"What do you want here?" Agad na pagtatanong niya sakin nang makarating na kami sa movie house. Mukhang ngayon niya lang napansin na nakahawak parin siya sa palapulsahan ko, kaya naman ay nung ma-aninag niya ito ay agad niyang tinanggal ay umiwas ang tingin saakin. "Kahit ano nalang ako," tipid kong sinagot.Pumunta siya sa snack bar at nagpasya naman ako na dun muna ako sa parang lounge area nung movie house. Habang iniinatay ko ang pagbalik niya ay biglang nagvibrate ang telepono ko, 'You received a message from 🍯'. Nang makita ko ay alam ko na kung kanino ito nang-galing. Kay Brent.
Nan-lilinlang kong binuksang ang inbox ng messages namin. Flooded ito. Napabuntong-hininga ako habang binabasa, araw-araw siya nag-tetext sakin aniya ay magbalikan raw kami or kausapin ko raw siya. Paminsan-minsan ay siya ay nag-gogoodmorning pa nga. Kapal ng mukha psh.
Nakita ko na pabalik na si Ash, kaya dali-dali kong isinalya ang cellphone ko sa bag ko. Jusko, Andami niyang binili! "We're watching Alone/Together, I bought us 2 tickets." Panimula niya. "Weh?" napangiti siya sa naging ekpresyon ko, ngunit bigla rin naman itong nag-iba. "Oh, did you really want to watch this?" Pagtatanong niya. "Nagpromise kasi si Maximo sakin na papanoorin namin, pero lagi siyang busy." Malungkot kong sinagot. "Oh," tipid niyang sinagot at binaling nalang ang paningin sa paligid. "But It's fine, I'm here with you na naman oh," Pag-aasure ko sakanya. Nakita ko na bigla siyang napasapo sa kanyang pisngi at noo kaya agad kong siyang tinanong, "Ayos ka lang?" nakatitingin ako sakanya. "Hah?" Sumagot siya pero halata na lumulutang ang kanyang isip. "Tara na nga," pag-aanyaya ko sakanya at hinigit na siya papunta sa loob ng sinehan.
Kalagitnaan na kami ng pinapanood namin, nang bigla akong napaluha gawa nung pinapanood namin. Agad na naaninag ni Ash ang inakto ko, "Hey are you okay?" Pag-aalala niyang tinanong. "Tignan mo kaya yung nangyayari sa palabas," Humagulgol ako lalo at tinuro sakanya yung scene. "Whew," Sagot niya na para na-assure siya sa sagot ko. Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin ang palabas. Agad kaming lumabas ng cinehan.
"Where do you want to eat?" Pagtatanong niya, hindi ko siya agad nasagot dahil nakita ko si Brent sa paligid na nakatingin saakin. Inulit niya ang tanong niya, "Sa kahit anong cafe nalang," Pagsagot ko. Kumain nalang kami sa Coffee Project.
Nang Makarating kami sa Coffee Project ay agad siyang naghanap ng upuan namin, nang makahanap kami ng upuan ay pinaghigit pa niya ako ng upuan. Nagpasalamat naman ako sa pagkikitungo niya saakin. Pero nalilito parin ako hanggang ngayon... Nag-offer siya na siya na raw oorder para samin, agad ko namang sinabi sakanya ang order ko. Sinabi ko na uuna na ako umupo sakanya.
Naramdaman ko nanaman ang pag-vibrate ng telepono ko, kaya agad ko nanaman tinignan ito. 'You recieved 4 messages from 🍯' napangisi ako ng nakita ito. Nag-dadalawang-isip ko itong binuksan, 'Let's talk' 'I'm sorry' 'Just 5 minutes or less' 'Anything would do', Yun ang mga nabasa ko. Napa-iling ako sa mga nabasa ko nagreply ako sakanya ng simpleng 'no', siguro naman ay maiintindihan niya ang salitang iyon.
Naaninag ko na pabalik sa si Ash at dala-dala ang mga pagkain namin, binaba niya ang mga dala niya sa table at nilapag niya ang mga pagkain ko sa harap ko. Luminga-linga siya bago nagsalita, "Let's do something that will help us get to know each other," pag-aanyaya niya saakin. "Uhm ano ba naiisip mo?" Pagtatanong ko habang nainom dun sa inumin ko. "How about yung ginagawa ni Tito Boy dun sa talk show niya na this or that thing," napahalakhak ako sa sagot niya. Ang coñyo ng lalaking to! "Why are you laughing?" nagtataka niyang tinanong saakin. "Tigilan mo ako sobrang coñyo mo," humalakhak ako muli. "Saan ka ba napasok?" Panimula ko, "ADMU," tipid niyang sagot. Tama ako yayamanin nga ito! Tumango lang ako ng simple sakanya.
