Nakahawak sa palapulsahan ang misteryosong lalakeng ito, kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Damn, hindi ko rin alam bakit..... Nang makapasok kami sa kanyang kotse ay sinuri ko ang kaniyang mukha. Napagtanto ko na mukha siyang anak ng isang marangyang pamilya. Napansin niya ang pagsusuri ko sakanya, "Huwag kang mag-alala may prinsipyo ako sa buhay at vinavalue ko ang salitang consent. Kaya hindi kita gagalawin. I mean if ever na iniisip mo na may masama akong gagawin sayo," nakataas kilay na paliliwanag niya. Tumango at ngitian ko lang ang pagpapaliwanag niya. Agad niya namang binuksan ang radio at kinonnect sa bluetooth ang kaniyang cellphone, habang ginagawa niya iyon ay binuksan ko ang cellphone ko at nakita na flooded na pala ako ng mga mensahe ng mga kaibigan ko. Isa-isa kong binasa ang mga ito.
Papi Chandler:
Where are you? Where are you going? Why didn't you inform us?
Gungggong:
bEH DI MO NAMAN SINABI SAMIN NA MAY KASAMA KA! SINO BA YAN? PAKILALA MO NAMAN KAMI OH!
Lholo:
Hey text me if u get home safe.
Napahalakhak ako sa mga text ng kaibigan ko, Sa aming magkakaibigan ako ang parang bunso nila, si Lhory at Chandler ay parang mga Lola at Lolo namin na sobrang istrikto, at si Gigi naman ay ang party girl na sobrang palaban. Pero kahit ganon mahal na mahal ko sila. Kitang-kita ang pagkakaiba nila lalo na pag nagtetext na sila. Agad akong nagchat sa gc namin na okay lang ako at uuwi nalang ako mag-isa, nagreply agad sila na tawagan ko raw sila kung may maling mangyari sakin. Napabuntong hininga ako at naisip na sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko.
Nang napansin ko na matagal ng nakatingin sakin ang lalakeng kasama ko ay agad kong tinuon ang tingin ko sakanya. Pormal siyang nagpakilala sakin, "I am Ash Sorel K. Frontera. You are?" sabay abot ng kamay niya sakin. Grabe naman 'tong lalakeng 'to pangalan pa lang eh mukhang yayamanin na, agad ko rin namang inabot sakanya ang kamay ko, "I am Ianne Clishel V. Garrido," nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Binawi ko rin naman kaagad ang kamay ko. Nabalot kami ng matinding katahimikan nakatingin lang ako sa mga tanawin sa labas at nagpagtantong mukhang malayo ang pupuntahan namin kaya naisipan ko na magtanong sakanya, "Saan tayo pupunta?" Pagtatakang tinanong ko sakanya. "Just wait and see. You can take a nap if you wan't, i think the travel will be long," Aniya at inalalayan niya akong ibaba yung upuan.
Nakaiglip ako siguro lagpas isang oras din yun, nagising lang ako nung nasa pupuntahan na kami. "We're here," aniya at tinanggal ang seatbelt ko. Bago bumaba ay nag-unat ako, namangha ako na para kaming asa gubat at may isang mala-treehouse doon na nagooverview ng isang malaking lagoon na asa gubat. Dali-dali akong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Ash, nginitan ko ang ginawa niya. "Let's go inside, it's cold" Pagaanyaya niya sakin na pumunta na kami sa loob ng treehouse niya.
Pinagbuksan niya ang main door at ang unang bumungad sa akin ay ang monochromatic na kulay ng mga pader ng treehouse at ang balcony na may swing na nag-ooverview ng lagoon. Tanaw na tanaw namin ang sunrise ngayon, namangha ako sa mga nakita ko. It feels like a dream, at hindi ko inaakala na isang kakakilala ko lang na tao ang magpaparamdam sakin nito.
Nakita ko na pasulyap-sulyap siya sa mukha ko, mukhang binabasa ang naging reaksyon ko sa lahat ng ito. Nakita ko ang kanyang kamay na nahihiyang tinuturo ang swing, "y-you can sit there, i can push you if you want," pagaanyaya niya. Agad naman akong umupo dun sa swing at tinulak niya nga ako ng marahan. Habang tinutulak niya ako napagisip-isip ko na tanungin siya, "Tell me more about this," pagtatanong ko sakanya. "Uhm nothing much... Hmm first this has been here for 4 years now, so I had it when I was 14. And y-you're the first girl i brought here," nauutal niyang sinabi. "Lie," mahina kong sinabi at inismiran siya. Pag-aakala ko na hindi niya narinig ay narinig niya pala, "Whatever, i don't want to argue about this," ngumisi siya at sinabi bago ang huling pagtulak niya sakin. Inalalayan niya akong makababa nung swing. "Let's get you home now," sabi niya sakin pagkapasok namin ng bahay. Sumunod lang ako sa mga pag-aanyaya niya at sinabi ko sakanya na ihatid niya nalang ako sa Taft. Umiglip ako habang nagbabyahe.
