Matapos marinig ni Shyeena yung sinagot ni Patrick ay hindi nito maiwasan na hindi maintriga sa lalaki.
How can someone like him na matino sa unang tingin ay nakagawa ng makakadisappoint sa magulang? Well, you can’t really judge a book by its cover. Siya nga nga na parang anghel kung titigan pero bulakbol pala sa klase. Chos.
Paulit ulit niyang nilingon si Patrick. Kating kati na kasi yung dila niya na tanungin kung anong ginawa ng binata.
“Something’s bothering you?” tanong ni Patrick.
Kanina pa kasi pasulyap sulyap si Shy sa kanya na tipong naiilang na siya. Obvious naman kasi na gusto nitong magtanong tungkol sa sinabi niya.
“Ayaw ko lang kasing manghimasok, pero-
“You wouldn’t be here with me kung in the first place ayaw mong manghimasok.”putol ni Patrick kay Shyeena. Ayaw daw manghimasok pero sinundan siya nito at kung ano ano pang pinag gagawa. Natawa na lang si Patrick sa naisip.
“Alam mo, ang chaka ng ugali mo.” ingos ni Shyeena. Parang bumabalik na kasi yung pagka masungit ng lalaki. Free trial lang pala yung kanina. Kailangan ng mag subscribe ulit.
“Nagsasabi lang ng totoo.” Sagot ni Patrick habang inaayos yung lalagyan niya ng gitara.
“whatever.” Irap ni Shyeena na nagpatawa kay Patrick.
Teka, parang baliktad na ata ang sitwasyon. Si Shyeena na yung umiirap. Kasi naman, di na niya mapigilang di mainis sa ugali ni Patrick. Ang ganda ganda na nung atmosphere kanina, sinira pa ng binata.
“Sige na, magtanong ka na.” untag ni Patrick at nagsimula ng maglakad.
Remembering her question, tumayo na din si Shyeena at sinundan si Patrick.
“Nag drop out ka rin?” kuryusong tanong ni Shyeena.
Pero sa halip na sagutin, tinawanan lang siya ni Patrick bago siya nilingon patalikod.
“Running for latin honors ako.” Sagot ng binata.
Shy just made a face. Eh di siya na yung matalino. Atleast siya, di man running for honors, running away from guards naman siya dahil sa pagkaka cutting.Nakita naman ni Patrick ang reaksiyon ni Shyeena. Halatang tinutukso siya ng dalawa at di niya rin mapigilang tuksuhin ito pabalik.
“Di ka makarelate no? sige, drop out pa.” Tudyo ni Patrick at tumakbo palayo sa dalaga. Sigurado naman kasi siya na kukutusan siya nito.
“Aba’t! ang kapal ng mukha!”’ sigaw ni Shyeena at hinabol si Patrick.
Wala silang pakealam kung para silang timang na naghahabulan sa kalagitnaan ng kalsada at malalim na ang gabi. Ang importante, they feel at ease and calm. Not knowing what will tomorrow bring. They just want to seize and feel the moment. Minsan lang naman kasi.
“Pahiram” Shyenna grabbed the guitar out of Patrick’s hold. Dali dali niyang nilabas ang gitara sa bag at kinuskos ito ng mahina.
Pinabayaan lang siya ng Patrick sa ginawa. Siguro naman alam ng dalaga kung pano mag gitara. Di naman ito manghihiram kung di nito alam kung pano yun gamitin. Masyado kasi siyang nakapukos sa malawak na field na nasa harapan nila.
Matapos nilang maghabulan na parang mga bata, napagpasyahan nilang magpahinga sa isang waiting shed di kalayuan sa inuupauan nila kanina, Wala pa talaga silang balak umuwi. Kahit di man nila sabihin, they know, deep down, na nag eenjoy sila sa presensya ng isa’t isa.
Shy on the other hand, started strumming the guitar and played a familiar song of EraserHeads.
“Lift your head,
Baby don’t be scared,
of the things that could go wrong along the way,
You’ll get by,
With a smile,
You can’t win at everything
But you can try,”Di naman mapigilan mapatitig si Patrick sa dalaga. There’s something in Shyeena’s voice that could make you feel at ease.
Kasing lamig ng hangin na humahampas sa kanila ang boses nito. Nakapikit pa ito habang kumakanta kaya di niya rin napigilan ang sarili niya na sabayan ang dalaga.
“Lift your head,
Baby don’t be scared,
of the things that could go wrong along the way,
You’ll get by,
With a smile,
Now it’s time kiss away those tears goodbye…”Sabay nilang kanta. They just literally sang their hearts out.
“Minsan nakakatakot talaga magkamali no?” Biglaang tanong ni Patrick. Tumingala pa ito at nagbuntong hininga, letting his frustrations go out.
“Nakakapagod din yung parang parati kaliangan meron kang patunayan, Na kailangan mong panindigan yung mga sinasabi ng mga tao sayo. Na parang malaking kasalanan pag na disappoint mo sila.” Napapikit na lang si Patrick.
Ramdam niya kasi yung bigat ng dibdib niya. Na para bang ngayon lang ito nabigyan ng pagkakataon na maramdaman lahat ng bigat na pilit niyang iniiwasan noon.
Shyeena didn’t know what to react. Kumakanta lang naman kasi sila kanina tapos may paganitong ganap na.
Dahil ba to sa mala anghel niyang boses? Na napapalabas ni Patrick yung hinanaing nito? Sana pala kanina pa siya kumanta.
“Wala namang masama kung magkamali ka minsan. You just need to do whatever makes you happy para kung di man maganda yung kinalalabasan, masaya ka parin kasi nagawa mo yung gusto mong gawin, yung bagay na nakakapagpasaya sayo.” Sabi ni Shyeena tapos nilingon si Patrick na hanggang ngayon nakatingala parin at nakapikit.
Masyado bang mabigat ang pinagdadaanan nito?
“Kung successful ang resulta, edi maayos. Pero pag nagkamali ka, just charged it to experience. Learn from it tapos subok ka ulit.” Dagdag niya.
“Di ka ba natatakot sa magiging reaksiyon nila pag nalaman nilang sinuway mo sila?” Dumilat si Patrick at nilingon ng patagilid si Shyeena na agad din namang ngumiti sa tanong niya.
“Ang importante, pinili ko yung anong makakapagpasaya sakin. I’ll face the consequences. Ang mahalaga, wala akong pinagsisihan. Alam mo yun? YOLO?” Sagot ni Shy at nagkibit balikat.
Sa totoo lang, di naman bago sa kanya na makita yung mukha ng pamilya niya na disappointed sa mga pinag gagawa niya sa buhay niya.
“Just take the risks. Ang iksi lang naman kasi ng buhay para making ka sa mga sinasabi ng ibang tao lalo nat alam mo kung ano yung gusto mo diba?” ngumiti si Shy at tinapik sa balikat si Patrick, pasimpleng chansing na rin bago nagpatuloy. “Di ko alam kung ano man yang pinagdaanan mo but all I can say is that Life is always a choice and it’s up to you kung hahayaan mo ba silang diktahan ka sa mga desisyon mo sa buhay. You are the main character of your story. Do whatever it takes to have the happy ending you deserved.”
Gustong palakapakan ni Shyeena ang sarili matapos niyang sabihin lahat na iyon kay Patrick. Patrick on the other hand, genuinely smiled at Shyeena.
Parang naliwanagan kasi siya sa mga sinabi ng dalaga sa kanya. He knows that meeting Shyeena is not an accident, fate brought them together for a reason.
And whatever reason is that, alam niya na di niya ito makakalimutan at pagsisisihan.