"Logan, alam mo... ang galing-galing mong makipaglandian sa mga babae pero look at you, you're so innocent. May mga bagay pa pala sa mundong 'to ang hindi mo alam."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Amaro.
"Tss. Malay ko bang gan'to ang itsura ng dinuguan." nagkasalubong na ang kanyang dalawang kilay habang nagsasalita siya. Napangisi ako sa itsura niya, mas lalo naman siyang nainis nang makita niya ang aking ngisi. "H'wag ka ngang ngumisi. Saka ikaw Amaro, h'wag ka na ring tumawa. Walang nakakatawa sa tinanong ko."
"Mayr'on." sabay naming wika ni Amaro at nag-apir pa kaming dalawa.
"Damn, bahala nga kayo."
Nagsimula na siyang kumain. Gano'n din ang ginawa namin ni Amaro. Ngayon, tahimik lang kaming tatlo na kumakain. Palihim kong sinusulyapan si Eve kung nasasarapan siya sa dinuguan at base sa ekspresyon na nakikita ko sa kanya, masasabi kong nasasarapan nga siya.
At sa 'di namin inaasahan, nagsimulang bumuhos ang ulan. Sa simula ay katamtaman lang ang lakas nang pagbuhos ng ulan hanggang sa lumakas pa iyon lalo.
"What the fuck?" he cursed.
"Wala tayong dalang payong."
I looked at Amaro, "Wala nga. Bad timing ang ulan."
Tsk. Bagyo, ba't mo kasi dinadayo ang Pinas? Paulit-ulit na lang.
Mabuti na lamang at ang pwesto namin ay nasa pinakaloob ng karinderya. Open ang lugar na 'to kaya naman ramdam namin ngayon ang lamig na dala ng hangin, ang malakas na pagbuhos ng ulan sa yero ang siyang nagpapaingay ngayon dito.
Kitang-kita rin namin dito kung paano nagsisiligohan ang mga bata sa ulan. I smiled, na miss kong gawin ang bagay na 'yon. Noong bata ako, nagtatampisaw din ako sa ulan. Naliligo at nagpapakasaya but now, everything has changed.
Nagpatuloy na kami sa pagkain, binabalewala lang namin ang lakas ng ulan. Titila rin 'yan kaso matagal nga lang, mga ilang oras pa bago titila ang ulan na 'yan.
Tumigil ako sa pagkain at kinuha ko ang baso na may lamang tubig at uminom.
"Paano ba 'yan... wala akong dalang payong, baby? I'm going to stay here again by your side."
Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni Logan, si Amaro naman ay nasamid sa kanyang kinakain.
"Hoy!" hinarap ko si Logan at dinuro siya gamit ang aking kutsara. "Hindi ka pwedeng manatili sa tabi ko at pwede ba? Don't call me baby! Ilang beses ko na ba 'yang sinabi sa'yo, ah?" pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
"I don't know." nagkibit-balikat siya. "Pauuwiin mo ako ng wala akong payong na dala? Ang sama mo sa'kin, baby."
Nanumbalik muli sa'kin ang inis na nararamdaman ko para sa kanya.
"Pwede ba-" he cut me off.
"Alam ko na 'yan, I've heard that so many times already. Na h'wag kitang tawagin sa ganoong endearment."
"Eh, alam mo naman pala, eh!"
"Pero tatawagin pa rin kita sa gano'n. You can't stop me... baby." and he licked his lips.
Napatingin tuloy ako ro'n pero agad din akong nag-iwas ng tingin.
"Hey, nanahimik ka ngayon."
Hindi ko pinansin si Logan. Nagpatuloy muli ako sa pagkain habang 'di ko siya pinapansin.
"Evy, baby."
Still ignored.
"Everest, Everest Asuncion..."
BINABASA MO ANG
Warmth of Seduction
Romanzi rosa / ChickLitSTATUS: UNDER REVISION "Now, you give me a sign to make you as my new target. From now on, be ready to embrace my warmest seduction."