4

44 13 12
                                        

Nagpasya siya na ihatid ako ulit sa Taft. Dating gawi, binalot nanaman ulit kami ng matinding katahimikan. Hindi ako umimik dahil sa mga nangyari kanina, hanggang ngayon ay hindi parin ma-processo ng utak ko ang mga nangyari kanina.

Hindi na kinaya ng isip ko ang mga ideya na pumapasok sa isip ko, kaya nagpasya ako na tanungin siya. "A-ano ibig sabihin nung sinabi mo kanina?" Panimula ko. Suminghap muna siya ng hangin bago sunagot saakin, "Hindi ko rin alam, pero tuwing kasama kita o nasa paligid ka biglang naguguluhan isip ko," Pag-amin niya. Natulala ako sa sagot niya, ngunit hindi ko parin maintindihan. Ako lang ba ang hindi nakakaintindi dito?  "There's some sort of feeling, I'm sure there is. But I clearly don't know what kind of feeling," dagdag niya, umuubo-ubo siya nang unti. Sunusuri ko ang itsura niya, pero hindi ko mabasa ang emotion niya.

May pumasok sa isip ko na ideya. I decided to gather up my courage and ask him straight to the point para hindi na maguluhan ang isip ko, "Do you like me??" Pranka kong tinanong. Napatingin siya sakin, "We are here already," pagsagot niya ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Naaninag ko na asa Taft na kami, kaya agad naman akong bumaba at nakalimutan ko na yung tanong ko. Kumaway ako sakanya bago isara ang pintuan ng front seat niya, dumiretso na ako kaagad sa condo ko.

Binaling ko na lang muna sa ibang bagay ang atensyon ko. Nang makauwi ako ay naghanda na ako para sa school bukas at naghanda na rin sa pagtulog. Humiga ako sa kama ko pero hindi parin akong dinadalaw ng antok, kaya mariin ko nalang tinitigan ang kisame ko. Gulo-gulo parin ang isip ko hanggang ngayon, hindi parin niya sinasagot yung tanong ko. Eh kung itext ko kaya siya ngayon?? Pero baka mabulabog ko siya, kaya huwag nalang muna. Tinry ko na ituon atensyon ko sa ibang bagay, pero yung mga nangyayari kanina parin ang naiisip ko. Lagpas 2am na hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nababagabag parin ako hanggang ngayon. Nang hindi parin ako nakatulog ay napagdecisionan kong mag-cellphone muna, nung ginawa ko naman yun ay tsaka ako dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na alarm ko, nang madilat ko ang mga mata ko ay nakita kong 9:30 na. Putaragis malalate ata ako ngayon! Dali-dali akong nag-ayos para sa klase ko. 10:25 ako nakadating sa main gate ng school namin, kailangan ko pang takbuhin ang 2 building bago building namin. Sana makaabot ako. Halos madapa ako kakatakbo at maraming studyante na ata natulak ko para lang umabot, worth it naman nakaabot nga ako.

Huminga ako ng malalim at suminghap ng hangin dahil nung dumating ako ng classroom wala pa si Maam Estrevalla. Shortly after, dumating na din si prof kaya umayos na kaming lahat. Kalagitnaan ng discussion ni prof nadistract ako nang makitang dumaan si Brent sa tapat ng classroom namin, nakangisi pa ito ng makita ako. Nang nakita si Brent, dumalo nanaman sa isip ko yung mga ginawa ni Ash kahapon. Hindi parin malinaw para sakin ang mga iyon. Sa natitirang oras ng discussion ay hindi ako nakakinig ng maayos dahil sa mga naiisip ko.

Maya-maya lang ay tumunog na ang 'Lunch Break' bell namin, ang lunch namin ay 3 hours kaya marami kaming nagagawa sa mga oras na ito. Sabay kaming Lumabas nina Lhory, Gigi, at Chandler. "Comfort Room muna kami saglit," pagpapaalam nila sakin, kaya natira ako mag-isa nag-iintay sa Lovers Lane. Naaninag ko si Brent na nakasandal sa pader doon sa malayo. Nag-amba siyang lumapit pero naunahan siya ni Maximo at ng kaniyang mga kaibigan. "Bakit ka mag-isa?" Pagtatanong ni Maximo. Hindi ako manhid kay Maximo, alam ko na may gusto siya sakin simula Highschool pa kaya naman ay hindi ako nagbibigay ng kung anong motibo sakanya pero minsan hindi ko maiwasan na paunlakan ang mga pag-aanyaya niya lalo na't magkaibigan ang mga nanay namin. "Ah-eh iniintay ko mga kaibigan ko asa palikuran lang," sabay turo ko sa kung saan ang palikuran. "Pwede ka bang makipag-dinner sakin mamaya?" Pranka niyang tinanong. Narinig ko ang mga kantyawan ng mga kaibigan niya dahil sa paraan ng pagtatanong niya nahihiya akong humindi sakanya dahil sa mga ito, "Okay," tipid kong sinagot. Nakita ko ang naging reaksyon niya sa sagot ko, ngumisi ngisi pa siya sa mga kaibigan niya at nag-thumbs up pa ito. Dumating na rin sina Lhory kaya nagpaalam na rin ako sakanya, "I guess, see you later?" Baling ko sakanya, kinawayan lang ako ni Maximo.

