"Ano?" naningkit ang aking dalawang mata sa kanyang sinabi.
"Oh, hindi ko alam na bingi ka pala."
Mas lalo akong nainis sa kanya. "Hindi ako bingi!"
"Oh, really?" he wiggled his eyebrows.
Kakakilala ko pa lamang sa lalaking 'to pero inis na inis na agad ako sa kanya. Kung hindi lang masamang pumatay, baka pinatay ko na 'to agad!
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko harapin si Kiro.
"Saan ang pwesto natin ngayon?"
"Doon," tinuro nito ang table na nasa bandang unahan. "Doon ang pwesto natin ngayon."
Tinanguan ko lang siya at bago ako maglakad patungo roon ay inirapan ko muna 'yong Logan.
"Cool yet hot." rinig kong wika pa nito pero 'di ko na pinansin pa 'yon. Ayaw ko lalong masira ang aking gabi.
Nang makarating na ako sa table namin ay umupo na ako sa mahabang upuan na naroroon ngunit mukhang balak ata ng Eve na sirain ang aking gabi ng ito'y tumabi sa'kin.
"Do'n ka nga, umalis ka rito! Lumipat ka roon sa tabi nina Kiro!"
"What?" hindi siya makapaniwala sa'king sinabi. "Pinapaalis at pinapalipat mo lang ang isang kagaya ko? Ayos ka rin, ah!"
"Oh, c'mon! Kakasabi ko lang, 'di ba?" naikuyom ko ang aking kamao sa inis, sa sobrang inis! This man... he's a jerk!
Mas lalo siyang natawa nang makitang inis na inis na ako ngayon. Hindi ko na kaya pa 'to, tumayo na ako na ikinagulat nina Amaro.
"Kiro, ingatan mo ang kaibigan ko, ah? Uuwi na ako."
"Agad?" I heard Logan's voice from my right side. Hindi ko pinansin ang lalaking 'yon gaya nang ginawa ko no'ng una, nakatuon lamang ang aking tingin kayna Amaro at Kiro na nakaupo sa harap namin.
"Iingatan ko talaga 'to pero paano ka? Gabi na masyado, delikado na sa daan." gumuhit sa mukha ni Kiro ang pag-alala sa'kin.
"It's okay. Kaya ko ang aking sarili." at ngumiti ako sa kanya.
"Hindi!" singit ng isa.
"Ano?" tinignan ko muli si Logan. Bigla-biglang sumisingit sa usapan namin,eh. Kanina pa 'to, promise! Sasapakin ko na siya, kaunting-kaunti na lang!
"Babae ka! It's dangerous for you to go home by yourself!" tumayo ito at agad akong inakbayan, napasinghap naman ako sa kanyang ginawa. "But don't worry... Ihahatid kita pauwi sa inyo."
Nagulat ako nang bahagya at napanganga sa sinabi niya, kakakilala lang namin sa isa't-isa tapos...
"Logan, are you serious?" I heard Kiro's voice, he was asking his friends. Marahil gaya ko ay nagulat din siya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
"Do I look like I'm joking to you?" may bahid ng pagkainis ang boses ni Logan. Siniko ito sa kanyang tagiliran para maalis na niya ang kanyang pagkaka-akbay sa'kin. "Ouch, amazona ka pa lang babae ka!" he glared at me.
"Ikaw," dinuro ko siya. "hindi ako papayag na magpahatid sa isang kagaya mo!" hindi lang isang beses ko siyang dinuro, maraming beses pa at dahil ata sa inis ito.
Hindi siya umimik agad, nanatili lamang siyang nakatitig sa'kin habang nakaarko pataas ang gilid ng kanyang labi.
"Why? Because I'm hot as hell? Because I'm a sexy beast? Because you're attracted to me now? Or maybe... you're afraid that I might do something bad to you? Which one of those is your answer, Evy?"
Nanindig ang aking balahibo sa paraan nang pagkakasabi niya no'n sa'kin at kasabay no'n ay ang pagkaumid ng aking dila.
This guy is unbelievable!
BINABASA MO ANG
Warmth of Seduction
ChickLitSTATUS: UNDER REVISION "Now, you give me a sign to make you as my new target. From now on, be ready to embrace my warmest seduction."