Epilogue

1K 15 0
                                    

(Steph's POV)

It's been almost 5 years.....

Natapos na rin lahat ng kaguluhan sa buhay ko.

Si Venus.

Sumuko si Venus sa kanyang nagawang kasalanan. Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya ang mga bagay na iyon. Pero humarap siya sa amin noon at sinabing pinagsisisihan na niya daw ang mga kasalanang nagawa niya. Pero nakulong din siya sa malaking salang nagawa niya.

Si Vice Ramon Fortuna.

Nahuli din siya kalaunan ng mga pulis. Pero ilang buwan sa piitan, nabalitaan nalang namin na inatake daw at namatay. Bago siya binawi-an ng buhay, hinarap niya sina mommy at daddy at humingi ng kapatawaran. 

Si Brad.

Ah, si Brad. After nung hearing, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makausap namin ang isa't-isa. Hindi sa ayaw ko siyang makausap, pero hindi pa kasi ako handang kausapin siya knowing na may kinalaman pala siya sa pagpatay kay Raffa. Kasama siyang nakulong pero nabalitaan namin na bailable daw yung kaso niya kaya pagkatapos ng mahigit isang taon, nakalaya rin ito.

Wala na akong balita sa kanya. Ang sabi kasi ay umalis na siya sa Pilipinas at walang may alam kung saan siya pumunta. Wala na rin yung account niya sa facebook. Nawala na rin halos yung mga fans "kuno" niya.

Sweet Haven's Cafe.

Sayang. Ang noo'y isang sweet haven, ngayon ay wala na. 

Si Pinky.

Patuloy siya sa pag-aaral.

Si Therese.

Ayun, patuloy pa rin sa kanyang pagiging malandi to the highest level. Huling balita ko sa kanya ay nakamingwit na naman ito ng basketball player at hey,.. engaged na daw yung impakta. Naawa tuloy ako sa kanyang fiance. Napaka malas. Tsk! Ano nga ba yung pangalan nung player na yun? Ah, Thomas. Hihi

Ako.

Habang ako naman ay kasalukuyang nandito sa States mahigit 5 taon na. I decided to stay here with Raffa's grandparents after what happened. Gusto ko kasing makapag move-on with my life. At naging successful naman ako. Dito sa Canada, I met new friends. I started living a new life. And of course, together with my princess Tiffa.

Kasalukuyang nasa loob ng kotse kami ngayon ni Princess. Ako yung nagmamaneho. Papunta kami sa isang piano concert.

Nga pala, pinapaaral ko si Tiffa dito sa Canada ng music lessons, kabilang na yung piano lessons. So Tiffa can play piano already as early as 6 years old.

Bigla ko tuloy naalala si Brad. Yung sinabi niya sa akin noon na siya ang magtuturo kay Princess.

MY HIRED KILLER LOVER (Completed) #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon