"Evy!"
I rolled my eyes at Amaro. "Ano? May kailangan ka ba sa'kin?" nandito siya ngayon sa Flower Shop na pinagtatrabahuan ko at paniguradong guguluhin ako nito.
"Tell me, ano'ng nangyari sa inyong dalawa ni Logan?"
"Walang nangyari sa'min."
"Hindi ka niya hinatid?"
"Hindi." napatigil ako sa pag-aayos ng mga bulaklak. Naalala ko na naman ang lalaking 'yon, ang bastos-bastos! Nakakagigil! Ba't ba kailangan ko pang makilala 'yon?
"What? Pero sabi niya..."
"Sabi niya lang 'yon." hindi ko alam kung ihahatid ba talaga ako ng lalaking 'yon, eh. Hindi naman niya kasi ako hinabol, maybe napuruhan ko ang tuhod niyon.
Anyway, dapat lang 'yon sa kanya!
Napahalukipkip na lamang si Amaro sa tabi ko. "I thought siya na, eh... hindi pala."
I frowned and narrowed my eyes. "What do you mean by that?"
"Wala." umiwas siya ng tingin sa'kin. "Anyway, ang ganda ng Flower Shop na 'to, ah."
"Yeah." pagsang-ayon ko sa kanya kahit na nacucurious ako sa sinabi niya kanina.
"I thought siya na, eh... hindi pala." umulit sa'king isipan ang sinabi ni Amaro.
Si Logan na ang alin? Ang magiging kauna-unahan kong manliligaw?
Pinilig ko ang aking ulo pakanan. Gusto kong matawa, ah. Hindi papatol si Logan sa isang kagaya ko at gano'n din ako sa kanya. Malabong maging kauna-unahan kong manliligaw iyon, hindi ako papayag na isang bastos o manyak na lalaki ang aking maging kauna-unahang manliligaw!
"How about you and Kiro? Ano'ng nangyari kagabi?" Now, it's my time to ask that question to her.
Namula si Amaro at biglang napayuko, nahihiya siyang tumitingin sa'kin habang pekeng natatawa.
"A-Ano... lalabas na ako, ah? May bibil—" I cut her off.
"No. Answer my question, Amaro. Ano na? Nagustuhan mo na ba siya kagabi? Ano'ng nangyari, huh?"
Napatingin siya sa'kin nang diretso habang namunula na ng todo ang kanyang pisngi. Napangisi naman ako sa kanyang reaksyon, mukhang alam ko na kung ano ang kanyang sagot sa'king tanong but I want to hear it from her. Para confirm na confirm!
"It was..."
"It was, what?"
"Ah... Ano..."
Napahalakhak na ako rito. Buti na lamang at wala pa kaming customer, malaya pa akong asarin si Amaro ngayon.
"H'wag ka ngang humalakhak!" inis niya wika.
"Kasi naman. Sasagutin mo lang ng 'oo' o 'hindi' 'yong tanong ko sa'yo, eh, hindi mo magawa."
Napanguso siya. "Nalilito pa kasi ako kaya 'di ko masagot-sagot ang tanong mo."
Napahinto ako sa paghalakhak at napaseryoso bigla. "Amaro, h'wag kang malito. At least kapag na fall ka alam mong may sasalo sa'yo."
Napatingin siya sa gilid ko't hindi na umimik pa. Pag isipan niya sana ang sinabi ko sa kanya kanina. May mga dumating ng customers at akin na iyong inasikaso lahat. Napapasulyap lamang ako kay Amaro na nasa gilid, nakaupo at nakatulala lang sa kawalan.
Tatawagin ko na sana siya nang makita kong pumasok si Kiro rito, nanlaki ang mga mata ko bigla.
"Kiro, magandang umaga!" bati ko rito.
BINABASA MO ANG
Warmth of Seduction
ChickLitSTATUS: UNDER REVISION "Now, you give me a sign to make you as my new target. From now on, be ready to embrace my warmest seduction."