Nagising nalang ako nang makarating sa kami sa Taft. Agad kong tinaggal ang pagkakakabit nung seatbelt at bago ako bumaba ay napagisipan kong magpasalamat sa ginawa niya, "Thank you, You really helped me." Nakangiting sinabi ko at kumaway siya sakin. Isasara ko na sana ang pinto ng bigla siyang nagsalita, "You can have a spare key," mariin niyang sinabi. Akala ko ay nabibingi lang ako pero totoo ang sinasabi niya, "Yeah you can really have one," tinanggap ko ito ng may maliit na sticky note at nakalagay dun ang address. Sinara ko na ang pinto at kumaway sakanya.
Nakarating ako ng ligtas sa condo ko at naghanda na para sa klase ko mamaya. Umalis ako ng condo bago 10:30 at dun lang nagsisimula ang klase ko. Pagkarating ko ng school ay sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko, "Look who's here," tinapunan ako ng masamang tingin nina Lhory at Chandler. "Go easy on her, geez!" Pagpipigil ni Gigi. Inilingan ko lang sila at sinabing walang nangyari saking mali. Mabilis na natapos ang mga klase ko at nag-ring yung bell namin na naghuhudyat na uuwian na. Kumaway ako sa mga kaibigan ko at binulungan sila na uuwi na ako, nagulantang ako ng nakita si Lyia na tinatapunan ako ng mga masasamang tingin at hinarang pa ang daan ko. Ano 'bang problema ng ahas na 'to?!
"Excuse me dadaan ako," pagtataboy ko sakanya. "Why can't you look straight at me, Ianne?" Pag-aasta niya na para 'bang nung kamakailan man ay wala siyang ginawang mali. "Bakit ano bang gusto mo?" Mahinahon kong tinanong. "I wan't to fight you," pagaamba niya sakin. Aba peste akala mo kung sinong maganda eh isa lang naman siyang mangaagaw. "I'm not in the mood, please." Pagtataboy ko sakanya. "Why huh? Can't you just accept na mas pinili ako?" Pageeskandalo niya. "Aba makapal!" Rinig kong sinigaw ni Gigi sa likod ko na papunta na sana dito kung hindi lang siya napigilan nung dalawa. May namuong luha sa mata ko at di ko na napigilan ang pagtulo nito. "Okay! Aaminin ko na, Ianne. Nilapitan lang talaga kita para kay Bren-" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay nasapak ko na siya. Napasapo siya sa kanyang pisngi na pulang-pula. Pinunasan ko ang mga luha na dumapo sa mga pisngi ko at humarurot ako sa papunta kotse ko. 'I just want to go somewhere far' pagbulong ko sa sarili ko habang nakayuko sa manibela ng kotse ko. Unang sumagi sa isip ko ay pumunta dun sa treehouse ni Ash. Naisipan ko na itext muna siya, pero napasapo ako sa noo ko nang naalala ko na wala akong numero niya. Bahala na pakapalan na lang.
Agad kong ininput ang location na binigay niya sa gps ko. Dali-dali akong pumunta doon, nagtagal ng mahigit 1 oras ang byahe papunta roon. Ginamit ko ang spare key na binigay niya sakin para makapasok doon. Nagtungo ako dun sa balcony para dumayo doon sa swing, naghumalukipkip ako at nag-isip sa nangyari kanina.
May parang tinik sa puso ko, dahil sa sinabi ni Lyia. Hindi ko parin maintindihan bakit niya nagawa yun. Bigla kong naalala si Ash, yung kauna-unahang tao na nagparamdamn sakin na feel ko nagpapahinga ako kapag kasama siya, "How I wish you were here," bumuntong hinga ako at naisip kung ano ang kalagayan niya ngayon. "I am here," narinig ko ang yapak niya papalapit sakin. Binaling ko ang tingin sa likod ko at nagulat na nakita si Ash na nakatayo doon na nakangiti at mukhang bagong dating lang.
Who are you?? Why do I feel secured when I'm with you??
YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
RomanceAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?