4

971 16 4
                                    

(Steph’s POV)

*alarm*

……….!!! Ano ba naman! Ang ingay!

Kinapa ko yung phone ko underneath my bed sheets. Nagpa alarm kasi ako sa umaga na ito kasi may pupuntahan ako. Mag-aaply ako ngayon ng trabaho. Pagkatapos kasi ng trahedya na nangyari sa buhay ko, I lost interest in life lalong-lalo na sa trabaho ko. Kaya, I quit my job. Pero ngayon, napag-isip-isipan ko na dapat akong magtrabaho para sa baby ko. Hindi naman siguro tama kung ang lahat ay i-aasa ko lang sa mga in-laws ko. Although sinabi naman nilang they are willing to help me raise my child, hindi naman ibig sabihin nun ay ipinaubaya ko na sa kanila lahat-lahat. May hiyang natitira rin kaya ako sa balat ko.

Agad akong nag shower at nagbreakfast na rin. Tulog pa si Princess. Sinabi ko na rin kay mommy na mag-aaply ako ng trabaho. Hindi naman nila ako pinigilan. Mabuti na rin daw iyon para naman may mapaglibangan ako at baka sakaling makatulong ito for my fast recovery--- emotionally.

Biglang pumasok si Ynna sa pinto.

“Goodmorning ate.” Bati niya

 Attitude ni Ynna: Biglang papasok sa kwarto ko. Hindi marunong kumatok ee. :3

“O, Ynna. Hindi ka ba papasok ngayon?” tanong ko naman.

She shook her head.

“Intrams kasi ate.”

“Ha? And so?”

“Nah, ate… Boring lang dun. Manonood ka lang ng games. Not my line of interest kaya.”

Kungsabagay, hindi naman talaga mahilig sa sports si Ynna. Kahit na sumasali ito sa mga pageants at naging muse ng mga sports clinic, wala itong kahilig hilig sa sports. Lampa naman talaga kasi ito eh. Sayang nga yung kagandahan. Isa lang ata yung naalala kong sports na ito. Scrabble. May pagka bookworm din kasi ito. Katulad ni Raffa.

“Wala bang attendance?”

“Ewan. Tsaka ate, sinabi ko na rin kina Mia at Ares na kung may attendance checking eh wag na wag nila akong kalimutan. Kung hindi ay itatakwil ko talaga ang mga iyun. Mahiya naman sila sa balat ko. Kung mangyari man iyon, mawawalan talaga sila ng dyosang kaibigan.”

Natawa nalang ako kay Ynna. Naku, ancestor ata ito ni Narcissus eh. Tsk. :3

“Eh what if your teacher found out that you were absent? Baka naman palilinisin ka sa CR as a consequence n’yan.”

I saw Ynna frowned. Alam ko na hinding hindi makakaya ni Ynna yun. She was raised up like a princess. Hindi ito marunong sa mga gawain. Kahit nga simpleng paghugas lang ng pinggan ay di nito magawa. Paano na kaya kung paglilinis pa ng CR?

“Ate, never yung mangyayari. Pustahan pa tayo. Tsaka alam mo ba ate, hindi yun magagawa ng prof naming. Sikat ako eh. Lakas ako kay prof. Palibhasa kasi, crush na crush ako nun. Lakas tama yun sa akin eh.”

MY HIRED KILLER LOVER (Completed) #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon