K W A T R O

30 0 0
                                    


"Ma."

Hindi pa rin niya tinatanggal ang titig kay Patrick na marahang napapikit dahil marahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.

"I told you I'm sorry."

Napapikit pa rin ng marahan ang lalaki, sabayan pa ng pagkunot nito ng noo.

Anong pinag uusapan nila at bakit ito nag sosorry?

Pinaglaruan ni Shy ang mga daliri niya. She can't help but to eavesdrop. Umaandar na naman ang pagka chismosa niya.

Patrick glanced at her way at kumunot lalo ang noo nito ng napansin na tinititigan niya ang lalaki. Agad itong tumalikod at naglakad patungo sa malayong parte ng mesa nila.

Family problem siguro.

Nagkibit balikat na lang si Shy at nagpatuloy sa pagkain. Pero panaka naka pa rin niyang tinitingnan si Patrick.

Pasulyap sulyap ba.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik si Patrick. Akala nga ni Shy na uupo ito at magpapatuloy sa pagkain pero nagulat siya ng kinuha nito ang gitara na nakasandal sa gilid ng upuan nito at dire diretsong umalis.

Shy was left in their table, feeling lonely. Charot.

Tulad ng ginawa iya sa event, sinundan lang niya ng tingin ng lalaki patungo sa labas ng fast food chain. But the truth is, she was just stopping herself na sundan ang lalaki. Nangangati kasi ang paa niya at lumalabas ang pagiging chismosa niya, na naman,

Until she made up her mind at dali daling inubos ang pagkain na inorder.

Maabutan pa niya siguro si Patrick kung saan ito tumungo. At first, nag tatalo pa ang inner self niya kung susundan niya ba Ito o hindi, pero mas nananig ang konsensya niya ng maalala ang mukha ng lalaki bago ito kumaripas palabas.

It's like he was wounded, Parang ang lungkot lungkot ng mga chinito niyang mga mata. Baka, teka lang.

Is he suicidal?

Hala, baka may plano yung tumalon sa tulay? O di kaya sasali sa mga frat wars dyan sa may kanto?

Sinundan niya si Patrick kahit na nangangatog na ang binti niya ng makita niya itong lumiko sa isang madilim na eskinita.

Ano Shyeena? Susunod pa ba tayo? Tuloy pa ba ang pag babalak mong maging bayani at iligtas imbes na asawahin ang chinitong yon?

Neverminding the fear, sinundan parin ni Shy si Patrick. Nga lang, halos magka dapa dapa siya sa pagtatago sa tuwing lilingon ang lalaki sa likuran nito, siguro nararamdaman na may sumusunod sa kanya.

Habang sinusundan niya si Patrick, hindi niya napansin ang isang malalim na kanal. Mabuti na lang at naging alerto siya kaya nakaiwas naman siya kahit papano. Pero hindi niya naiwasan ang plastic bag na nakaharang sa daanan niya na siyang dahilan ng pagkakadapa niya causing Patrick to turned on her side and this time, hindi agad siya nakapagtago dahil nanatili pa rin siyang naka dive sa malamig na kalsada.

A Night With YouWhere stories live. Discover now