Chapter 5

4 2 0
                                    

"Suitor?"

Max's POV

Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon at nakatitig sa whiteboard habang nagdidiscuss ang prof ko sa science.

Oo nakatitig lang,bakit ba? Ayokong makinig eh ---,---

Eh kasi naman,hindi talaga akong makamove-on kagabi.

Akalain mo yun? Nag-late-night-call kami ni kim ^-^

Tapos,nagrequest pa siyang kantahan ko siya.

Hehe ^_^

Pero seryoso,hindi ko akalain na magagawa ko yung ginawa ko kahapon sakanya nung nasa kusina kami.

Damn,ewan ko kung ako lang ba o ano pero parang may naramdaman akong spark nung hinawakan ko yung kamay niya para sipsipin.




Ramdam niya rin kaya?

Ok,ang landi ko na.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko,hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala yung prof ko.

She was looking down at me while brows furrowing with her stick on my table.

Maganda sana tong si Ms. Alvarez kaso nga lang masungit ---,---

"Mr. Carison! Nakikinig kaba sa mga sinasabi ko sa harap?" she said,her brows still arched up.

"Syempre mam,may tenga ako eh." i said sarcastically.

Nagtawanan naman ang lahat kaya naman umirap lang si mam at bumalik sa pagtuturo nya.

Bastos na kung bastos pero nakakainis naman kasi,siya na nga itong boring magturo tapos siya pa yung manenermon kapag hindi nakikinig sakanya yung estudyante niya.

Atsaka hindi niya rin ako kayang pagalitan dahil...

Pwede siyang mawalan ng trabaho ^-^

Kasi,yung parents ko ang isa sa mga shareholders dito ng school.

At may bussiness din kami pati narin lahat kaming magbabarkada.isa din sa dahilan kung bakit naging mas konektado kami sa isa't isa.

Magbi-bussiness partners kasi ang mga parents namin. Actually,lahat kami ay independent na simula nung nag-senior high na kami.

Hinintay ko lang matapos ang klase bago ko kinuha ang bag ko bago lumabas.

Lunch na nun kaya naisipan kong i-text si kim.

To: Kim

Lunch? My treat.

A few moments later,she replied.

From: Kim

Sure ^-^

Ang cute,may emoji pa hehe.

Dumiretso na ako sa parking lot para masundo ko na si kim.

Pinatunog ko na ang kotse before i stepped in and started the engine.

Pagpunta ko sa school ni kim,nadatnan ko siyang naghihintay sa labas...na may kausap na lalaki.

Ouch. Ang saket T^T

I parked the car infront of their school and stepped outside.

Hindi niya pa ako napapansin na lumapit sakanya dahil busy siya dun sa kausap nyang nerd.

Oo NERD.

Nerd with glasses on,tadtad ng pimples ang mukha,naka-brace at may yakap na books.

Pota,alien ba 'to?

6 guys and a 1 girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon