Chapter 5

19 7 0
                                    


Kyky's  P.O.V

Nagising kami dahil sa isang sigaw na akala mo kung ano na ang nangyari yun pala para gisingin kami.

"Ano ba ang napaniginipan nyo?,bakit ang hirap niyong gisingin." sabi ni christof.

"whaaa napaniginipan ko si crush na nagdadate daw kami" sabi ni kayeng.

At ayon si Christof natahimik. Yan kasi eh tinanong pa kung ano ang napaniginipan. HAHAHA.

"Tara na guys umuwi na tayo gumagabi na oh" sabi niya na nakayuko..

Nang umalis na kami ay nakita namin ang mga naghihintay na sundo ng aming mga kaibigan.

"buddy mauna na ako ha, hindi na kita mahahatid dahil may dinner kami ng family ko eh" sabi ni paul.

"okay mag-ingat ka sa pag uwi." pagpapaalam ko sa kaniya.

Pagkatapos umalis ni buddy ang sumunod naman ay si Kayeng sumunod si chin at sinundan din ni tala. Ang naiwan nalang ay ako, si christof at jameson.

"oh son hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay jameson.

"hinihintay ko pa kasi ang sundo ko eh" sabi niya.

"hey guys mauna na ako sa inyo" sabi ni christof na nakayuko. Problema ng isang to??

"hey bro, what's the problem?" tanong ni jameson kay christof.

"nothing bro, sige guys mauuna na ako sa inyo" sabi niya at pagkatapos noon ay tumalikod na siya at umalis.

"anong nangyare sa kaniya?" tanong ni jameson sa akin.

"di ko rin alam eh, sige son mauuna na din ako...kaya mo ba maghintay na mag isa?" tanong ko sa kaniya.

"oo naman sige ky mang ingat ka.. bye" sabi ni son-son.

"sige bye" sabi ko.

Pagkatapos kung magpaalam kay jameson ay nagmadali agad ako dahil alam ko na maabutan ko pa si christof  at hindi nga ako nagkamali dahil nakikita ko na siya sa malayo.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa malapit na ako sa kaniya kaya tinawag ko ito.

"Par" tawag ko sa kaniya.

Pero hindi niya ako pinansin kaya tinawag ko nalang  ito sa pangalan niya.

"Chris!!....bakit hindi mo ako pinapansin?. Hindi na tayo friend!!" sabi ko at tumalikod sa kaniya.

Lumakad  ako palayo sa  kaniya. Pero alam ko na hinahabol niya ako..HAHAHA hindi kasi makatiis.

"Par naman sorry na, si kayeng kasi eh hayss ang sakit na ng puso ko" sabi niya sa akin.

"hahaha ikaw naman siguro yun" sabi ko sa kaniya na tumatawa.

"heh tumigil ka ginaganyan mo lang ako para gumaan ang loob ko" umaarte na sabi niya.

"edi ikaw na, alam mo naman pala eh ano pa ang sasabihin ko" sabi ko sa kaniya.

"matalino ba ako ky" tanong niya.

"ha, anong konek sa sinabi ko" sabi ko.

"ky naman eh seryoso ako, matalino ba ako?" tanong niya ulit.

"oo naman,wala namang tao na hindi matalino"

"okay don't touch me cuz I 'm genius" sabi ni christof sa akin na tumatawa.

Lumakad na lang ako at iniwan si christof na nagsasalita...Sino ba naman hindi mainis sa sinabi niya, magtatanong kung seryoso tapos sinagot ko naman pero yun pala joke lang naman hays kung hindi ko lang mahal yun nakalipad na yun papuntang heaven.

"ky hindi ka na talaga mabiro" sabi niya.

At ayon binatukan ko.

"Ga** ka ba sabi mo seryoso tapos mag jojoke ka, eh kung patayin nalang kaya kita"

"ky sorry na, eh kung patayin mo ako paano na lang ang the one ko" sabi niya na umaarteng umiiyak.

"edi hahanapin ko at papatayin din"

"we di nga? hahanapin mo siya para sa akin"

"hindi ko hahanapin para sa'yo, hahanapin ko siya para patayin" seryoso kong sabi.

"ky naman eh seryoso ka talaga, sorry na nga eh. Patawarin mo na ako please"sabi niya nakapout.

" sige na pinapatawad na kita, but in one condition" sabi ko.

"okay, what is it?" tanong niya sa akin.

"Libre mo ako sa jobbee" sabi ko sa kaniya na may ngiti sa labi.

"sus yun lang pala,sige tara na" sabi niya.

Umalis na kami at ilang oras lang nakarating na kami sa jobbee.

"Ky anong gusto mo?" tanong niya.

"gusto ko ng sundae at burger"

"akala ko kung ano na ang ipapalibre mo yun lang pala, sige oorder muna ako" sabi niya sa akin at tumalikod na ito para umorder.

Nang dumating si christof na dala ang kaniyang inorder ay  nag umpisa na kaming kumain habang kumakain kami ay nag uusap kami tungkol ng mga bata pa kami...

"ang saya saya lang balikan noong mga bata pa tayo" saad ni christof.

"oo nga gusto kung balikan pero hindi na pwede" sabi ko sa malungkot na tinig.

"Bakit naman hindi?" tanong niya.

"Basta hindi na pwede" malungkot ko parin na sabi.

"Ky kung gugustuhin may paraan" nakangiti niyang sabi.

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya tumahimik nalang ako.

"Ky ba't ang tahimik mo?" tanong niya.

"HAHA wala lang, tapos ka na bang kumain?" pag iiba ko ng usapan.

"oo bakit gusto mo na bang umuwi ihahatid na kita?"

"hindi na chris. May hinihintay pa kasi ako dito, mauna ka nalang" sabi ko sa kaniya na nakangiti.

"ah ganoon ba, sige mauna na ako ky" sabi ni chris.

Tumayo si chris at nagpaalam na umalis kaya ng malapit na siya sa pinto ng jobbee ay sumigaw ako.

"chris mag ingat ka, salamat pala sa libre mo!" sabi ko sabay kaway.

Nang umalis  na si chris napa isip ako.
Babalik pa kaya siya?
Kamusta na kaya siya?
Babalikan niya kaya ako?

Hay bakit ko ba to iniisip alam ko naman na hindi na yun babalik eh. Makauwi na nga.






Must Be LoveWhere stories live. Discover now