"Im here," narinig ko ang mga yapak niya at binaling ko ang tingin sa aking likod. Nakita ko siya roon na nakangiti sakin at mukhang kadadating lang. Nang makita ko siya ay lalong bumuhos ang luha ko..... hindi ko na napigilan ito.
Tumayo ako at umambang lumapit sakanya, ngunit nanginig ang mga binti ko at nahulog ako. Nakita ko ang biglang pag-iba ng emosyon niya nung nakitang nahulog ako, ang dating nakangiti ay biglang nagmukhang nag-aalala.
Tumakbo siya patungo saakin, nagulantang ako sa sunod niyang ginawa. Bigla siyang bumaba para lumebel ang kanyang tingin saakin. Bigla niya akong niyapos at pinatong ang aking ulo sa kanyang balikat, "Come here. Cry until you feel better. Don't worry I won't mind, i won't go anywhere," aniya habang pinapadaus-os ang kaniyang kamay sa aking buhok. Humagulgol ako sa kanyang mga balikat, gaya nga ng sinabi niya ay hindi nga siya umiling.
Nang matapos ako sa pag-iiyak ay inalalayan niya ako patungo sa living room ng treehouse doon. Inupo niya ako doon sa sofa, "Wait, stay here i'll get you water." Aniya sabay tungo dun sa may kusina para kumuha ng tubig, nilingon ko siya at naguluhan sa mga inaaksyon niya. Napaisip ako kung bakit ganito ang pakikitungo niya sakin eh parang kahapon lang ata kami nagkakilala, eh kung umasta siya para bang ilang years na kami magkaibigan.
Agad naman siyang bumalik at nilapag ang isang baso ng tubig doon sa may table, may dala pa siyang tsokolate . "Thank you," pakikitungo ko at nginitian siya, tumango siya pabalik saakin. Luminga-linga ang tingin ko sa may labas at hindi parin matanggal sa isip ko ang nangyari kanina, h-hindi ko inaakala na yun nga talaga ang nangyari saamin ni Lyia. Siya pa pala ang makakagawa sakin nito, siya pa na pinaka-pinagkakatiwalaan ko na kaibigan.
Nang tumagal-tagal pa kami doon ay nagyakag na siya na iuwi na raw ako, "Uhm do you want to go home?" Pagtatanong niya sakin. "Sure," sagot ko at nagtungo na nga kami sa kanyang kotse. Pinakiusapan ko nalang siya na ibaba nalang ulit ako sa Taft.
Tulad ng dati ay nabalutan nanaman kami ng matinding katahimikan at ang tingin ko ay asa tanawin sa labas. Binaling ko ang tingin ko sakanya at nagtataka na sobrang tahimik niya na para bang hindi niya ako nakitang umiyak kanina. Naisip ko na magtanong sakanya, "I'm curious, why are you not asking me anything about what happened earlier?" Nakataas kilay kong tinanong. Bago siya sumagot ay bumuntong hininga siya, "It's because I respect your privacy and comfort about it," mahinahon niyang sinagot. Hanga ako sa lalakeng ito, sa lahat ng mga kakakilala ko palang na tao eh sakanya pinaka-magaan ang loob ko.
Mabilis na lumipas ang oras at maya-maya lang ay nakarating na kami ng Taft, binaba niya ako dun sa usual niya pinagbabaan niya. Kinawayan ko siya bago ako bumaba, hudyat na ito na dito na kami magpaparte ng daan. Ngunit sa maling akala ay bigla naman itong nagsalita, "I hope that this would make you feel better," sabay abot niya ng isang inumin na Chuckie may nakapaskil na sticky note na 'contact me in this number if you need someone, i'd wait for your message'. Bago ko sinara ang pinto ng kanyang kotse ay nagpasalamat ako at nginitian siya.
Nang matalikodan ko na siya ay hindi ko na napigil ang pag-dapo ng ngiti sa mukha ko. Habang naglalakad ako pabalik ng dorm ko ay naisipan ko na isave agad ang kanyang numero. Napaisip ako kung paano niya nalaman na nakakapag-pagaan ng pakiramdam ko ang ganitong mga munting pakikitungo. psh stalker ka ba??
