Natanaw na ng mata ko ang matipunong katawan ni Ash na nakahaligi sa kaniyang kotse, huminga ako ng malalim bago tuluyan siyang lapitan.
Nagtama ang mata namin kaya naman nung agad niya akong nakita ay kumaway siya sa direksyon ko. Sinalubong niya ako sa kabilang gilid ng kantong iyo at inalalayan niya ako makapunta sa kaniyang kotse.
Nang makapasok na kami ng kaniyang kotse, ay sinuot niya na kaniyang seatbelt bago niya isunuot sakin yung seatbelt. Nung lumapit siya sa aking gawi ay agad kong naamoy ang kaniyang pabango napansin ko na sobrang lapit ng mga mukha namin kaya naman ay natulala ako. Napansin niya na sobrang lapit na namin kaya naman umatras din agad siya.
"Let's go," aniya bago ipagsangkalan ang kotse sa daan. Ang tingin ko ay tinuon ko sa tanawin ng syudad, maraming ideya ang pumasok sa isip ko. Lalong naguluhan ang isip ko sa mga nangyayari ngayon, mali ito. Mali na sumama pa ako ngayon sakanya.
Nang tumagal-tagal ay lalong lumalim ang mga iniisip ko, lalo akong kinabhan at naguluhan. Habang nakatingin sa tanawin ng syudad ay hindi ko na napigilan na kagat-kagatin ang mga kuko ko sa kaba, umaapaw na ang kaba ko. Bigla kong naaninag sa harap ng mata ko ang isang bote ng tubig, sinulayapan ko si Ash at kinunotan siya ng noo. "Calm down," binigay niya ang tubig habang putol-putol na sumusulyap sa daan at saakin. Tinanggap ko naman ito at agad na ininuman ito.
Nang kumalma-kalma ako ay nagsalita ako, "Don't do this again," pagbabanta ko kay Ash. Bumuntong hininga siya bago sumagot, "I can't help and I can't promise that I won't do this again in the future," sagot niya habang nakahawak sa sentido niya. "Just don't," sabi ko habang seryosong nakatingin sa daan hindi na siya sumagot at bumuntong-hininga nalang.
Nang kalaunan ay napa-iglip ako dahil mahaba-haba ang biyahe. Pagkagising ko ay asa labas na si Ash ng kotse naka haligi sa car hood. Tinitigan ko ang pigura niyang nakatalikod sakin at mukhang abala sa pagtetelepono, kumabog ng sobrang bilis ang puso ko napakapit pa ako dito. Namangha ako sa pigura niya, ngunit hindi ko dapat maramdaman ito. Umiling ako at napagdesisyonan nang bumaba ng kotse.
Naaninag niya ang pagbukas at pag-sara ng pintuan ko, kaya naman ay tumayo siya ng maayos at hinarap ako. Nilahad niya ang isang kamay na may tinuturo sa kalayuan at ang isa ay asa likod niya, bahagyang nayuko siya ngayon. Tinignan ko ang tinuturo niya, naaninag ko ang isang porch na naaninag ang city light at may isang telescope roon at 2 bean bag.
Dire-diretso akong pumunta roon at naririnig ko ang mga yapak niya na nakasunod saakin. Namangha ako sa nakita ko kaya bahagyang bumukas ang bibig ko, tinatakpan naman ito ng mga kamay ko. Dumiretso ako doon sa may telescope at tumingin doon, nilingon ko si Ash na nakatitig saakin pero agad niyang binaling ang tingin sa iba ng nilingon ko siya. "Halika dito, tumingin ka rin," pag-aanyaya ko sakanya. Lumapit siya sa may telescope at nagbigay naman ako ng daan sakanya. Habang nakatingin siya sa telescope ay dumayo ako doon sa may mga bean bag at umupo doon.
May maliit na table sa gitna nung 2 bean bag at may onting mga pagkain roon at inumin, nilapag ko saaking tabi ang bag ko at nilabas ko ang telepono ko para picturan ang tanawin. Naaninag ko naman si Ash na bumalik ata sa kaniyang kotse at mukhang may kukunin roon.
Bumalik si Ash at umupo roon sa katabi kong bean bag. "How did you know this place?" Tanong ko sakanya, "My lolo used to bring me here when I was young before.... before siya nagkaroon ng 2nd family.... bago niya kami tinalikuran," nag-dadalawang isip niyang sinabi. "Sorry," ngumuso ako. "No, it's okay," sagot naman nito. Tumango nalang ako sakanya at binaling ko na ang tingin ko sa tanawin.