Agad naman akong kinantyawan nina Gigi, "Eh kung sagutin mo na kaya, kita mo ba na ilang years ka na niyang nililigawan? Hindi sumusuko, hindi tulad ng iba dyan!" Pang-aasar ni Gigi. Sumang-ayon naman sina Lhory at Chandler at tinaas pa ang kanilang mga hinlalaki. Umangal lang ako sakanila, dahil hindi naman totoo yung mga naiisip nila.

Sama-sama kaming nananghalian nina Lhory, hindi na yun bago dahil lagi naman kaming magkakasama. Gusto ko maglakad-lakad sa campus mag-isa kaya nagpaalam ako sakanila na mag-lalakad lang ako around turf at kung may kailangan sila sakin ay doon nila ako hanapin.

Nilabas ko ang cellphone ko at nakatitig lang ako dito, iniisip ko kung itetext ko ba si Ash o hindi. Luminga-linga ang paningin ko sa turf at nakita don yung mga varsity na nagtetrain may volleyball, soccer, tapos mga basketball player na nagpapasa-pasahan ng bola. Binaling ko rin agad ang tingin ko sa telepono ko, nakatitig parin ako dito. Nagulat ako ng biglang may bolang tatama sana sakin pero hinabol ito ng isang volleyball player, napasapo ako sa ulo ko para protektahan ito. "I'm sorry, are you okay?" Tinaas ko ang tingin sa babae, nilapag pa niya ang kanyang kamay para tulungan ako makatayo. "Uh wala yon okay lang ako," ani ko habang pinapagpagan ang palda ko. "I'm Ivory Cheng," nilahad niya ang kamay niya kaya nilahad ko rin ang akin, "I'm Ianne Clishel V. Garrido," ngiti ko sakanya. "Una na ako," aniya bago kumaway sakin, kumaway rin naman ako sakanya.

Bumalik na ako ng classroom namin dahil malapit na rin mag-time. Mabilis na natapos ang mga klase namin at maya-maya lang ay tumunog na rin ang 'Go home' bell namin. Agad akong umuwi nung matapos ang klase namin, nagpaalam ako kina Gigi na baka may lakad kami ni Maximo mamaya. Pinuna nila ako ng kantyaw nung sinabi ko iyon.

Nang makauwi ako ay nagsimula na akong mag-ayos at nilapag ang cellphone ko sa desk ko bago tinignan ang sarili sa salamin. Tinitignan-tignan ko ang telepono ko, nagbabaka-sakali na baka magtext si Ash. Pero as expected hindi.

Nag-ayos nalang ako para sa 'dinner' na pakulo ni Maximo, balak ko namang sabihin sakanya yung totoo na hindi talaga ako interesado pero hindi ko mahanap ang tiempo. Luminga-linga parin ang tingin ko sa telepono ko umaasa na magtetext o kahit anong paramdam siya.

Lumipas ang oras at hindi parin siya nagpaparamdam, kaya hindi na ako umasa doon. Binuksan ko ang IG ko at nakita yung bagong upload ni Maximo na picture:

@griegomax: ready for the date!

ayon ang caption. Naulanan naman siya ng kantyaw ng mga kaibigan niya:

@juandl: wow naman sir, sino naman yan?

@avielrsr: di ka naman gusto non :)

@steinmonteclaro: proteksyon bago aksyon ha!

Nagsoscroll ako sa comment section ng biglang nagtext si Ash, "I'm here sa kung saan kita laging hinahatid," natulala ako saglit dito, "If you want to come, wear a sweater or something it's cold. I'd wait here," nabagabag ako sa sinabi niya ngunit meron pa pala siyang sasabihin, "We are going somewhere cold so please bring a sweater at least," dagdag nito. Huh anong going somewhere?? Paano si Maximo may dinner pa kami?? Aligaga akong naglakad pabalik-balik at kinakagat ko ang mga kuko ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

You know what fuck this dinner date, siya lang ang iniintay ko. Agad kong minessage si Maximo, "I'm sorry, I can't today. Let's resched it nalang," may halong guilt akong nagreply. Nagreply siya agad, "Oh it's okay, ingat ka!" Nang mabasa ang reply ni Maximo ay agad ako nagbihis sa mas comportableng damit at dali-dali akong pumunta sa kung saan ako hinahatid ni Ash. Papalapit nang papalapit doon ay lalong kumakabog ang puso ko, napatigil ako sa paglalakad.

Napaisip ako. Bakit ganito lagi kang hinahanap ng utak ko? Laging hinahanap ang presensya mo?

Before You Go (Before Series #1)Where stories live. Discover now