Chapter 2

12 3 0
                                        

"Birthday Girl"

Max's POV

lahat kami ay natulala nang makita namin si kim na pumasok sa pinto.she was wearing a blacktube dress na abot hanggang tuhod and a black stilettos.nakalugay lang ang buhok nya and she was just wearing a light make up.

It was just simple yet it cause us to shock.damn.

Minsan lang sya magsuot ng ganyang damit dahil hindi naman ganyan ang pormahan nya.kaya nga lahat kami ay na shock.

"O? Bakit parang nakakita yata kayo ng multo?" ani kim sabay tawa ng parang naiilang dahil napansin nya siguro na kanina pa kami nakatitig sakanya.

Nanatili parin kaming tulala at nakanganga kaya tumikhim na sya sabay sabing "hoy! Umayos nga kayo.kanina pa kayo nakatulala dyan ah? Anong meron?" natatawang sabi ni kim.

Nang makabalik na kami sa reyalidad ay tumikhim muna ang isa sa amin."kim? Is that you?" wala sa sariling tanong ni leighton.

Kaya binatukan naman sya ni tristan."oo gago! Sya lang naman yung susunod na pupunta dito diba?" anas nya.

"aray ko naman! Bakit kailangan pa mambatok?" iritadong sagot ni leigh..

"kasi gusto ko,may angal ka?" sagot naman nung isang gago.

Sasagot pa sana si leigh nang inawat naman sila ni kim."hep hep hep! Tama na yan.birthday na birthday ko nagaaway kayo." tila nagtatampong sabi nito.

"Sorry princess happy birthday." ngiting sabi ni leigh sabay yakap kay kim.

"Happy birthday our princess! Group hug!" masayang bati ni alex kaya nag group hug naman kami.

"Aww mata-touch naba ako nyan?"

"Syempre! Nageffort pa kaya kami dito!" proud na sabi ko.

"princess! Wala pa yung iba kaya magparty muna tayo.maya maya dadating na yung mga yun." ani alex kaya naman nag-party muna kaming nasa club habang wala pa ang ibang mga bisita.

Hanggang sa dumating na yung ibang bisita hanggang sa dumami na sila.nang mapagod na kami sa kakasayaw sa dance floor ay nagpahinga muna kami sa counter at nakipagkwentuhan sa iba pang mga kaibigan namin.hindi namin sila kabarkada,close friends lang.

"Happy birthday kim! O ito gift ko sayo ah? Pero mamaya mo na buksan yan dapat ikaw lang makakita hihi." sabay bigay ni agnes ng gift kay kim.isa sa close friends nya.syempre,hindi naman pwedeng kami lang ang maging kaibigan nya.kahit naman were acting like overprotective kuyas for her,syempre pinapayagan naman namin syang makipagkaibigan sa iba bukod samin.

"thank you agnes! Your the best talaga!" tila tuwang tuwa na sabi ni kim.

"Welcome." ngiting sabi nito.

"Hey kim,pano ba yan? Seventeen kana pero hindi kapa rin ba magboboyfriend?" tanong ni Calvin.ang isa sa mga may gusto kay kim.actually,madami talagang nagkakagusto kay kim.hindi nga lang makalapit sakanya dahil pinupugadan namin.hehe.

"Hoy calvin,tigilan mo nga yang si kim.masyado pa syang bata para magboyfriend.atsaka wala pa sa plano nya yan.diba kim?" lumingon ako kay kim para bigyang patunay ang sinasabi ko.

"Oo nga naman calvin,wala pa sa plano ko yan." pagsang-ayon naman ni kim kaya napakamot nalang si calvin sa batok.

"Grabe ka naman.parang nagtatanong lang eh." ani nito kaya hindi nalang sya pinansin ni kim.

"Wala ka pala dude eh! Ang hina mo sa babae!" nangaasar na sabi naman ni derrick.isa sa mga kaibigan ni calvin."alam mo,mabuti pa maghanap nalang tayo ng chicks dito." aya pa nito.

6 guys and a 1 girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon