S I N G K O

24 0 0
                                    

Malamig na gabi sabayan pa ng malamig na sahig ng kalsada. Kung wala lang ang mainit na titig ng lalaking nasa tapat niya ay siguro nanginig na siya sa lamig.

Para siyang nanliliit dahil sa titig ng matang chinito ni Patrick. Mainit pero hindi yung pang erotica, mainit to the point na ramdam niya ang unti unting pag alab nitong galit.

Wala na, finish na.

Napurnada na ang plano niyang maging hero dahil siya mismo, nangangailangan ng tulong.

"Hi."

Nahihiyang sabi ni Shy, sabayan pa ng maliit na kaway kay Patrick. Sakaling umubra ang pagpapa cute niya at tulungan siyang tumayo.

Pero hopia na naman ang ate girl niyo, tinaasan lang siya ni Patrick ng kilay.

Shy frowned and later, raised her eyebrows too. Pataasan sila kung ganun.

Obvious naman siguro na nangangailangan siya ng tulong diba? Baka naman di alam ng lalaki yung body language o sadyang di lang talaga gawain ni Patrick ang pagiging gentleman.

Pero pucha, bumuntong hininga na lang siya and swallowed her speculations about Patrick being 'Ungentleman' and asked for his help.

Bahala na. Mahapdi na kasi yung tuhod niya dahil sa pagkakadapa. She raised her hand para sana iabot kay Patrick para matulungan siyang tumayo but Patrick just stared at her hand na parang ito ang pinaka nakakadiring bagay sa mundo.

"Patulong naman oh." Sabi ni Shy sabay wagayway sa kamay niya.

"Help yourself up. Kagagawan mo yan. I won't help you." Walang kurap kurap na sagot ni Patrick na talagang nagpagulat kay Shy.

Akala niya nagbibiro lang ang lalaki pero ng umabot ng ilang minuto na nakadapa siya sa malamig na kalsada ay na realized niya na wala talagang balak ang lalaki na tulungan siya.

Napaka gentleman talaga.

Left with no choice, unti unting bumangon si Shy kahit na mahapdi yung tuhod niya kaya inunti unti niya ang pagbangon, nagbabasakaling maibsan man lang ng kahit kaunti ang sakit.

"Tsk." Umiiling na lumapit si Patrick sa kanya at inalalayan siyang tumayo.

"Oh akala ko ba 'help yourself up'?! Bakit mo ko tinutulungan?!"

"Nakakaawawa ka kasi tingnan." Simpleng sagot ng binata na nagpairap kay Shyeena pero nabitin sa ere ang mga mata niya ng bumaba si Patrick at tinapik ang likod nito.

"Sampa na."

A Night With YouWhere stories live. Discover now