Kumawala ako sa pagyakap ni Ash bago magsalita, "Tigilan mo na ako pwede ba?" Agad na dumalo ang luha ko sa magkabilang pisngi ko, agad ko rin naman itong pinunasan. "Mali ito," binulong ko habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.
"I'm sor-" hindi pa siya natatapos ay umalis na ako sa footbridge. Nagmadali akong lumayo doon at bigla akong napatigil ng makalayo layo na. Napahawak ako sa railings bago bumaba sa mga binti ko at yumuko. Lalong bumuhos ang mga luha ko.
Dumalo sa isip ko ang mga nakaraang araw na nakasama ko si Ash. Ayoko ang ganito, Ayoko manghimasok sa relasyon ng ibang tao.
Nang naaninag ko na dumidilim na ay nagmadali na akong umuwi. Nang makarating ako sa dorm ay agad akong naghilamos at humiga sa kama. Nagsuot ako ng earphone bago ako humiga at naghagilap naman ako ng panali ng buhok.
Nang nakakapa ako ng panali ay agad kong nahagilap iyong binigay ni Ash sakin. Napasinghap ako ng hangin bago tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. Napaisip ako 'Kung wala ba yung babaeng yun eh pipiliin mo ba ako?'
Sinapak ko ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. I should know better. This would hurt that girl, kung ipagpatuloy ko pa tong nararamdaman ko. Mukhang gustong-gusto nung babae si Ash, nakita ko ang sarili ko sakanya parang ako lang siya nung baliw na baliw ako kay Brent. At ayokong mangyari sakanya ang nangyari sakin.... saamin ni Brent.
Dinalo rin ako agad ng antok kaya nagpasya akong itulog nalang lahat ng ito. Kinabukasan ay wala akong klase kaya maluwag ang schedule ko.
Lumipas na ang ilang araw at napagtanto kong ayun pala ang ibig sabihin niya sa "Huli at unang beses". Hindi na akong umasa sa kung ano pagpaparamdam na pwedeng gawin ni Ash saakin. Tuloy parin naman ang buhay ko, andyan siya o wala.
Naghanda na ako para sa klase ko mamayang 10. Nang makarating ako sa eskwelahan ay natanaw ko si Maximo na nakahaligi sa pintuan ng classroom namin at may dala-dala pa siyang orange tulips bouquet at mga tsokolate. Nang nagtama ang tingin namin ay kinawayan niya ako at kinawayan ko rin naman siya at nginitian. Agad siyang lumapit sakin para salubungin ako.
Nang makita ng ibang kong mga kaklase ang nangyayari ay agad nila kaming bunihusan ng mga kantyaw. Hindi na bago ito dahil ilang taon nang ganito si Maximo, parang siya nga ang pinakamanugod na manliligaw ko.
Nang naglalakad kami papuntang classroom namin ay agad niyang kinuha ang bagpack ko at siya na raw ang bibitbit, "Ako na dyan, mukhang mabigat eh." Aniya at inabot ang bag ko, "Oh, okay. Thanks." Tipid kong sagot. Natandaan ko ulit si Ash, natandaan ko yung isang beses na kinuha niya ang bag ko bago niya ako hinila papuntang movie house napatulala ako saglit. Hindi ko namalayan na may sinsabi pala si Maximo, "Hey, are you okay?" Aniya habang nakatingin sakin. "Ah, oo medj pagod lang," ngumisi ako. "Are you uncomfortable with my gesture?" Pagtatanong niya. "No, it's okay. I actually appreciate this." Sagot ko sakaniya.
Totoo naman, naapreciate ko ito. Lalo na yung tulips at yung halos araw-araw niyang pagsalubong sakin pagdadating ako ng eskwelahan. Sa pagkakaalam ko ay seniorhigh palang kami ay nanliligaw na siya. Isa nga siyang manunugod na manliligaw, ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko ata maibabalik sakanya yung nararamdaman niya para sakin.
"Uhm, can we go on a date?" Nauutal niyang sinabi. Napalunok ako dahil nabigla ako, "I mean date as in like eat outside or something," Dagdag niya. Napahinga ako sa sinabi niya, akala ko kasi ay yung date na parang kami na. "Oh, sige kailan ba?" Pagtatanong ko sakanya. "Hopefully this weekend, I guess?" Aniya. Agad kong tinignan ang schedule ko at nakita ko na wala akong gagawin sa weekend kaya pinaunlakan ko ang kaniyang hiling, "Sige, just text me the details," sagot ko sakanya.
Nakarating na kami sa harap ng classroom ko, nakita ko agad ang mga kaklase kong tsismosa na palinga-linga sa gawi namin. "Thank you," Aniya bago hinalikan ang aking palad. "Huy, andaming nakatingin." Sagot ko sakanya dahil nakita ko ang mga kaklase ko na naghihiyawan na. "Bye!" Kinawayan ko siya bago nagpasyang pumasok sa classroom ko, nagulantang ako dahil bigla niya akong hinigit patungo sakanya at niyakap ako ng mahigpit dahilan kung bakit nabaon ang mukha ko sa dibdib niya.
