Nakarinig ako ng isang halakhak sa aking likuran. Nang lumingon ako'y nakita ko si Amaro na tawa nang tawa habang nakaturo sa damit kong natalsikan ng mabahong tubig.
"Ayan, iniwan mo pa kasi agad ako doon, eh! Napapala mo tuloy ngayon!" wika nito habang natatawa pa rin.
Napasimangot muli ako. "Shut up nga! 'Di kita pakainin ngayon sa bahay namin, eh."
Lumapit 'to sa'kin at inakbayan ako. "Nagbibiro lang naman ako." I raised my one eyebrow at her. Basta pagkain at luto ko eh bigla siyang magiging isang maamong tupa.
"Talaga lang, huh?" but, wait... "Ano'ng sinabi sa'yo ni Kiro?" kailangan kong malaman kung ano ang napag-usapan nilang dalawa.
Bigla siyang sumeryoso. "H'wag tayong mag-usap dito, sa bahay niyo na lang."
Tinanguan ko siya, "Sige."
Naglakad na kami papunta sa bahay namin. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ko't ang Ate ko roon dahil kung hindi, papaliguan nila ako ng mga utos nila. Mas maganda nang wala sa bahay ang mga 'yon kaysa nandoon sila. Ako kasi ang kinakawawa, eh.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating na kami sa bahay namin. Si Amaro na mismo ang nagbukas ng pinto at walang sabi-sabing pumasok sa loob. Napailing na lamang ako rito bago sumunod sa kanya.
Naabutan ko siyang binubuksan ang T.V namin. Nilapag ko muna ang halo-halong gulay sa silya.
"Diyan ka lang, manood ka na muna. Magpapalit lang ako ng damit." wika ko.
"Okay."
Nagtungo ako sa'king kwarto't agad-agad na naghanap ng pamalit, isang pulang damit at pants ang sinuot ko. Nang matapos ay nilagay ko 'yong maduming maong pants na aking suot kanina sa tubalan.
"Magluto ka na, Evy! Miss ko na 'yong luto mo!" pagsisigaw nito.
"Ang sabihin mo, gutom ka na!" pagsisigaw ko rin sa kanya.
Ayaw pang direstuhin ang kanyang sasabihin, eh. Nagtungo ako sa sala't kinuha ko na 'yong pang pakbet. Nagtungo na agad ako sa kusina't nagsimula nang kumilos.
Hinayaan ko na muna si Amaro na manood ng T.V doon dahil wala naman siyang maitutulong sa'kin. Hindi naman marunong magluto ang kaibigan ko, tagalamon lang kasi siya!
Ilang minuto ang tinagal ko rito sa kusina nang matapos na ako sa pagluluto.
"Amaro, punta ka na rito!" kasalukuyan na akong naglalagay ng utensils sa lamesa naming gawa sa kahoy.
"'Yon!" excited 'tong umupo sa isa sa mga silyang nakapalibot sa mesa. Ngayon, nagsasandok na ako ng kanin para sa'ming dalawa. Nilapag ko na 'yon sa gitna't gano'n din ang ginawa ko sa pakbet.
"Kainan na!" akmang kukunin na niya 'yong kanin nang pigilan ko siya.
"Maghugas ka ng kamay mo muna! At magdasal muna tayo, ito talaga!" ni hindi pa ako nakakaupo sa silyang katabi niya eh kakain na agad siya, uunahan pa ako!
"Fine!"
Nagtungo 'to sa lalabo at naghugas na rin. Pagkaupo nito sa tabi ko ay siya ang aking pagdadasalin.
"Ikaw ang magdasal, Amaro."
"Huh? Why me?"
"Para may maiambag ka kahit papan'o. 'Di 'yong lalamon ka lang."
Sumimangot siya. "Sabi ko nga."
Alam kong 'di siya makadiyos pero kailangan niyang gawin ang nakasanayan ko.
"Lord, thanks for the food. Amen!" and simple as that. "Ano? Masaya ka na?" pagtatanong nito habang nakatingin sa akin na parang naiinis na siya.
"Oo naman!" malawak akong napangiti. Imagine, si Amaro ay nagdasal na sa hapagkainan." gusto ko siyang inisin lalo. Ang cute kasi ng kaibigan ko kapag naiinis.
BINABASA MO ANG
Warmth of Seduction
ChickLitSTATUS: UNDER REVISION "Now, you give me a sign to make you as my new target. From now on, be ready to embrace my warmest seduction."