3

913 20 2
                                    

 (Ynna’s POV)

Alam ko kung gaano nasaktan si Ate Steph sa pagkawala ng kuya ko. Pero pinipilit niyang maging matatag para sa amin, lalong-lalo na para kay Princess Tiffa. Hay naku, naaawa na talaga ako kay ate. Bakit ba kasi lahat ng mahal niya sa buhay, nawawala? Kaya nga ako eh, doubtful na kung mamahalin ko si ate. Ayoko pa kasing kunin ni Lord. Hello, like, sayang kaya yung kagandahan ko kung kukunin ni Lord. Tsaka sigurado akong maraming boys na iiyak sa akin. Andami ko kayang suitors. Hay naku, napakaganda ko talaga! Hahahabels. Huwag kayong ma imbyerna sa akin ha. I’m just telling the truth lang naman eh.

Going back, hindi ko kayang hindi mahalin si ate Steph. Mahal na mahal ko yan eh. Parang totoong ate ko na yan. Sisters in blood ba. Bata pa kasi ako ay nakilala ko na si ate Steph. Kaisa-isang anak siya ng cook namin na si Aling Loring. Maagang na biyuda si Aling Loring kasi naaksidente yung asawa niya habang nagmamaneho ng traysikel isang gabi. Mahirap talaga yung pamilya nila. Si ate Steph din ay napakasakitin. Asthmatic kasi siya eh. Lagi nalang itong na-oospital. Kaya naman ay todo kayod si Aling Loring. Hindi namin alam na habang cook siya namin ay nagpapart-time din siya sa paglalabada sa ilan naming kapit-bahay. Nang nalaman ito ni daddy ay pinagalitan siya kasi daw di niya dapat abusuhin yung katawan niya. Pero huli na ang lahat kasi bigla nalang naming napag-alaman na nagka TB si Aling Loring. Yun nga, iniwan na ni Aling Loring si ate Steph at sumama na sa kanyang asawa sa kabilang buhay. 12 years old nun si Ate Steph samantalang 10 yrs old naman ako. 2 years lang naman yung gap naming ni ate eh.

Nagdesisyon sila mommy at daddy na sila nalang yung mag-aalaga ni ate Steph kasi wala na itong mga kamag-anak. Ang saya ko nung nalaman ko yun. Ano? Akala niyo ba maiinggit ako? No way, hindi kaya ako kontrabida dito. Like hello, supporting actress ako sa story na ito ano. Tsaka ang saya ko kasi matagal ko ng gustong magkaroon ng isang ate. Dalawa lang kasi kaming anak eh. Ako at si kuya Scott Raffael, who is 4 years older than me. Pero nasa US si kuya kasama sina lola at lolo. Kaya naman naging playmate ko na si ate Steph. Naging close kami ng sobra-sobra. Like, ganito kami ka close oh.

===> ||

Teka, na bored na ba kayo? Ay naku, huwag kayong ever na ma bored. Ma hurt yung kadyosahan ko. Tsk. Tsaka, ako din yung mag nanarrate sa buhay ni ate Steph dito kaya chill lang kayo diyan. Okay, gorabels, let’s continue…..

Nang dumating si kuya sa US ay naging close din sila ni ate Steph. Nag stay for good na dito sa Cebu si kuya. Kaya dun na nga, nagkaroon na ng lablayp yung dalawa. Naging okay naman sina mama at papa sa kanilang relasyon dahil daw hindi naman talaga magkadugo sina ate at kuya Scott. So go lang ng go. Like Globe? Haha

Tas yun na nga, pagkatapos gumraduate ni ate sa HM ay na engaged na sila ni kuya. Ahm wait, may nakalimutan pala ako. My kuya Scott was running for a position in our town that time. Politician kasi kuya ko eh.

At nangyari yung malagim na trahedya isang gabi. Nung pauwi na sina ate Steph at kuya Scott galing sa OB-Gyne, well, buntis kasi nun si ate 4 months, tinambangan sila. Pinagbabaril yung kanilang sasakyan. Ambush. Yeah, in-ambushed sila. Namatay si kuya. Nakaligtas si ate Steph at yung baby.

Yun ang nangyari. Kaya nagkakaganyan si ate Steph. Parang wala ng happiness. Nang isinilang si baby Princess ay sila lola ang nag-alaga nito sa States. Para na kasing walking dead si ate. Kahit na labag sa loob namin, inadmit namin siya sa MH. Pero, alam naman naming hindi luka-luka si ate. Kung baga rehab lang naman ng isang buwan. After nun ay nagbalik na din sa kanyang lamang lupa si ate. But hindi na talaga siya katulad noon. Minsan na lang siya mag-smile. Nakakaawa. Ipinauwi na rin si baby Tiffa sa amin. Si baby Tiffa nalang yung source ng libangan ni ate. One day she asked our permission to go to Bagiuo. Gusto niya kasing magnilay-nilay.

Okay, we will support you ate Steph.

Ayan na, natapos na din yung storytelling ko. Next chapter na please.

MY HIRED KILLER LOVER (Completed) #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon