"Hala beh! Kinawayan niya ako!"
Napangiwi si Shy sa lakas ng pagkakahampas ni Jem sa balikat niya. Kanina pa parang uod na binudburan ng asin si Jem dahil sa kilig na dala ng isang rising author ng bansa, si Franco o mas kilalang "SexyJ." Hindi magkamayaw ang kaibigan niya habang naglalakad sila patungo sa assigned seats nila para sa booksigning na dinaluhan nila.
Hindi na nga niya mabilang kung nakailang hampas na ang kaibigan niya sa kanya dahil sa kilig na dala ng manunulat.
At ang bruha! Tuwang tuwa ng iginiya sila ng isang facilitator sa upuan malapit sa pwesto ng kinauupuan ng manunulat. And what to expect? Syempre hindi na matanggal ang kilig sabayan pa ng pagiging brutal ng kaibigan niya.
Para ng naiihi sa kilig si Jem habang si Shy naman ay parang na a- out of place sa matinding sigawan at hiwayan ng mga fans ni Franco.
"Saang hotel kaya nag i-istay si kuya Franco?"
"Samin tumutuloy yan. Pinakilala ko na nga kina Mama."
"Ay ano ka ba! Ilusyunada mo talaga! Samin yan tumitira! Live in kami nyan!"
"Eh bakit siya andun samin kagabi?"
Napalingon si Shy sa narinig. Naabutan niyang nag fa-fangirl ang dalawang bagets habang nagtatalo kung saan tumutuloy si Franco.
Seriously?
They would really go this far?
Napailing na lang siya. She's a certified Wattpader, alright. Pinagnanasahan niya rin ang mga paborito niyang lalaking manunulat at nakikipagpatayan sa pagpindot ng heart react sa mga post sa Instagram at status sa facebook, nagbabakasakaling ma notice man lang.
But not now.
Siguro nga may iba't ibang taste ang mga babae sa mga lalaki. Some girls like those 'pa cool boys', some like those nerds with thick and boring glasses. Pang wattpad kumbaga. But with her case? She like those bad looking boys with oozing sex appeal that could make every woman's panties wet.
Pero char lang!
Kahit mabait keri na. Tsaka mapagmahal at mayaman. And lastly, hindi gumagamit ng japan japan pose at hindi pa cute.
Nakakainis kasi.
Kaya siguro siya tahimik at parang tuod sa kawalan ng gana. She's not usually quite. Nabansagan nga siyang 'professional madaldal' dahil sa walang tigil niyang salita. Pero ngayon? She can't help but cringed at the sight of Franco doing that japan japan pose and trying to be cute in front of his hundred fans.
Excluding her.
Ni hindi nga niya kilala ang manunulat mismo at hindi rin niya nababasa ang mga gawa nito.
Kaya why is she there in the first place, by the way?
Simple lang, she collects books with signatures in it kaya kahit di nila alam ni Jem kung sino at ano ang genre ng sinusulat ni Franco ay go agad sila. Tsaka na stalk din nila ito sa facebook at nakita na gwapo talaga ito kaya push na push sila. At parang natuluyan na si Jemimah sa pagiging fanatic ng manunulat na ito.
Di naman akalain ni Shy na nasobraan sa pa tweetums itong Franco at parang kasali sa MNL48 sa pagpapa cute nito sa mga readers.
Sayang, gwapo pa naman.
Malandi mode: Deactivated
"Okay guys, I need you to calm down because we will start our program." Sabi ng master of ceremonies na namumukhaan niya dahil ito din ang naging MC sa nakaraang booksigning na nadaluhan nila ni Jem.
Medyo kumalma naman ang mga readers kabilang na si Jem na parang nakalaklak ng isang dosenang energy drink dahil sa pang malakasang energy.
"Guys, we would like to introduce to you, the author of 'The Sexy Beast and I,' Franco Garcia also known as 'SexyJ'!"
Napatakip na lang si Shy sa magkabilang tainga para maiwasan ang pagka bingi. She knows she need to keep up with these readers and at least, pretend to be happy and participative para naman hindi masayang yung bayad niya. 550 din yun.
"Shy!"
Nilingon niya ang kaibigan at hinanda ang kamay pandepensa sa balikat sakaling manghampas na naman.
Sympre mas mabuti na yung prepared.
"Dapat nasa unahan din tayo sa pila ha! Yakapin natin si Franco!"
She just nodded and hide her cringe. Ghad! Papa sign na lang siya tapos kaunting picture para remembrance at pang inggit na rin sa mga kapwa niya wattpader.
Hug? No thanks.
Madami pang sinabi ang MC at wala siyang ibang ginawa kundi ang tumango ng tumango at nagpapanggap na interesado sa kanyang mga pinagsasasabi. She bet wala talagang nakikinig dito dahil sa excitement at feels na nararamdaman ng mga readers na nandun.
Napansin niyang may lumapit sa MC at bumulong. Bumaling ito sa may pintuan at tinanguan ang lumapit na facilitator.
Shy glanced at her wristwatch and saw that it's already past 6 in the evening.
Kumakalam na ang sikmura niya.
Matagal pa ba tong event na 'to?
"We will distribute first your dinner and then, we will proceed to the games that will be facilitated by our officers."
The staffs started to give their styro contained with foods at hindi mapigilan ni Shy na ngumisi ng buksan niya ang styro. Agad niyang kinuha ang plastic fork at tinusok ang karne sabay amoy nito.
Oh! Food!
"And of course, para maging mas masarap ang kain niyo, we invited, well, one of our facilitator invited someone to serenade us!"
Kasabay ng pagpalakpakan ng mga tao ay ang pagpasok ng isang lalaki na may sukbit na gitara sa likod. Sinabayan pa ito ng mga iilang sigawan na agad din namang humina ng sawayin ng mga facilitators.
"Hi."
Agad nag angat ng tingin si Shy ng marinig ang medyo husky na tinig ng lalaki. Nabitin sa ere ang plastic fork at napanganga dahil sa pagkahanga.
He's wearing a white polo shirt and faded blue jeans. Bagay din sa kanya ang mamahaling black rubber shoes na may malaking check mark sa gilid. His hair is slightly disheveled dahil siguro sa pagmamadali o sadyang style niya yon at may maliliit na butil ng pawis sa noo. He's got chinky eyes at mas nadepina ang mukha nito dahil sa tangos ng ilong at pormadong mga panga.
One glance at him at masasabi mong mayaman dahil sa tindig at pormahan.
Let's see kung mahilig din ba itong mag japan japan pose.
"You'll serenade us, right?" tanong ng MC
Ngumiti lang ang lalaki exposing his deep dimple.
Malapit lang din ang kinatatayuan nito sa table ni Shy kaya amoy na amoy niya ang pabango na ginamit nito. Hindi matapang, hindi rin masyadong pa tweetums, sakto lang kumbaga.
"Patrick start ka na."
Rinig niyang sabi ng isang babaeng facilitator, ito ata ang nag imbita sa lalaki.
Patrick, huh?
Umupo si Shy ng maayos paharap kay Patrick. Her full attention on him. Hindi alintana ang kumakaway na amoy ng karne na nabitin sa ere. Hindi na rin naman siya nakaramdam ng gutom.
Patrick started strumming a familiar song, LANY's ILYSB. The MC gave him the microphone but Patrick refused, saying that he couldn't sing but the Master of Ceremonies insisted kaya napipilitan man, kinuha ni Patrick ang mic at laking gulat na lamang ni Shy na sa kanya inabot ni Patrick ang microphone.
"Will you?"