K A T O R S E

9 0 0
                                    

“Palakpakan mo naman ako sa speech ko oy!” Shyeena joked.

May pahampas hampas pa siya sa balikat ni Patrick na akala mo ay close na close na talaga sila.

Inirapan lang siya ni Paatrick at inagaw sa kamay ni Shyeena ang gitara. Baka kasi ihampas pa sa kanya ang gitara niya. Napakabrutal naman kasi ng babaeng ‘to.

Nanghahampas pag may nakitang oportunidad na manghampas.

“You ruined the mood by the way.” Imporma ni Patrick. Ang ganda naman kasi ng takbo ng usapan nila kanina tapos biglang maghihingi ng palakpak. Parang timang lang.

“Ang seryoso kasi natin, di ako sanay.” Dahilan ni Shyeena. Pero sa totoo lang, she just wants to lighten the mood.

Ayaw niya kasing nakikitang nalulungkot ang papi niya. Pero as usual, inirapan lang siya ni Patrick. Sarap nga dukutin ng mata eh, tapos puso na rin. Chos.

Pero bago niya asarin si Patrick, biglang bumuhos yung malakas na ulan. Ang nakakainis pa, may tulo yung bubong ng waiting shed na inuupuan nila kaya di niya mapigilang tumili sa pagkabigla ng may tumulong tubig na bumagsak sa balikat niya. Ang lamig kasi.

“May tulo pala dito.”reklamo ni Shyeena habang sinusuot yung flannel na hinubad niya nasa bewang niya.

“Usog ka dito para di ka mabasa” suhestyon Patrick matapos itong umusog sa gilid para bigyan ng espasyo si Shyeena.

Napatingin muna si Shyeena kay Patrick bago siya umusog sa tabi nito. Di makapaniwala na sumiksik talaga ito sa gilid para makasilong siya.

Bat ba naman kasi may sira tong bubong ng waiting shed nato?! But on the other hand, she was thankful na may tulo ito kasi she got a chance to be closer with Patrick.

“Meow”

Babanat na sana siya ng biglang may ngumiyaw sa paanan niya. Yumuko siya only to see a cute black kitten na pilit sumusuksok sa paanan niya na para bang naghahanap ng warmth galing sa kanya dahil sa panggiginaw.

“Hala ang cute mo naman! Tsaka basing bas aka pa!” sambit ni Shy at inangat ang kuting para kargahin. Lihim siyang nagpasalamat na kaunti lang yung putik na nakadikit sa katawan ng kuting at hindi din ito mabaho.

Meanwhile, Patrick can’t stop his gaze while looking at Shyeena na tuwang tuwa sa kuting. Binibaby-talk nya pa ito habang hinahaplos haplos ang itim nitong balhibo.

“Di ka natatakot na may dala yang kamalasan?” Tanong ni Patrick ng maalala ang sinabi ng kasambahay nila na malas daw ang dala ng itim na pusa.

Hearing his question, Shyeena just laughed and took off her flannel. Nangiginig kasi yung kuting dahil sa lamig. She’s sure na di nito kaya ang lamig kasi kuting pa ito. Di nga nito maidilat ang isang mata.

Ngiyaw lang ito ng ngiyaw.

“Di na ko matatablan ng malas na yan. Immune na ko.” Sagot ni Shy habang binabalot nya ang nanginginig na kuting ng kanyang flannel.

Pasulyap sulyap naman siya kay Patrick kasi naaasiwa siya sa pagtitig nito na may kasama pang pagngiti. Di niya alam kung sa kanya ba to naaaliw o sa kuting na hawak niya.

“Gusto mo kargahin?” alok ni Shyeena pero umiling lang si Patrick saying that he’s good. Para naman kasing aliw na aliw si Shyeena sa kuting na naisip niya na pabayaan na langg ang dalaga sa pagkarga ng kuting.

Tiningnan lang nila yung langit na patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Parang matatagalana ang pag tila nito dahil sa lakas ng buhos.

Hinay hinayng inangat ni Patrick ang kamay niya at tinapat sa mismong tulo na galing sa bubong.

“Di naman umulan kasi kumanta ako diba?” out of nowhere na tanong ni Shyeena.

She doesn’t have a talent in singing pero she can sing. Determinado pa nga siyang tanggapin yung mic na inalok ni Patrick kanina sa event kung di lang siya inunahan nung impaktitang pabida na yun. And she can’t help but to feel irritated sa tuwing naaalala niya yung nangyari.

“Sa tingin mo?”walang kwentang sagot ni Patrick.

Natatawa nga siya sa tinanong ng dalaga. Talagang sinisi pa ang sarili sa pag buhos ng ulan. Well, di rin naman pangit ang bose ng dalaga at hindi rin naman maganda. Sakto lang kumbaga, ang importante nasa tono ito at hindi masakit sa tenga.

“Sa tingin mo?” Shy made a face and mocked him which made Patrick laughed.

Parang timang naman kasi. Shy continued to make weird faces that made Patrick laughed even more. Tinitigan lang ni Shy si Patrick habang tumatawa ito. Parang babaw kasi ng kaligayahan nito. He looked care-free and calm. Parang ang saya saya nito na pinagmumukha niyang timang ang sarili niya.

And finally, after how many minutes natapos na din si Patrick sa katatawa. Di nga niya alam sa sarili niya kung bakit aliw na aliw siya kay Shyeena. Maybe dahil kumportable siya sa presensya ng babae kahit pa kung ano ang sinasabi at ginagawa nito.

“Alam mo ba, di ko pa nararanasang maglaro sa ulan.” Amin ni Patrick na nagpagulat kay Shyeena.

Lumingon ito kay Patrick at di niya alam kung matatawa ba siya o maaawa sa narinig.
Gaaano ba ito ka sheltered? Halos nakagawian na nga niya ang maligo sa ulan nung bata pa siya kasama yung mga pinsan niya.

Paborito nga nilang pagliguan yung sa ilalim ng bubong ng kapitbahay nila na alam naman nilang may mga  dumi ng pusa at kalapati. Pero itong lalaking kasama niya, di pa nararanasan yun?

“Wala ka bang childhood?” di mapigilang tanong ni Shyeena na halos pagsisihan niya ng makitang malungkot na ngumiti si Patrick.

“I was sick. Patpatin nga ako nuon kaya andaming bawal sakin. I was homeschooled at kung di ko pa nakumbinsi yung mommy ko, I’m sure di ako pumapasok sa regular school.” Patrick said while putting down his hand and wiped it on his jeans bago niya hinaplos haplos ang munting kuting na ansa kandungan ni Shyeena.

Di naman mapigilan ni Shyeena na maawa patapos marinig ang sinabi ni Patrick. Gustong paniwalaan ni Shy na siguro ganun lang yung mommy ni Patrick kasi nag iisang anak lang ito pero unica hija din naman siya ng pamilya niya pero pinapayagan naman siya ng mama niya na maging isang bata.

So she concludes na it was because of different ways of parenting.

May iba’t ibang ways naman kasi ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak nila. Some will see it as bad or strict but we can never judge a parent sa mga pinag gagawa nila sa mga anak nila because they only do what they think what’s best for their kids.

And she can’t help but think kung ano yung mga di pa nararanasan ng binata.

Inayos muna ni shyeena ang flannel na nakapalibot sa kuting bago siya tumayo at nilapag ito sa gilid na walang tulo at kung saan andun din yung gitara ni Patrick. Pinagpag muna ni Shyeena ang magkabilang kamay niya bago niya ito inihalad sa binata.

While Patrick on the other hand was dumbfounded kung anong plinaplano ni Shyeena. He was thinking twice but seeing Shyeena’s determined face, ha can’t help but to reached out for her hand and let her do her thing kahit na di niya alam kung ano na namang gagawin ng dalaga.

But whatever it is, alam niyang di siya pababayaan ng dalaga because at this moment, at this not so romantic and serene moment, she was his only reverie.

A Night With YouWhere stories live. Discover now