Napag-isip kong tumayo at lumapit doon sa parang fence nung porch. Hinahangin ang buhok ko kaya agad akong naghanap ng panali ng buhok sa bag ko, ngunit wala akong nakapa. Hinawi ko nalang ang buhok ko at hinawakan nalang ito. Narinig ko ang mga yapak ni Ash sa likod ko at nagulantang ako nang bigla niyang inagaw ang buhok ko sa pagkakahawak ko dito. "Wag n-" bigla siyang sumingit sa kalagitnaan ng pagsasalita ko, "Shush now, don't worry I know how to do this," aniya habang tinatali ang buhok ko. "Bakit ka may hair tie? Ginagawa mo to sa ibang babae no? Pwes kung effective sakanila yang ganan-ganan mo, saakin hindi," nginiwian ko siya bago ko siya ulanan ng mga tanong. "Ganan ba tingin mo sakin? Can't i have girl cousins?" Aniya habang hinarap ako sakanya at hinawakan niya ang magkabila kong braso. Nanginig ako sa ginawa niya, kalaunan naman ay binitawan niya rin ang pagkahawak saakin.
Maya-maya lang ay nagyakag na siya umuwi, "Let's get you home now, it's getting late. Baka mag-alala ang mga magulang mo." Pagpapaliwanag niya sakin. Tama naman siya baka mag-alala sina mama sakin, pero wala naman gaanong pakielam sina mama sa mga ginagawa ko at sa dorm na naman ako nakatira. Sinabi ko na sa taft lang ulit ako, mga ilang oras makalipas ay nakarating na rin kami doon.
Agad akong bumaba ng kotse niya at kinawayan siya, "It's nice being with you," aniya habang nakangiti siya. Napatulala ako at nginitian nalang siya, kinawayan ko siya at maya-maya lang ay isinalang niya na ang kotse sa daan.
Nang makarating ako ng dorm ay dali-dali akong nag-ayos at nung nakaayos na ako ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakatingin ako sa kisame at inalala ko ang mga nangyari kanina, kumabog ulit ng sobrang bilis ang puso ko at napahawak ako dito. Hindi ko dapat maramdaman itong mga nararamdaman ko ngayon.
Maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok.
Kinabukasan ay wala akong pasok kaya ang pakay ko ay pumunta ng mall at mamili ng mga supplies. Nang makarating ako ng mall ay unang bumungad sakin ang sikat na milktea shop, may namataan akong familiar na pigura ng tao kaya agad akong nagtago at tinignan ito sa malayo.
Nakita ko si Ash na palabas doon, nang makalabas siya ay agad na may bumuntot na babae sakanya at hinawakan pa niya ang braso nito. Tinakpan ko ang bunganga ko dahil bahagya itong nakabukas. Binalik ko ang tingin doon sa kanilang gawi kaya naman ay nagtama ang tingin namin ni Ash, nang makita niya ako ay agad niyang hinawi ang kamay ng babae na nakahawak sa braso niya. Dali-dali akong umalis doon at hindi ko na ulit siya nakita. Naguguluhan ako, akala ko ba wala siyang girlfriend??
Nagtagal-tagal ako sa mall dahil marami akong nabili. Naisipan ko na bumili muna ng inumin sa Serenitea bago ako tuluyang umalis at bumalik sa dorm. Maraming ideya ang pumasok sa isip ko sa mga nakita ko kanina. Dapat pigilan ko na ngayon ang nararamdaman ko, bago pa lumaki ito. Tumigil ako saglit sa may foot bridge at biglang tumingin sa abalang syudad. Hindi mapawi sa isip ko ang mga nakita kanina, napakapit ako sa sentido ko dahil hindi maprocess ng utak ko ang nangyari kanina. Napapikit ako saglit pero agad naman akong namulat ng biglang may yumakap sakin galing sa likod ko, "Don't move, saglit lang 'to. Una at huling beses ko itong gagawin sayo," Aniya bago pumikit saglit. Binaling ko ang mata ko sakanya at napagtanto ko na si Ash ito. "I wan't to feel the warmth in your shoulders," aniya habang pinatong ang kaniyang ulo sa may balikat ko. May nagbabadyang mga luha sa mata ko dahil sa mga sinabi niya, alam ko kung bakit.
Ang tanging hiling ko lang ay tigilan mo na ako dahil alam ko na dadating ang araw na hindi ko na mapipigilan ang nararamdaman ko, hahayaan ko nalang sumabog ito. Ayokong mangyari yun.
YOU ARE READING
Before You Go (Before Series #1)
RomanceAsh meets his total opposite, Ianne, and happens to fall inlove with her. Their difference is what brought them together, but will it also be a reason for them to fall apart?