Chapter 05

11K 343 38
                                    

Hindi ako nakaimik agad matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya at kasabay niyon ang pag-ihip ng hangin. Dahil may bagyo na naman, any moment now ay maaaring umulan na, kailangan ko nang pumasok sa loob ng shop ngunit binabasa ko muna sa kanyang itsura kung ano ang tumatakbo sa isipan niya sa pamamagitan nang pagtitig ko rito pero 'di ko magawa.

"No way." I breathed, umiling-iling na ako rito.

This man... He is unbelievable!

"Tandaan mo sana ang sinabi ko sa'yo kanina, Evy." he also breathed. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos niya ako sa pisngi.

Hindi agad ako nakagalaw, nanigas ako rito. Pinagmamasdan ko lamang kung paano umarko pataas ang gilid ng kanyang labi.

"Logan." I was about to say something nang bigla itong yumuko, mabilis niya akong ginawaran ng halik sa aking pisngi.

Nakarinig ako nang pagsinghap ng mga babaeng nasa paligid namin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang ginawa at bahagyang napanganga. Nang lumayo 'to sa akin ay ngumisi siya. "Bye, baby. See you later." and he winked at me.

Mabilis niya akong tinalikuran at mabilis din siyang naglakad palayo sa'kin.

Wala sa sarili kong hinawakan ang aking kanang pisngi na hinalikan niya habang tinitignan ko ang kanyang papalayong pigura hanggang sa mawala na ito sa'king paningin. Pakiramdam ko'y namumula na ako sa kanyang ginawa. Siya ang kauna-unahang lalaki na humalik sa aking pisngi!

Nang tignan ko ang mga babaeng nabihag ng kagwapuhan ni Logan ay masama lamang silang nakatingin sa'kin at pinag-iirapan nila akong lahat bago sila nagsi-alisan sa tapat ng shop na 'yon.

Nanatili lamang akong nakatayo sa labas ng Flower Shop nina Tita Elma, hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina!

Naiinis ako sa sarili ko. Ba't ako naapektuhan sa lalaking 'yon? Hinalikan niya lamang ang pisngi ko, dapat hindi ako maging ganito! Dapat hindi ako maapektuhan ng ganito!

For sure naman ay pinagtritripan niya lamang ako!

'Yon pa ba? Mukhang bored siya sa kanyang buhay o 'di kaya'y wala lang siyang babaeng mapaglalaruan!

"Evy, umayos ka." singhal ko sa aking sarili.

Nang medyo bumalik na ako sa aking sarili ay doon lamang ako pumasok sa loob ng shop.

Oras na para magtrabaho. I need to focus!

Gaya pa rin ng dati, ako ang mag-isang nag-aasikaso ng mga customer dito. Mamaya pang hapon ang dating ni Tita Elma galing sa Divisoria kaya naman pagod na pagod na ako ngayon. Marami-rami rin kasi ang nabili dito at maganda iyon, para may makuha akong bonus kay Tita Elma kapag sahodan na.

Narinig kong tumunog ang wind chime hudyat na may customer muli ako. Ngingitian ko na sana iyon at babatiin ng 'magandang tanghali' ngunit naumid ang aking dila ng makita kung sino ang customer ko ngayon.

"Hi there again, baby."

Nginisihan niya ako hanggang sa makalapit na siya sa'kin. Ang mga mata niya ay gumala muna sa loob ng shop bago muli siyang tumingin sa akin.

"Sa'yo ba itong shop na 'to?" pagtatanong niya.

Hindi ako sumagot, nanatiling tikom ang aking bibig at nakatingin lamang ako sa kanya. Kahit saang anggulo talaga, masasabi kong gwapo siya at ikinaiinis ko iyon!

"Hey, baby... I'm asking you." nagtama ang mga mata namin at pakiramdam ko'y nanlambot bigla ang aking tuhod.

Para iyong black hole na hinihigop ang aking kaluluwa. Nakakainis ang mga mata niya, masyadong... mapang-akit.

Warmth of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon