Chapter 06

10.2K 325 24
                                    

"Evy, tara na!"

"Oo, wait lang!" I rolled my eyes in the air. Nilock ko na muna ang pinto ng Flower Shop nina Tita Elma, pagkalock ko'y naglakad na ako palapit kayna Amaro.

Logan was standing behind her like a Greek God. Dahil matangkad siya'y mapapansin mo kaagad ang isang kagaya niya, sumisigaw ang kanyang aura na "gwapo ako, walang makakatalo sa kagwapuhan ko."

"Ang bagal mo." pagrereklamo nito. Nakapwesto ako ngayon sa gitna, napapagitnaan na nila ako.

"Sorry na, ah? Sorry na."

"Hey, you two! Stop that! Para kayong magkasintahan ngayon pero ang kaibahan lang niyon sa ibang couple ay wala kayong kasweetang taglay sa isa't-isa!" at tumawa si Amaro nang malakas pagkasabi niya niyon sa'min.

"Shut up, Amaro." I hardly said to her, half-annoyed.

"Well, amazona kasi itong kaibigan mo at ang laki ng galit niya sa'kin kaya iexpect mo na ang ganyang pakikitungo niya sa'kin."

Pinandilatan ko ng mga mata si Logan. Hindi ako gano'ng klase ng babae but when it comes to him... nagkakasala na ako sa Diyos, nagiging masama na ako rito sa lupa!

"Ay, Logan! May kasalanan ka sa'kin!" biglang sigaw ni Amaro. Napahinto kami sa paglalakad at sabay kaming napatingin sa kanya. Nilapitan niya ang lalaki at dinuro-duro. "Ang sabi mo no'ng isang araw ay ihahatid mo si Evy pero ano'ng ginawa mo? Hindi mo siya hinatid!"

Napamake-face ako rito ng wala sa oras. "Amaro." pagtatawag ko rito ngunit hindi niya ako pinansin.

"Akala ko ikaw na, eh! 'Yon pala'y hindi!"

"Amaro, listen." nakangising wika ni Logan sabay tingin sa'kin. "I will be going to defend myself now. Sinipa kasi ng babaeng 'yan ang tuhod ko, nararapat daw 'yon sa'kin dahil may ginawa daw ako sa kanya tapos may sinabi lang ako na kung ako eh tinakbuhan niya agad ako." Then he looked at Amaro. "I was trying show her my good side, but she refused it! I feel like I'm rejected by her. And take note, my knees are my weakest part kaya hindi ko siya na habol." muli siyang tumingin sa akin.

Inirapan ko ito at napahalukipkip ako. "Atleast nakaganti ako sa'yo."

"See?"

"Everest Asuncion naman, eh!"

"What?" gulat akong napatingin kay Amaro. Tinawag na niya ako sa buo kong pangalan kaya naman alam kong inis na inis na siya ngayon sa'kin.

"I ship you with this guy and then, gano'n pala ang nangyari?"

"You ship me with this guy?" pag-uulit ko. 'Di ako makapaniwala, eh. Tapos ay aking dinuro si Logan na ngayon ay amuse na amuse na nakatingin sa'kin. "Amaro... nakakadiri ka! Ishiship mo na nga lang ako sa isang manyak," tinignan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking 'to. "bastos, at nakakadiring lalaki pa!"

"Hey, that's too much, baby! You're hurting me!" nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib at umaktong nasasaktan siya kahit hindi naman.

Nakakagigil talaga ang lalaking 'to!

"Tara na nga, Amaro! Ayaw ko nang makipag-usap sa lalaking 'to!"

Hinawakan ko ang aking kaibigan sa braso nito at hinila na siya palayo kay Logan.

Nakarinig naman ako ng isang halakhak sa likuran namin.

"Hey, baby! H'wag mo akong iwan dito!"

"Baby mo mukha mo!" bulyaw ko sa kaniya, hindi ko lang siya nilingon.

"Nice, Evy. Ang ganda ng endearment niya sa'yo." biglang kinikilig si Amaro.

Nandiri naman ako sa sinabi niya. "Nakakadiri kaya! Hindi na ako baby, I'm already old now."

Warmth of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon