"BEH TARA NA SAMA KA NA SAMIN SA XYLO MAMAYA, LIBRE KO NAMAN EH," Pagmamakaawa ni Gigi saakin, inilingan ko lang ang pagmamakaawa niya. "DALI NA WALA NAMAN DUN SI BRE—" agad naman itong pinutol ni Lhory, "Can't you just shut up and let her decide?" Kalmadong sinabi ni Lhory.
Naisipan ko na lang na paunlakan ang pag-aanyaya nila para madistract ako sa nararamdaman ko ngayon. Pagkapayag ko ay agad naman nila akong inenganyo na pumunta ng mall para mamili raw ng mga isusuot mamaya.
Habang nasa byahe kami ay biglang may sinabi si Gigi, "I'm just so excited to see you go out again," nakatulala lang ako at hindi ko agad napansin na nakatitig na pala sila saakin at nagiintay ng sasabihin ko. "Hey, love cheer up!" tinapik ako ni Lhory. Ngitian ko nalang ang lahat ng paglift-up nila sakin, alam ko na ilang araw na silang ganoon at sanay na rin naman sila na tanging ngiti lang ang maisasagot ko sakanila ngayon.
Hindi parin matanggal-tanggal sa isip ko ang pag break namin ni Brent nung isang linggo. Bago kami magkahiwalay aniya ay hindi niya raw sinasadya ang ginawa niya kasama si Lyia, isa sa mga dati kong kaibigan.
"Tara na samahan mo ako magbar sa LIT mamaya andun si Brent and friends, balak ko sana isuprise siya hindi ko sinabi sakanya na dadalo ako doon," pangungulit ko kina Lhory, Gigi, at Chandler. Tumango sila at madaliang naghanap ng damit na isusuot na bagay dun sa club.
Si Lhory ay nagsuot ng Burgundy, cowl dress na sakto lamang sa kaniyang tuhod at nude na block heels at nakatali ang mahaba niyang buhok. Si Gigi naman ay nagsuot ng Black with glitter-detail na deep v-neck spaghetti strap at nakaleather na skirt, nakababa naman ang kanyang maikling buhok. Si Chandler naman ay simpleng nakachino na pants at white na Ralph Lauren polo. Dahil maganda ang get-up naming magkakaibigan, nagpicture-an muna kami.
Una akong nakarating doon at hayok na hayok na akong makita si Brent, dahil alam kong ito lang ang pagkakataon na pwede kaming magkita at ilang araw na lamang ay finals na namin.
Pagkapasok ko doon ay agad nahagip ng mata ko si Brent. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa aking nakita, namamalik-mata lang ba ako? Marahan kong kinusot ang aking mata, naninigurado kung totoo nga ba ang nahagip nito. Kailan pa 'to nagsimula...
Dumating na sina Lhory at hingal na hingal pa sila, bagaman ganoon ay hinatak ko sila pabalik ng pinagparkingan namin. Gulong-gulo pa rin ako sa aking nakita, "Hoy anong problema mo? Andito na tayo oh, akala ko ba ay kikitain mo si Brent?" Hindi mawari ni Gigi ang kakaibang reaksyon ko.
Hindi ko napigilan ang luhang namumuo sa aking mga mata. Biglaan ko na lamang itong pinakawalan, nang makita nila akong umiiyak agad silang dumalo sa akin. "Hey what's the matter?" Tuluyang naguluhan si Gigi, inayos ko ang aking sarili bago ako bumaling sa kanila. "I'm fine. This is nothing, i'm just tired can we just pospone this?" tipid akong ngumiti. Naaninag ko naman si Chandler, bakas sa kanyang mata ang pagtataka.
Nagpumilit si Chandler na bumalik sa bar, ngunit pilit ko rin naman siyang tinitigilan. "What are you even hiding?" agad na tinanggal ni Chandler ang kamay ko na nakahawak sa palapulsuhan niya. Nang makarating si Chandler ay napahawak siya sa kanyang sentido, iritado na siya ngayon. Tahimik at balisa naman siya sa pag-iisip sa kung anong susunod na gagawin.
YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
RomanceAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?