Nakarating ako ng ligtas sa dorm ko at naghanda na para sa pagtulog. Pagtapos ko gawin ang lahat ng kailangan kong gawin ay naisipan kong itext siya. Maraham akong nagtype ng kung-ano sa keyboard ko pinaglalaruan ko ang upper lip ko habang ng iisip ng kung anong tamang itext sakanya, nang wala na akong maisip ay naisipan ko nalang na tanungin siya kung hindi ba siya naiirita sakin.
Habang iniintay ang kanyang reply ay nilabas ko ang homework ko para gawin ito, makalipas ng ilang minuto ay nagreply na rin siya ng 'No, I actually enjoy your company. I hope u do as well??' Nang mabasa ang reply niya ay saktong tapos na ako sa homework ko, napangiti ako sa reply niya pero agad rin namang akong dinalaw ng antok at hindi na siya nareplyan.
Pagkagising ko kinabukasan ay maganda ang gising ko. Agad ako na naghanda para pumasok sa eskwelahan, nang makarating ako ay agad naman akong napansin ng isa kong kaklase na si Hilton. 'Ganda ng gising ah,' aniya, nginisian at kinawayan ko lang siya. Nang makapasok ako ng classroom namin ay agad kong kinawayan sina Lhory. Agad rin naman akong umupo sa kanilang tabi at dumating na rin ang prof namin. Mabilis natapos ang araw at pagkatapos ng ilang oras ay tumunog na ang 'Go home' bell namin na naghuhudyat na tapos na ang mga klase.
Nagpaalam ako kina Gigi na mag-aaral ako sa Tim's kaya hindi ako makakasama sa kanilang gala mamaya. Kita ko ang pag-ngiwi ni Gigi dahil hindi ako makakasama sakanila. Kumaway ako sakanila bago nagtungo sa pinakamalapit na Tim Hortons.
Nang makarating ako ay agad ako naghanap ng bakanteng upuan, at nagsimula na mag-aral. Lagpas isang oras na ako andito at di ko namalayan na napa-iglip na pala ako.
Nang magising ako ay naaninag ko ang isang lalake sa harap ko, nagulantang ako ng nakita si Ash doon! Agad naman akong nangapa sa mukha ko kung may muta ba ako o panis na laway baka lang naman. Nakita ko ang mariin niyang pagtingin saakin bago ako magising, bigla naman itong luminga-linga ang tingin sa paligid ng makitang nagising na ako.
Nang makapag-ayos ako ay bigla siyang umubo, "Why didn't you text back yesterday?" Nakataas ang kilay niya habang tinanong ako. Nagpaliwanag ako na mabilis akong inantok. "Since you didn't reply to me yesterday, can you accompany mo today to the movies?" Pagtanong niya sakin na para bang tuta na nag-iintay ng pagbiyaya ng kaniyang amo. Napagtanto niya siguro na aangal ako sa kanyang request kaya agad nagbago ang kanyang ekpresyon sa mukha.
Tumayo na ako at nag-ayos ng aking mga gamit. Agad kong naramdaman ang pag-hawak ni Ash sa palapulsahan ko, "Tek-" hindi pa ako nakakasalita pinutol niya agad ito , "No if and buts, Your life is to precious to waste it on those. So please, just accompany me to the movies," Pagsasabi niya habang tinutulungan akong isalya ang mga gamit ko sa bag ko hindi parin natatanggal ang paghawak niya sa palapulsahan ko. My mouth formed an 'o' gawa ng mga inaasta niya, natulala pa ako bago natauhan. "Shall we go?" Pag-aanyaya niya sakin sabay higit niya sakin papunta sa movie house. Nang makarating kami sa movie house ay hindi parin natatanggal ang kanyang mahigpit na hawak sa palapulsahan ko, naaninag ko na malaki ang ngiti niya ngayon ngunit agad naman niya itong pinaltan ng makitang nakatingin ako sa pag-ngiti niya....
Masyado akong nalilito sayo. Ano ba talaga layon mo??
YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
RomanceAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?