"I have an idea," pag-eenganyo niya, "Both of us will ask a question and both of us will answer it," pag-eexplain niya. "G!" Sagot ko habang sinenyasan na mag-simula na. "I'll go first," excited niyang sinabi. Sinenyasan ko lang siya ng 'go'. "What is your course?" Pagtatanong niya, sabay naman kaming sumagot. "AB-philo," aniya sumagot naman ako, "Nursing," sagot ko. Whews unang tanong palang hindi ko na siya bet, corny naman neto! "Different," mahina niyang sinabi habang kumakagat dun sa binili niya cookie. "Ako naman, what's your type?" Simple ko siyang tinanong, tinaasan niya ako ng kilay dahil doon. "You," simple niyang sagot. Ano raw??? "Huh?" nauutal kong tinanong. "I mean you? What's your type?" Baling niya sakin. Nyeta muntikan na yon ha!! "Ah nothing much, basta may pangarap sa buhay," excited kong sinagot. "Same," tipid niyang sagot. "My turn, what's your dream date?" Pranka niyang tinanong. "Intramuros. Tapos gabi. Tapos lakad-lakad lang. Tapos chill lang. Tapos flowers lang or hand-written letter. Tapos-" pinutol ko ang pagsasalita ko nang makita siyang parang nagtetext sa telepono niya, "Sino kausap mo?" Nakataas kilay kong tinanong siya. Nagulat siya ng bigla niyang naaninag na sumulyap ako sa telepono niya, "Alam mo ikaw, pag nalaman kong may jowa ka pala ay-" hindi pa ako natatapos at tinanggi niya na ito, "Wala promise," sagot niya sakin.
Naubos na namin ang mga kinakain namin kaya nagpasya na akong umuwi na kami, "Tara na," pag-aanyaya ko sakanya. "Okay, let's go," Tumayo siya at kinuha ang bag niya pati ang akin at diretsong lumakad palabas ng cafe. "Snatcher, Akin na yan," nginisian ko siya. "Let me carry your bag, it looks heavy. I saw it a while ago," pagsagot niya at dire-diretso paring naglalakad, hinayaan ko nalang siya na bitbitin ang bag ko at masakit na rin ang likod ko gawa nito.
Nagpaalam ako sakanya na magco-comfort room muna ako, pumayag naman siya at sabi niyang maghihintay nalang raw siya dun sa mga upuan sabi niya ay tawagan ko lang raw siya kapag may nangyaring masama. Bago ako pumasok ay may narinig akong mabigat na yapak ng lalake, nang binaling ko ang tingin ko ay nakita ko si Brent. Lalo akong nagmadali sa paglalakad. Nanginig ang mga binti ko nung makita ko siya, para akong yelo na natutunaw nung maaninag siya. Bakit niya ako sinusundan?
Sinadya ko magtagal sa Comfort Room dahil nagbaka-sakali ako na wala na baka pag nagtagal ako roon ay paglabas ko wala na siya. Ngunit nagkamali ako, lumabas ako at nakita siyang nag-aantay doon at nakasandal pa sa pader. Iniwasan ko siya ng tingin at nagdire-diretso sa paglakad, napansin ko na medyo matagal na ako baka nag-aalala na si Ash. Nagdire-diretso lang ako pero biglang humawak sa palapulsahan ko si Brent, "Usap tayo, kahit sandali lang," giit niya. Agad ko namang hinawi ang kamay niya, "Kailangan ko ng umuw-" hindi pa ako natatapos ay sumingit agad siya, "Sandale lang naman hinihingi ko sayo, oh!" nakikita ko na naiirita na siya. Bago pa ako makapagsalita muli ay, biglang dumating si Ash. Tinulak niyang malakas si Brent palayo saakin, dahilan ng pagkahulog ni Brent sa sahig, "Didn't you hear her?? She clearly said no! So why can't you fucking understand a simple no, and leave her alone!" Kitang kita ang inis ni Ash sa pagsasalita pa niya lang.
Agad niya akong kinaladkad papunta sa parking lot. Nalilito ako sa ginawa niya kaya hinawa ko palayo ang kamay niya, "Ano bang ginagawa mo?" nagtataka kong tinanong. "Just get inside the car!" Medyo tumayaas na ang kanyang boses pero pinagbukasan pa rin niya ako ng pintuan, sinara ko naman ito dahil hindi parin maliwanag para sakin ang mga inaakto nya. "Ayoko!" pagdadabog ko. Panandalian kaming nabalot ng katahimikan bago siya nagsalita muli, "Can't you see?? I was so damn worried when you were gone for a moment!" Pasinghal niyang sinasabi bago sinipa ang gulong ng kotse niya. "Just get inside the car please," hinaan niya na ang kanyang boses, nakita ko kung paano siya mafrustrate dahil pasapo-sapo sa siya sa sentido at mga mata niya. Nagpasya na akong pumasok ng kotse, agad rin naman siyang pumasok. Kapag pasok niya ay yumuko siya sa manibela, "Please don't go missing like this again. I don't want to feel this sort of feeling again," mahinahon niyang sinabi, natulala ako sa mga sinabi niya.
Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko, bakit ganito nararamdaman ko??

YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
RomanceAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?