Agustus ang kamay niya at nakita ang singsing na binigay niya kay Arkisha.