Narinig kong lalong lumakas ang mga kantyawan ng mga kaklase ko pati sina Gigi na kakarating lang, "Sagutin mo na kasi!" Pang-aasar ni Gigi bago kinurot ang beywang ko. Kinindatan naman ng mga kaibigan ko si Maximo. "Don't feel pressured on answering me. I'm willing to wait for you even if it takes a decade or two." Sabi niya habang pinapadaus-os ang kamay sa buhok ko.
Pinakawalan niya na rin ako pagkatapos ng ilang minuto. Naramdaman kong uminit ang pinsgi ko hindi ko alam kung dahil sakanya o dahil naalala ko si Ash. Kumaway na siya sakin at naglakad patungo sa classroom niya, nakita ko ang malaki niyang ngiti.
Nang makapasok ako ng classroom namin ay nahotseat agad ako ng mga kaibigan ko. "Kayo na ba ha??" Ani ni Gigi. "Oonga kayo na ba, parang kayo na eh?" Ani naman ni Lhory. "Mukhang wala kang sinasabi samin ha," ani ni Chandler na nakamungot. Nang makaupo ako ay nilapitan ako ni Gigi, "Tapatin mo nga ako kayo na ba??" Aniya. Napabuntong hininga ako dahil naalala ko nanaman si Ash. Balak kong ikwento kay Gigi ito, "May kekwento ako sayo," Sabi ko sakanya. "Luh ano yan tungkol ba sa lalake? Kung oo, interesado ako dyan!!" Aniya. "Yan dyan ka magaling sa lalake! Jusko!" Dinuro-duro ko siya, "Kamusta na ba kayo nung si Eros na sinasabi mo??" Pagtatanong ko. Nakita ko na napawi ang ngiti niya dito, "Bakit ako ang tinatanong mo?? Siya ang tanungin mo dyan!" Sagot niya at agad niya akong tinaboy dahil andyan na ang prof namin.
Mabilis na lumipas ang oras at maya-maya lang ay lunch na namin, 3 hours ang lunch namin kaya mahaba-haba ang oras na pwede kong makausap si Gigi.
Nang makalabas ng classroom ay agad ko siyang tinitigan at sinenyasan ko si Gigi na magkita kami sa gazeebo, sinenyasan niya naman ako ng 'okay'.
Inintay ko na makarating si Gigi sa gazeebo. Habang nag-iintay ako ay nagscroll-scroll ako sa twitter at nakita ko ang isang post ni Stein na picture, nakita ko si Ash at may babaeng nakakandong sakanya. Sinusuri ko ang babae dahil mukha siyang pamilyar, bigla namang dumating bigla si Gigi.
"Okay anong chika ba?" Aniya habang lumalapit saakin at naupo sa kaharap kong upuan. "Ganito kasi may lalake akong nakilala sa bar sa may Xylo, pangalan niya ay Ash Sorel K. Fronte-" hindi pa ako natatapos ay agad siyang pumagitna, "Did I hear that right? Ash Sorel K. Frontera???" Aniya gulat na gulat at nakadilat pa. "Oo, ano bang meron dyan?" Nakuryoso ako. "Gaga anong anong meron?? Di mo ba alam anak mayaman yan tapos campus crush yan pero may fiancé na yan si Ivory Cheng, yung volleyball varsity dito!" Aniya. Nagulantang ako sa sinabi niya akala ko girlfriend lang, fiancé na pala!! Lumipad ang kamay ko patungo sa may bibig ko. "Okay, now tell me more," aniya habang pinapakalma ang sarili.
Nagkwento ako sakanya, attentive naman siyang nakikinig. Kinuwento ko yung nangyari sa Xylo pati yung movie house tsaka yung nangyari samin ni Brent na pinipilit niya ako tapos biglang pumagitna si Ash. Tapos yung sa lugar na kinuwento niya na tanaw yung citylights, pati yung nakita ko sila ni Ivory Cheng sa mall. "Now tell me the real deal, do you like him? Because I know for a fact, that you don't make kwento about guys unless there's something," nagkasalubong ang kilay niya habang nagtatanong. Hindi agad ako nakasagot sakanya dahil napatulala ako.
"Oh, god do you really like him?" Aniya habang sumasapo sa kanyang noo. "Stop that right now," aniya habang nakacrus ang balikat at mariin akong tinitignan. "This is trouble for sure! Yang papasukan mo ay mali!Maling mali yan, Ianne! Magmahal ka na ng iba wag lang si Ash, off limits na yun can't you see?" Pasinghal niyang sinabi. Inulanan niya ako ng mga iba't ibang salita, "He has a god damn fiancé for fucks sake!" Tumaas na ang kaniyang boses. Nararamdaman kong naiirita na siya.
This is it, the storm has arrived. I know this is trouble, but I'm not sure if I can stop this. Nahulog na ata ako para sakanya.
YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
Roman d'amourAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?