"Thank you ha." Shy said raising her hand in the air gesturing Patrick to have a high five with her but Patrick just cringed and handed her the bottle of alcohol.
"Arte." Sambit ni Shy at kinuha na lang yung alcohol at agad nilagyan ang mga kamay niya.
Mas nakakahiya pala yung nasa ere yung mga kamay mo dahil di tinanggap ang high five. Sign of friendship kaya yun.
Tsaka, sino naman yung magiging masaya na maiwan sa ere? Wala naman ata.
"Sino ba naman kasi yung matinong tao na bagong labas sa cr na makikipag apir diba?" Sagot ni Patrick, narinig ata ang sinabi ni Shy.
"Ako, ako yung matinong tao na yun." Shy said and made a face. She just utter her thanks silently to the cashier na inaantok pa rin sa counter.
"San tayo?" Tanong ni Shy pagkalabas nila sa convenience store. Feeling energized ang lola niyo, akala mo naman nakapag recharged sa banyo.
"Anong 'San tayo?' uuwi na kamo tayo sa bahay natin." Sagot ni Patrick na para bang ang bobo ng pagkakatanong ni Shy.
Tinakpan naman ni Shy ang bibig niya at tsaka eksaheradang lumaki ang mata sa gulat.
"Naks naman! ngayon nga lang tayo nagkakilala, gusto mo na akong i live-in?!" Panggagago niya.
Inirapan lang siya ni Patrick at inunahan siya sa paglalakad.
Dapat niya atang bilangin kung ilang irap ang natatanggap niya sa lalaki. Grabe, sobrang 360 degrees yung ikot ng mata! May pa workshop ba si kuya? Paturo naman oh! Chos!
"Pero seryoso, san nga tayo?" Pangungulit niya. Hinabol pa niya ang lalaki, effort pa yung lakad niya na semi-takbo na ata kasi napaka haba ng bias ng Irap King na to.
"San yung inyo?"
"Oy grabe, meet the parents na ba ito? Di pa nga kita sinasagot eh!"
"Alam mo, wala kang kwentang kausap."
Shy just laugh. Halata naman kasing napipikon na si Patrick sa mga sagot niya. Sarap din naman kasi nitong pag tripan.
"Apakasungit mo naman. Kala mo may kwentang kausap." Bulong ni Shy. Mahirap na, baka marinig ng lalaki tas sungitan na naman siya.
"Ayaw mo bang umuwi sa inyo?"
Humarap sa kanya si Shy at nagkibit balikat.
"Ewan. Di pa ako ready eh." Sagot ni Shy sabay lakad patalikod.
Totoo naman kasi, di siya sigurado kung gusto ba niyang umuwi ngayon. Natatakot siya tsaka di rin niya alam kung anong isasagot nya sa parents nya kapag nalaman nila kung anong ginawa niya kaninang hapon bago siya umattend sa booksigning.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Patrick.
"Ikaw ah, curious ka na sakin. Crush mo na ko nyan?"
Humalakhak si Shyeena sa irap ni Patrick. Grabe, pag napipikon talaga tong gwapong to, irap agad ang initial reaction.
"Wala talagang kwentang kausap."
Katahimikan.
Patuloy pa rin sila sa paglalakad sa madilim na kalsada, tanging ang sinag ng buwan lang ang nagbibigay sa kanila ng liwanag.
It's past 12 am na rin kaya medyo wala ng dumadaang sasakyan sa kalsada. Unti unti na ring lumalamig ang simoy ng hangin.
"Ikaw ba gusto mo ng umuwi?" Tanong ni Shy. Naglalakad pa din siya paharap kay Patrick.
Malungkot lang itong ngumiti bilang sagot. Para namang bumigat ang atmosphere sa paligid nila.
Napahinto tuloy siya sa paglalakad causing Patrick to stop walking rin.
Sana pala di na lang niya tinanong si Patrick. Nakakalungkot tuloy tingnan na malungkot yung crush niya.
Well, wala naman talagang tao na di nakakaramdam ng lungkot. All of us have our own sufferings, all of us have our own sadness. Nasa atin lang naman kung pano natin yun dinadala. Talo ka nga lang pag pinili mong ilunod ang sarili mo sa kalungkutan.
"Edi walang uuwi sa pamilyang 'to." Sabi ni Shy.
Tinitigan lang siya ni Patrick, di makapaniwalang sinabi niya yon.
"Ayokong umuwi tas ayaw mo ring umuwi, edi maging palaboy muna tayo ngayong gabi." ngumiti pa siya para convincing ang pagkakasabi niya.
Ewan. Pero di niya gustong iwan si Patrick na nag iisa. Kasi diba, suicidal ito sa paningin niya? Sinundan nya na rin naman niya ang lalaki, might as well samahan niya na rin lang ito. Kahit na palagi na lang siya nitong iniiripan at sinusungitan.
"Di na tin alam baka madevelop feelings na tin sa isa't isa diba?" sambit ni Shy sabay kindat pa sa kasama niya.