Chapter 01

30.5K 585 19
                                    

Before you proceed, I changed the names of ml and the family of ml. From Eve Montero to Logan LaRosa. From Aster to Gabriel. Thank you for understanding.

---

"Such a gloomy day." I whispered as I looked up at the sky. Naramdaman kong yumayakap sa akin ngayon ang malamig na hangin.

Nang mangalay na ako kakatingin sa langit ay nagpatuloy na ko sa paglalakad.

"Ba't kasi may bagyo na naman?" para akong sira rito sa gilid ng kalsada. Kinakausap ko ang aking sarili at nagrarant na naman ako ng wala sa oras. "Kailan ko kaya mararanasan ang four season dito?" nakakasawa na ang tag-init at ang tag-ulan na panahon dito sa Pilipinas. Kung may pera lang ako, I mean, kung marami lamang akong pera ay baka nangibang bansa na ako ngayon.

Kaso, it's sad to say na hindi ako masyadong kumikita ng kalakihang pera.

Isa lamang akong trabahador ng isang Flower Shop dito sa aming street. 'Yon na ang naging trabaho ko simula noong nagkinse-anyos ako. Sina Tita Elma ang panandaliang kumupkop sa akin at ngayong nasa 21 na taong gulang na ko ay nagpapakaloyal pa rin ako sa kanila kahit alam kong 'di na sapat ang aking kinikitang pera.

Ang Flower Shop kasi nina Tita Elma ang tumutulong sa'kin upang matustusan ko lamang ang aking mga gastusin sa pang araw-araw. Wala naman akong iba pang maaasahan bukod sa sarili ko.

May magulang nga ako, pero parang wala rin.

"Evy!"

Bigla akong napahinto sa paglalakad nan may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ang taong 'yon ay agad ako nitong niyakap.

"I missed you so much! Ang tagal nating 'di nagkita!"

"A-Amaro?"

"Yes, ako nga!" lumayo siya sa'kin at nginisihan niya ako, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Wala man lang nagbago sa itsura mo."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanyang sinabi o hindi, eh. Pero in the end ay ngumiti pa rin ako. Na miss ko rin naman itong babaeng 'to.

Isang taon din kaming 'di nagkita't nagkausap masyado through social media or kahit sa text and call man lang. Wala, eh. Masyado naman na kaming busy.

Amaro is my bestfriend pero hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya kung 'di kapatid na rin. Siyam na taong gulang pa lang ako nang makilala ko siya. Mula pagkabata ay may pagkakikay na talaga siya at sobrang arte niya. Minsan, naiinis din ako sa ugali niya to the point na nagkasakitan na kaming dalawa. Mabuti na lamang at nagmatured na kami ngayon kaya for sure 'di na 'yon mauulit pa.

"Na miss din kitang babae ka!" wika ko. Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Mas lalo namang kumapal 'yang kolorete mo sa mukha at mas lalo pang umiksi 'yang suot mo. Alam mo naman siguro na malamig ang panahon ngayon, 'di ba?" nakangiwi kong wika na agad naman niyang tinawanan.

"Masyado ka talagang conservative. Ang panahon natin ngayon Evy ay paliberated na kaya masanay ka na talaga sa mukha kong ito at sa ayos kong 'to. Isa pa, wala akong pake kung malamig ang panahon ngayon, noh!"

Ikinangiwi ko lalo ang kanyang sinabi.

"Pake ko rin ba kung paliberated na tayo ngayon. Ikakaunlad ko ba 'yon, ah?" buti sana kung oo, eh. Para hindi na ako mahirapan pang mamuhay sa mundong ito.

"Ito naman! Sumeryoso bigla."

Hindi ko na lamang pinansin pa iyon. Naglakad na muli ako habang nakasunod naman siya sa'kin.

Patuloy lang siya sa pagkukwento tungkol sa paninirahan niya sa Antique. Marami raw may itsura sa lugar na 'yon pero hindi siya nagkipaglandian sa kahit na kanino.

Aaminin ko, may pagkakikay siya at parang prostitute kung manamit pero hindi siya malanding babae, NBSB din 'yan kagaya ko.

"Teka, sa'n ba ang punta mo, ah?" tumigil siya sa pagkukwento't nagtanong nang mapansin niyang pababa na kami ng street namin.

"Sa palengke."

"Ano'ng bibilhin mo ro'n?"

"'Yung halo-halong gulay. Pang pakbet."

"Ah! Tamang-tama, namiss ko 'yong luto mo. Pakain ako sa inyo, ah?"

"May magagawa pa ba ako?"

She just smiled at me. Napailing na lamang ako sa kanya habang patuloy pa rin kami paglalakad.

Nang makarating na kami roon ay nagtungo na ako sa gulayan. Bibili na sana ako no'ng halo-halong gulay nang bigla akong pigilan ni Amaro.

"Evy, nandyan si Kiro! Itago mo ako!"

"Kausapin mo, ah. Hindi 'yong tinataguan mo pa rin siya." minsan, naaawa ako kay Kiro, ang lalaking patay na patay kay Amaro. Ang daming babae sa kanyang paligid pero si Amaro lang ang nakikita niya. Don't get me wrong, ah? Pero kasi, hindi pa handang magboyfriend itong si Amaro kaya binabasted na niya si Kiro. Ilang beses pa! At isa pa, hindi gaanong katinuan ang babaeng 'to. May saltik din 'yan paminsan-minsan. Kaya for sure, kawawa si Kiro kapag naging kasintahan niya 'tong kaibigan ko.

"Eh, ayaw ko talaga sa kanya! Ayaw ko pang maging NBSB no more! Not now!"

I sighed. "Bahala ka dyan." tumingin ako kay Ale. "Pabili nga po nito." sabay abot do'n sa kanya no'ng halo-halong gulay tapos binalik niya rin sa'kin 'yon ng may balot na, sa plastic na may hawakan.

"₱25 pesos lang." anito.

"Ito po." inabot ko sa kanya ang singkwenta't sinuklian niya agad ako.

"Tara na bilis! Palapit na siya!" hinawak-hawakan pa ako ni Amaro sa aking braso.

"Oo na! H'wag kang magpanic! Napaghahalataan ka, eh!"

Paalis na sana kami rito nang makalapit na si Kiro sa'min.

"Shit, Evy.... This is not good." bulong ni Amaro sa'kin. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa kanyang sinabi.

Kilala ko kasi si Kiro bilang makulit na lalaki at for sure ay hindi nito titigilan si Amaro ngayong nakita na niya muli ito. Isang taon ba namang nanirahan ito sa Antique, eh.

"Hi, Amaro... Long time no see. Mas lalo kang gumanda ngayon."

Tumawa ng peke itong katabi ko. "Alam ko na 'yan, matagal na!"

"Humahangin nang malakas, ah." wika ko kaya agad akong nakurot ni Amaro sa aking braso. Napasimangot na lang ako rito.

"Ahm, Evy... pwede ko bang hiramin itong kaibigan mo? Kahit saglit lang sana."

"Sure!" mabilis kong wika kay Kiro. "Kung gusto mo eh sa'yong-sa'yo na siya."

"Evy!" tinignan ako ni Amaro sa kanyang naglalakihang mga mata. Painosente lamang akong nakatingin sa kanya't nagkibit-balikat.

"Sige, aalis na ako. Mag-usap kayo sa walang gaanong tao, okay?"

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Kiro, nagmadali na akong lumayo sa kanilang dalawa.

Mas mabuti nang mag-usap ang dalawang 'yon para hindi na taguan pa ni Amaro si Kiro at para hindi na kulitin ni Kiro si Amaro.

Patawid na sana ako sa kabila ng may biglang dumaan na kotse at ang bilis pa nang pagtatakbo ng Driver. Saktong nakahinto ako sa mabasang daan kaya ang resulta'y natalsikan ako ng tubig. And worst... amoy imburnal pa 'yon!

Napapikit ako sa inis. Nang magmulat na ako ay wala na 'yong kotse.

"Nakakainis! Kung sino man ang driver niyon, sana malasin ang buong araw niya." nagpapadyak na rin ako rito.

Nagsisi ako bigla sa aking desisyon na umalis agad do'n sa gulayan.

Nakakainis naman! Amoy imburnal na agad ako! Ang malas, ang malas-malas! 

Warmth of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon